MANTK

5.9K 115 7
                                    

"Hello po ako po si...” napatanga ako at napatingin sa lalakeng nagbukas ng gate.

Naka-jogging pants lang siya pambaba at nakaheadset ng white.

Hindi ako nakatanga dahil kamukha niya si Ian Sumerhalder kundi dahil sinabi ni tita na walang lalake sa pagtatrabahuan ko. Pero ano 'to?

Ah, baka naman kapitbahay lang.

"Ah.. nasaan po may-ari?"tanong ko.

"Can't you see me?"nakakunot ang noo niya.

Nagtaka rin ako. Ano akala ng isang 'to sa 'kin bulag?

"Nakikita kita,bakit?"

"Well then, wag mo nang hanapin ang may-ari kung nakikita mo naman pala ako."

Loko-loko 'to ah. Pero ayaw ko ng away kaya back off muna. Be nice.
"Pakisabihan na lang po 'yong may-ari na may naghahanap po sa kanya."tapos kunyari ngumisi ako kahit tumatagis na ang bagang ko.

"Sino yan, Dude?"biglang may nagsalita na isa pang lalake.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Don't know."anitong isang 'to.
Sinulyapan lang ako ng lalakeng nasa loob at akmang pagsasarhan na ako ng gate ng isang 'to dito.

"T-Teka!" hinarang ko kamay ko na muntik niya pang maipit! Juice colored Hallelujah!

Kunot-noo pa rin siya. Napaghahalataang bastos, a!

"Ako'yongmaidnapinadaladito!"agarang sabi ko bago niya pa maisipang pagsarhan ulit ako at ipitin ang kamay ko sa gate nila.

"Ah.. ikaw ba 'yon?" singit ng isang lalake sa likuran.

May lumabas pa na isa pang lalake na nakasuot ng black v-neck shirt at natigilan ako. Teka! Bakit dumadami 'yong lalake dito?

"Who's that?"istrikto na tanong no'ng kakalabas lang.

"Maid na 'tin bords, siya raw pinadala ni tito, e."sagot no'ng isa.

Teka! Natin?!

Nanlaki mata ko.

"I-Ibig sabihin kayo may-ari nitong bahay?" gulat na tanong ko.

Sabay sabay sila na tumango.
Magkaiba silang tatlo ng ekspresyon ng mukha.

Itong nasa harap ko ay malamig lang, iyong isa ay may jolly feature, at ang nasa pinakalikod ay may matigas na ekspresyon.

At ako?

Malamang! Gulat to the moon and back!

Ang sabi ni tita puro babae ang amo ko. Pero ano 'to?!

Tita, mapapatay talaga kita!

"Come in."sabi ng lalakeng naka-black shirt.

At base sa nakikita ko sa mata niya, parang pipritohin niya ako ng buhay. O baka ako lang nag-iisip no'n!

Maygawd! Help me please!

......

A/N: Sinulat ko po ito, sobrang tagal na. Uso pa ang emoji at kung anu-anong kajejehan hahaha. Hindi po ito kagandahan katulad ng ibang story diyan. Sana kaya niyong tiisin ang plot nito at ang mga cringe parts. Hahaha. Pasensiya na. Salamat sa pagbibigay ng chance sa book na ito.:)

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon