Kabanata 14

1.7K 61 0
                                    

MANTK#14
____

CARLOTA's POV-

Patingin tingin ako kay Rad habang seryoso ang mukha niya kaharap ang pagkain.Nakapagtataka na hindi na nagpupunta sina Redwell dito, dati rati naman halos gawin nang bahay nila ang bahay na ito.

Aaminin ko may inis parin ako sa kanya pero hindi na ganun kalala gaya noong una kong malaman ang tungkol sa ginawa niya.

Hindi madaling kalimutan 'yon.Gusto kong magalit pero hindi pwede dahil maaring makakasama sa bata.Madadamay ang anak ko at baka maging sanhi pa para mapahamak ito.

Nandito ako nasa iisang bubong kasama ang asawa kong siyang bumubuhay sa amin ng bata.Siya nalang ang tanging makakapitan ko sa ayaw ko man o gusto.

Tumikhim ako bago nagsalita.“Aalis ako.”

Kahit alam kong wala siyang pakialam sa akin alam kong emportante sa kanya ang bata.At siguradong pag may nangyare sa amin ng anak ko isang malaking kawalan 'yon sa kanya.Kaya karapatan niyang malaman ang lahat ng lakad ko kahit pa ganito ang sitwasyon namin.

Napahento siya sa pagtungga sa kanyang tubig at deretsong napatingin sa akin.Netong nagdaang araw napapansin ko kay Radier na tila may pagbabago sa kanya, sa itsura at sa mga kilos.Kung dati tila wala itong pakialam ngayon parang lahat ng bagay na ginagawa nito ay kailangang kontrolado nito.

Napakalaki ng deperensya sa dating siya at ngayon.

“Why?”

Napataas ang kilay ko sa naging tanong niya.Di ba dapat 'Where?' Kaya napaawang ang bibig ko sandali hindi ko inaasahan ang naging tanong niya.

“K-Kasi 'yon a-ang advice ng OB kailangan ko raw gawin.”sabi ko.

Kumunot ang noo niya at sandaling tinitigan ako bago nagsalita.

“When?”aniya

“Ngayon pagkatapos ko'ng kumain.”

Tumingin siya sa relo niya sa bisig bago tumango tango.Pagkatapos namin na kumain nagready na ako may kausap pa siya sa phone nang makalabas ako mula sa banyo nakaroba lang siya.

“Hindi na ako makakaabot,yeah kakausapin ko si prof baka pwede pa akong kumuha ng special test,.”aniya at nanatiling nakatalikod hanggang sa mapansin niya akong nakalabas na ng banyo.

Napaangat ang kilay niya nang mapansin na nakatuwalya lang ako.Napalunok ako at nagiwas ng tingin saka dumeretso sa closet.

“Bye, we need to go.”paalam niya sa katawag bago ko narinig ang pagsara ng pintuan ng banyo.

Nakabihis na ako at akmang kukunin ko na ang bag ko nang maunahan ako ng isang kamay.

“Let's go.”anito hawak ang bag ko at nauna na sa'kin na bumaba.

T-Teka lang! Hindi ko sinabing sumama ang isang 'yon.Saglit akong napatulala hanggang sa wala na akong magawa at sumunod nalang pababa.

”Where we going?”anito habang nakaharap na sa manibela.

Alanganin na inabot ko sa kanya ang calling card ng building na pupuntahan ko.Ang baby care studio.

Kumunot ang noo niya nang titigan 'yon.“Kaya mo ba?”saka alanganin na tumingin sa'kin.

”Para sa bata.”

Parati akong inaantok at namimigat ang katawan dahil raw ito sa pagdadalantao ko.Hindi maganda ang pakiramdam ko pero para sa bata kakayanin ko.Kailangan ko ang ehersisyo na ito nakikita ko sa mata ni Rad na nag aalala siya para sa anak niya.Bakit?akala niya pababayaan ko ang bata dahil lang sa unwanted child ito?Kahit pa siguro dumaan sa dahas ang batang ito mamahalin ko ito dahil dugo't laman ko ang nabubuhay sa loob ko.Anak ko ito.


Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon