Thirty

334 19 7
                                    

Thirty

Paggising kinaumagahan ay nararamdaman ko agad ang mainit kong katawan. Kahit wala akong ganang pumasok ay bumangon ako upang hindi makahalata ang mga tao sa loob ng bahay. Wala pa akong balak na sabihin sa kanila ang problema ko, hahanap pa ako ng tiyempo.

Hindi ako naligo at tinakpan ko lang ng poundation ang mukha kong namumutla at naglagay ng kaunting pampapula sa labi. Nagdala rin ako ng jacket at sinuot 'yon sa nanginginig kong katawan. Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko agad si Stephen.

Nagpanggap akong walang nangyari sa akin kagabi at malapad na ngumiti. "Morning." Tiningnan niya lang ako at nauna ng bumaba sa akin.

Pagkaupo sa hapag ay nararamdaman ko agad ang lagkit ng tingin sa akin ni Tita dahil pag-aalala. Nginitian ko siya at kumain. Buong oras ako nakinig sa usapan nila at sandaling natigilan.

"Sashi, mukhang mapapaaga ang alis ni Stephen papuntang U.S." Hindi ko magalaw ang kamay ko dahil sa balita ni Tito.

Tipid akong ngumiti. "T—Talaga po?" Malungkot kong tanong. Nagtama ang tingin namin ni Stephen at nakita ko ang pag-kunot ng noo niya habang pinagmamasdan ako.

"Okay lang ba sayong mauuna siya roon?" Dugtong na tanong niya. Ngumiti lang ako at sumubo ulit ng pagkain.

Ilang minuto pa ang lumipas at nagpaalam na ako sa kanila, napapansin ko rin ang mga kakaibang titig sa ni Stanley kaya ginulo ko lang ang buhok niya upang hindi siya maghinala.

Nauuna akong maglakad kay Stephen habang panay ang sulyap ko sa phone.

"Pssst." Tawag niya sa akin. Nilingon ko siya at nag-iwas agad ng tingin.

"You're acting weird, are you okay?" Napa-atras ako at tumango.

"Really?" Paninigurado niya. Tumango ulit ako at tahimik na naglakad.

Sa bus, lumayo ako sa kaniya upang hindi niya maramdaman ang nilalagnat kong katawan. Pababa na kami ng bus ng nakatanggap ako ng tawag sa pinsan ko. Mabilis ko agad sinagot 'yon at umaasang may balita na kay Papa.

"Hello."

"Sashi, pinapatanong ni Dad kung kailan mo raw balak lumipat dito sa bahay." Napalunok ako. Nagtama agad ang tingin namin ni Stephen habang naramdaman ko ang mga tanong sa likod ng mga mata niya.

"Hindi ko pa masasagot, kailangan ko pa kasing magpaalam ng maayos kila Tita." Sagot ko.

"Okay, sige. About Tito..." huminga muna siya ng malalim. "Hindi pa rin siya nagigising..." Muntik na naman akong maiyak dahil sa sinabi niya. Mariin akong napapikit at nagpakawala ng malalim na paghinga.

"S—Sige. Salamat." At pinatay na ang tawag.

Narinig ko ang pagtikhim ni Stephen sa likuran ko. "Tin?" Tanong niya habang tinutukoy ang kausap ko.

Tiningnan ko lang siya ng may namumuong luha sa mga mata. Minabuti kong hindi sagutin ang tanong niya at naglakad na lamang.

"K—Kailan ang alis mo?" Wala sa sariling tanong ko.

"Next week? Kakausapin nila Mom ang adviser na baka p'wede akong mag-early exam at mukhang papayagan naman ako." Sabi niya. Marahan akong tumango.

"Ikaw, after the final exam, ipapaayos ko na rin kay Mom ang mga papers mo. Kaya siguraduhin mong maipapasa mo ang college entrance exam." Seryosong bilin niya. Huminto ako sa paglalakad at tinitigan siya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na malabo na akong makasunod sa kanya sa U.S.

Nang lumingon ulit siya'y salubong na naman ang kilay niya. "Let's go! Late ka na naman." Sabi niya kaya sinunod ko na agad.

Nakayuko akong pumasok sa klase at naiiyak na niyakap ng mahigpit si Tin.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon