Four
Nararamdaman ko ang sobrang tahip ng aking puso dahil sa nangyari, bigla siyang gumalaw at sapilitan niya akong itinayo. Iritable niya akong tiningnan ng masama at tsaka tuluyang umalis.
Pinanuod ko lang siyang naglaho sa aking paningin habang hindi inalintana ang masamang tingin sa akin ng mga estudyante, na kanina pa pala kumukuha ng litrato. Bigla akong hinila ng aking guro at padabog akong dinala sa faculty.
Pinagsasabihan niya ako about sa nangyari pero ramdam kong wala na ang isip ako sa reyalidad, walang laman ito kung hindi ang ayos namin kanina at ang paglapat ng labi ko sa labi niya.
Nag vibrate ang aking phone. Napahawak na lamang sa sentindo si Ma'am nang makitang tulala padin ako dahil sa nangyari, pinabalik niya na ako sa klase.
Paglabas ng faculty ay tiningnan ko kaagad ang walang humpay na messages at nanlaki ang mata ko sa bumulaga sa akin. Litrato namin lahat 'yon habang nakalapat ang labi ko sa kanya. Sunod-sunod na mga angry reaction ang nakita ko sa page ng school. Napalunok ako sa halo-halong emosyon.
Bawat room na nadaraan ko'y lahat sila ay galit habang titig na titig sa phone. P-Paano na ako ngayon?
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ng aking dalawang kamay at patakbo ng bumalik sa klase. Ngunit ang inaakala kong safety place para sa akin ay hindi pala.
Naabutan ko silang nagkukumpulan sa table ko at galit na galit na bumaling sa akin. Si Tin ay hindi makapaniwala sa nakita samantalang si Ken ay nakasubsob sa upuan at nagda-drama.
"Anong nangyari Sashi? Bakit may ganito kayong litrato ni Stephen?" Bungad na tanong sa akin ni Tin.
"Ha? Uhm?" naghanap ako sa kawalan ng isasagot.
"Sabi sa inyo edited picture lang yan, paano naman naging ganyan ang sitwasyon! Inedit lang ni Sashi yan, diba Sashi?!" Sabat nung isa kong kaklase pero inilingan ko.
"Totoo? As in totoo? Nagkiss talaga kayo?" Dugtong niyang tanong nang makita ang pag-alma ko.
Napansin kong biglang tumingin sa akin si Ken at seryosong lumapit, hinawakan niya ang dalawa kong balikat at nangungusap na humihingi ng sagot.
"Actually, h-hindi naman talaga sinadya yun." I explained.
"Bakit? Paanong hindi sinadya?" Tanong ni Tin. Bigla na silang pumalibot sa akin at naghihintay ng sagot.
"Ang nangyari kasi ay na out-of-balance ako tapos siya 'yung nakasalo at nakita ko na lang na nakalapat na ang labi ko sa labi niya." Paliwanag ko.
"So hindi ka hinalikan ni Stephen?" Tanong ni Ken na animo'y yun lang ang importante sa kanya.
"Tungaks ka ba?! Bakit naman hahalikan ni Stephen si Sashi? Wala namang namamagitan sa dalawang yan. Maliban lang sa patay na patay yang si Sashi sa kanya." Napasimangot ako at unti-unting kumawala sa pagkakahawak ni Ken.
Umupo ako sa aking upuan at yumuko. Ngunit kasabay 'nun ay ang pasilay ng ngiti at paghaplos ko sa aking labi. I kissed him! I kissed Stephen!
Aksidente man, pero hindi mawawala yung thought na siya ang first kiss ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Alam kong pagkatapos nito ay napakaraming masamang tingin ang makikita ko sa mga tao, at siguradong ako ang pag uusapan sa buong linggo at buwan. Nakahanda na ako roon. Kung ito lang ang magiging paraan para malaman niyang gusto ko siya, iindahin ko lahat.
I love him the first time I saw him at ngayong nagkaroon na ako ng chance para makilala niya, gagawin ko na ang lahat para makita niyang totoo ako.
"Uy tara na..." bulong sa akin ni Tin.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss | UNDER - REVISION |
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...