Twenty Four

294 14 3
                                    

Twenty Four

Another week has passed at masakit man tanggapin, ito na rin ang huling araw na makakatabi ko si Stephen dahil by Monday ay babalik na ulit kami sa aming klase.



Monday na magaganap ang division exam at a week after 'non ay 3rd grading.

Friday at break time ng inakbayan ako ni Tin at ngumiti sa akin.

"Sa Monday na exam, sa wakas matatapos na rin ang madugong review." Natutuwang usal niya habang nagpakawala ako ng malalim na paghinga at malungkot na tumingin sa kanya.

"Ito na rin ang huling araw makakatabi ko si Stephen at makakasama sa isang klase." Malungkot kong usal.

"Okay lang 'yan, masusulyapan mo pa rin naman 'yon. At magkasama kayo sa bahay 'di ba? So, hindi ka pa rin lugi." sabi niya.

Nanahimik na lang ako at diretsong pumasok sa canteen upang makabili ng pagkain. Pansin namin na halos walang 4th year student ang nasa canteen, marahil ay abala ang iba sa pagrereview.

Pagbalik namin ng classroom ay nakita ko siya na nakaupo at payapang nagbabasa. How can he manage to be on top kung ni isang libro na subject namin ay wala man lang siyang hinahawakan.

Iba talaga ang IQ ng lalaking 'to.

Naupo ako sa tabi niya at napasubsob. Nakaharap ako sa kanya at payapa siyang tinitigan. Ang guwapo niya talaga, kahit magdamag kong titigan ang mukha niya ay siguradong hindi ako magsasawa.

"Stop staring!" Aniya in refrigerator mode again.

"Stephen." Tawag ko.

"Uhm."

"Hindi ka ba nalulungkot?" Nakasimangot na sabi ko.

"For?"

"This is our last day for being a seatmate, hindi mo ba ako namimiss?" Hinawi niya ang kanyang libro dahilan kung bakit nagtama ang mga tingin namin. After a few seconds of staring at each other, he goes back to his reading. Wala man lang reaksyon ang lalaking 'to. Napahinga na lang ako ng malalim atsaka nagsimulang mag-review ulit.

Ilang sandali pa ang lumipas nang hindi ko inaasahang magsasalita siya sa tabi ko.

"Why would I miss you if everyday kitang nakikita sa bahay, count mo pa ang pasimple mong pag-sulyap sa akin." Walang emosyong sabi niya at tumayo sa kanyang upuan. Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

Biglang nagwala ang puso ko dahil sa narinig at natameme. Pakiramdam ko biglang nagsi-akyatan ang dugo sa aking mukha dahil sa sinabi niya.

Pagbalik niya, sinikap kong itago ang pamumula ng aking pisngi at nag-focus sa pagrereview. Nang natapos ang buong araw ay 'tsaka lang ako nagkaroon ng lakas na harapin si Stephen na nagbabasa pa rin ng libro.

Napansin kong isa-isang nagpa-salamat ang section namin sa section 1 dahil sa pagtulong sa amin.

Kinalabit ko siya at nagtataka niya lang akong tiningnan.


"Dismissed na ba?" Tanong niya at tumango ako. Nagsimula na siyang isilid ang mga gamit sa bag kaya nag-ipon na ako ng lakas ng loob upang magsalita.

"Stephen,"

"Uhm." Hindi niya ako nilingon.

"Thank you." Huminto siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin.

"Thank you sa pagtitiyaga na turuan ako. Alam kong mahirap sayo lahat ng to this past few weeks but then, I am still thankful." Tumayo siya at namuo ang ngiti. Bigla niyang pinitik ang aking noo.

"Save that speech if nakakuha ka ng mataas na marka. Let's go!"

"S-Sa?" Lito kong tanong.

"Home? Are you planning na dito sa school mag-weekend? Stupid." Aniya at nauna na agad lumabas sa akin.

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon