Fifty Six

360 19 6
                                    

Fifty Six

Maaga ako nagising kinabukasan dahil kailangan kong magpaalam ng maaga sa kaniya. Nakaayos na ako ng lumabas sa kuwarto at nakasalubong agad ang bagong gising niyang mukha. Kung ganito ba naman ka-guwapo ang bubungad sa aking tuwing umaga...naku, talaga naman.

"Stephen." Tiningnan niya lang ako sandali at naglakad patungong kusina.

"Uhm?"

"Baka mamayang tanghali pa ako pumasok. May gagawin lang ako ngayong morning," paalam ko.

"Where are you going?" tanong niya habang nagtitimpla ng kape.

"Uhm, magkikita lang kami ni Tin...may gagawin lang sana." Tinitigan niya lang ako ng kakaiba at wala na ring nagawa kung hindi tumango. Nakangiti akong lumabas ng unit dahil bukod sa pinayagan niya ako ay nasilayan ko pa siya.

Alas-nuebe ang schedule ni Tin sa ob-gyne para sa check-up kaya kailangan kong umalis ng unit ng mga 7 o'clock para makaiwas sa traffic dahil medyo may kalayuan ang hospital niya sa lugar ni Stephen.

Since hindi pa rush hour, medyo maluwag pa ang bus ng sumakay ako. Mabuti na lang at kahapon pa ako nagpaalam sa office kaya medyo maluwag ang loob ko sa gagawin kong lakad ngayon.

Nasa kalagitnaan na ako ng biyahe ng maisipan kong tawagan si Rail. Malapit lang kasi ang hospital sa office niya, balak ko sana siyang yayain na kumain mamayang lunch at namimiss ko na rin ang isang 'yon.

Nakakailang tawag na ako sa number niya pero mukhang wala siyang balak sagutin kaya nanahimik na lang ako at sumuko.

Makalipas ang halos isa't kalahating oras na byahe ay tuluyan na akong nakarating sa bus stop kung saan lalakarin na lang ang hospital. Sa layo ng naging biyahe muntik na ako makatulog sa bus. Naglakad pa ako ng ilang minuto upang makarating sa lobby ng hospital atsaka hinintay na dumating si Tin.

Sandali kong binuklat ang librong binili at nagbasa ng mga bawal at puwedeng kainin para maging healthy si baby. Pati mga bawal gawin ni Tin ay minarkahan ko upang ipaalala sa kaniya.

Hindi nagtagal ay dumating na rin siya. Nakangiti ko agad siyang binati ng magtama ang mga mata namin. Tipid niya lang akong tiningnan at naramdaman ko agad ang kaba sa mga mata niya.

Kumapit ako sa braso niya upang alalayan siya habang masiglang nagkukwento, gusto kong ilihis ang atensyon niya habang paakyat kami sa ob-gyne section ng hospital.

"Nga pala, nagkita kami ni Ken noong nakaraan." Napukaw ko ang atensyon niya at huminto dahil sa sinabi ko.

"Anong sabi niya?" tanong niya.

"Tinatanong ka niya sa akin. Bakit daw hindi ka na sumasagot sa tawag niya at bakit hindi ka na pumunta sa restaurant? May masama ba raw nangyari sayo"

"Anong sinagot mo?" kuryusong tanong niya.

"Hindi ko na siya sinagot at nag-iinit lang ang ulo ko kaya habang nasa harap ko siya...nilayasan ko na agad. Kating kati nga akong sapakin ang lalaking 'yon pero dahil ayaw mong malaman niya...nagtimpi ako." Tipid niya lang akong nginitian at pareho na kaming huminga ng malalim ng nakarating sa tapat ng OB section.

Sabay kaming umupo at naghintay upang tawagin ang pangalan niya. After ng ilang minutong paghihintay, narinig na namin ang nurse na tinatawag siya. Gusto ko pa sanang sumama sa loob ngunit hindi na niya ako pinasama at kaya na raw niya iyon.

Kinakabahan ako habang naghihintay sa labas. Medyo tumatagal na rin ang check up at nabuburyo na ako sa kaba at excitement, hindi ko na alam kung ano 'tong nararamdaman ko!

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon