Forty Six

368 21 8
                                    

Forty Six

Masakit ang ulo ko paggising. Paglabas ko ng kuwarto matalim na tingin agad ni Papa ang sumalubong sa akin.

"Promise, Pa, hindi na talaga ako iinom." Bungad ko sa kaniya at kumuha ng tubig. Sobrang gulo ng buhok ko na animo'y galing akong bakbakan. Bitbit ko pa ang eyemask na magdamag kong gamit kagabi.

Napansin ko ang tahimik ni Rail sa sala kaya tinabihan ko muna siya.

"Anong nangyari kagabi? Wala na naman akong matandaan" Tanong ko sa kaniya habang minamasahe ang aking ulo.

"Katakot-takot na kahihiyan ang ginawa mo kagabi." Halos hindi ako makatingin ng maayos kay Rail dahil sa sinabi niya. Nanuyo agad ang lalamunan ko kahit kakainom ko lang ng tubig.

"T–Totoo?"

Mabilis siyang tumango at nag-focus sa pinapanuod niya. Napalunok ako.

"Tulad ng?"

Salubong ang kilay niyang seryosong tumingin sa akin at bumwelo. "Sinisigawan mo lang naman ang prince charming mo at sinabihan mong makapal ang mukha!"

Natulala ako at nawalan na ng ganang makinig ng sasabihin niya. Mabilis akong tumakbo sa aking kama at sumigaw dahil sa kahihiyan. Ginawa ko 'yon? Kay Stephen? At sa maraming tao? Goodness Sashi!

Pa, hindi ko na po uulitin. Hindi na talaga ako iinom... sa sobrang kahihiyan na naramdaman ko ay maghapon akong nakahiga lang sa kuwarto. Pilit na pinagsisihan ang ginawa kagabi. Nang makita kong tumawag si Tin, walang gana ko lang sinagot 'yon habang nakatulala lang sa kisame.

"Uhm." Bati ko sa kanya.

"Ano ginagawa mo?" Tanong niya.

"Nakahiga lang, why?" Sagot ko.

"Kita tayo, bored ako dito sa bahay. Kain tayo sa labas, panigurado stress na naman tayo bukas." Sabi niya. Napa-oo na lang din ako sa sinabi niya at nag-ayos.

Sa isang Mall ang napag-usapan naming meet-up place, nagpaalam lang din ako kay Papa at nangakong hindi uuwi ng lasing.

Isang plain jeans at black v-neck shirt lang ang suot kong damit with white shoes. Inilugay ko lang din ang aking buhok at nagpara ng taxi.

Pumipikit pa ang mata ko habang nasa biyahe at ilang sandali pa ay nakita ko na agad si Tin na kinakawayan ako sa entrance.

Nilakihan ko na agad ang hakbang ko para makarating sa kaniya.

"Saan tayo?" Tanong ko agad.

"Damit. Tingin tayo damit." Saad niya. Napatango na lang ako at sabay na kaming pumasok sa loob. Bumili muna kami ng maiinom bago mag window shopping.

"Kamusta nga pala hangover mo?" Tanong niya habang pumipili na kami ng damit sa boutique.

"Okay na, medyo nahihilo lang ako kanina paggising."

"Mabuti naman." Napalunok akong tiningnan siya ng kakaiba at mukhang nakuha niya ang mga tingin ko.

"What? About ba sa kagabi? Ang pag-sigaw mo kay Stephen?" Nakasimangot akong yumuko habang nagsimulang kagatin ang aking kuko.

"Malala ba? I mean malakas ba ang sigaw ko?" Pangungumpirma ko sa kaniya at tumango agad. "Abot ng kabilang baryo ang sigaw mo pero huwag kang mag-alala, informed naman na rin ang lahat ng taong naroon na ganoon ka na talaga."

Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ba ako sa mga sinasabi niya. Kaya napabusangot na lang akong pinagmasdan siyang namimili ng damit. Hindi nagtagal ay may hinagis siyang dress na pastel lang ang kulay. Simple pero maganda.

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon