Fifty One
Hindi ako pinatulog dahil sa mga sinabi ni Stanley. Hindi ako makapaniwala! Stephen, stephen really like me? Hindi kaya pinagtitripan lang ako ng batang 'yon at pinapaasa na naman? Pero hindi! The way he said it to me earlier was so convincing!
Ilang beses kong sinubukang tawagan si Stephen kahit out of the country pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong pangunahan siya. I am very much satisfied na mutual ang nararamdaman namin sa isa't-isa.
Kahit gaano katagal, maghihintay ako! Hihintayin ko siyang aminin sa akin ang feelings niya.
Nagpagulong-gulong ako sa aking kama habang hindi mapawi ang sayang nararamdaman. I fix my hair and clear my throat bago lumabas ng kuwarto upang uminom ng tubig. Tumigil ako sa pag-hakbang ng mapansin kong nakaupo si Papa sa labas ng bahay habang nakamasid sa kalangitan.
"Hindi ka pa inaantok, Pa?" tanong ko.
Nilingon niya ako at tumango. "I—Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?" Napakamot ako sa aking batok at tinabihan siya.
"Hindi ako makatulog," tipid kong sagot.
Pareho kaming tahimik habang nakatanaw lang sa mga bituin.
"Pa?" Mahinahong pukaw ko ng katahimikan naming dalawa
"Uhm?"
"I made a decision." Nilingon niya ako at marahang tinitigan.
"Decision?".
"I will go to him and chase him again." I said with conviction, buo na ang loob ko. I will chase him again this time, kung hindi pa rin kami magtugma then kusa na akong bibitaw. Maybe we're not just meant to be if that happens. Stephen will just be part of my youth, I will close it that way kung wala pa ring mangyayari sa pagmamahal ko para sa kaniya.
But this time, given that I have a hope that he likes me, susubok ulit ako! Tataya ako dahil sigurado akong may pag-asa na ako, maybe the luck will be with me this time. Pipiliin ko ulit siya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at ngumiti.
"Go, as long as you're happy. And I think this time will be perfect for the two of you. At mukhang kailangan ka rin niya ngayon." Tumango ako sa sinabi niya at ngumiti. I hugged him as my tears slowly formed on the side of my eyes.
"Thank you, Pa for always supporting me."
"Anything for your happiness, my princess." he said.
Nauna akong magpaalam sa kaniya dahil mukhang marami akong gagawin bukas, kailangan kong puwersahin ang sarili kong matulog. He gave me a goodnight kiss before I went back to my room.
Tanghali na na ako nagising kinabukasan, paglabas ko ay halos wala na ang mga tao sa bahay, si Papa na lang ang natira.
Nanonood siya sa sala, samantalang ako naman ay umupo sa hapagkainan upang kumain.
"Sashi!" Tawag niya sa akin. Nilingon ko siya habang abalang kumakain.
"Tumawag kanina ang Tito mo, mukhang darating na bukas si Stephen galing business trip. Baka gusto mo lang malaman?" Agad akong ginanahan at tumango sa binalita niya. Umusbong ang ngiti ko sa kawalan.
"Pa."
"Uhm?
"If I chase him again, is it okay to stay near him? Doon sana malapit sa kaniya, uupa na lang ako ng apartment or I can contact Tin to stay with her for the meantime?" Nag-aalangan kong hingi ng permiso at walang alinlangan niya lang akong tinanguan.
"You're an adult now, ikaw na ang bahala." Lumawak ulit ang ngiti ko at hindi mapigilang lambingin siya. Kahit punong-puno ang aking bibig ng pagkain ay 'di ko maiwasang halikan siya sa pisngi tanda ng pasasalamat.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss | UNDER - REVISION |
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...