Sixty

353 20 6
                                    

Sixty

Maaga ako nagising kinabukasan dahil nagbabalak akong sumabay sa kaniya. Inaantok akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa refrigerator upang kumuha ng maiinom. Nakapikit pa ako habang may eye mask sa aking mga mata.

"Sashi..." marahang tawag niya sa akin.

"Hmmm?"

Lumapit siya at tinanggal ang eye mask ko. Bigla tuloy akong nasinag sa araw.

"Tanggalin mo ang eye mask mo at baka madapa ka."

Hindi ko maiwasang mapangiti sa lambing ng boses niya.

Umagang-umaga pinapagalitan niya agad ako. Tumango ako at malapad na ngumiti sa harap niya. Ang aga-aga mukha na naman niya ang nakikita ko.

"Good morning," bati ko.

"Morning," bati niya sa akin. Tapos na siyang maligo at naka-dress shirt na siya sa harap ko, samantalang ako'y halos hirap pang imulat ang mata.

"Let's eat first, Sash," utos niya. Naka-prepared na ang pagkain namin sa dining ng umupo ako bitbit ang malamig na tubig.

"I will be having a meeting this afternoon kaya hindi ako makakasa–" hindi niya tinapos ang kaniyang sasabihin at seryoso akong tiningnan. It's like he remembered something.

"Oo nga pala, I forgot! May rules ka nga pala," utas niya at umalis sa harap ko. Sumimangot ako. Ano naman kung may rules ako? Puwede pa rin naman niyang sabihin sa akin ang schedule niya.

Sa bagal kong kumilos, huli na akong lumabas ng condo at malapad ang ngiting handa na sanang pumasok sa loob ng kotse niya ng mapang-asar niya akong tinitigan.

"Hindi ba isa rin 'to sa rules mo?" pangungompirma niya pa sa akin. Nagpa-awa effect ako sa kaniya dahil mukhang mangyayari na naman ang nangyari noong mga unang araw kong pumasok sa office nila.

"Instead of dropping you near our building, you should have just said that you will not come with me, I think that is much safer." he said, mocking me at iniwan nga ako. I groaned while he was smiling. Tuwang-tuwa talaga ang isang 'yon sa tuwing inaasar ako. Ugh!

"Stephen!" Huli kong sigaw at tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko. Talaga naman!

Relax Sashi, think positive. Okay lang iwanan, basta good mood lang siya sa umaga. At sana lang maging maganda ang araw natin ngayon at maisakatuparan ang secret relationship nating dalawa.

Masamang tingin agad ang pinukol ko kay Stephen ng nakarating ako sa office ng pawis na pawis. Nang magtagpo ang tingin namin, I gave him a murderous dagger look habang ngisi naman ang sinukli niya sa akin at nag-focus ulit sa kanyang ginagawa.

Hindi pa nga nakakahinga, nilapagan agad ako nila Pen ng mga gagawin kaya nawalan na rin ako ng oras upang silipin siya ng palihim.

Pagsapit ng alas-diyes ay nakatanggap ako ng tawag kay Cory. Pagod kong sinagot 'yon.

"Hello."

"Free ka mamaya? Nagyaya sila Rick at mukhang malapit lang sa place niyo."

"Not sure pa ako," tugon ko.

"Basta inform us kung sasama ka. Niyaya ko rin si Tin, bye," aniya. Napaunat ako sa pagkakaupo at inilapag ang phone sa mesa.

Halos walang nagsasalita sa office dahil sa tambak na gawain nang mapukaw ang atensyon naming lahat dahil sa pagpasok ng magandang babae.

"Good day, I'm looking for Stephen Chen, is he here?" tanong niya sa amin.

Kumunot ang noo ko at pinasadahan ng tingin ang babae. Balingkinitan at kumukurba ang katawan niya dahil sa suot niyang fitted red dress. Nagkatinginan kaming lahat ng staffs na naroon at agad nakarinig ng bulungan sa kanila.

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon