Kabanata 21

1.7K 51 0
                                    

Justine's POV-
_____

"Pahiram nitong sapatos m--"natigilan ako nang makita ang hubad na likuran ni Ried na nakatalikod.

Kahit nakatalikod ang lakas parin ng dating.Kaya siguro nahihibang ang mga babae sa kanya. Iwan ko ba kahit anong pilit kong panggagaya sa kanya wala parin. Sinusuot ko na nga ang mga damit niya pero iba parin pag si Ried ang nagsusuot.

"Hm."nag angat siya ng kilay nang lingonin ako.

Tumungga muna siya ng kape na tinimpla niya bago niya kunuha ang frying pan at binaligtad ang sunny side up na mabilis niya lang pinatalon sa ere at kusa na itong bumaligtad.

Bahagya akong natulala buti nalang natauhan agad.

Bakit kasi ang cool niya?

"A-Ah, sabi ko pahiram ng.."

Kumunot ang noo niya nang mapansin ang rubber shoes na sout ko ngayon.

"I told you not to use my shoes."iritado ang boses niya.

Napakagat labi ako."S-Sorry, isasauli ko nalang."

Nakakapanibago na ganito siya samantalang dati-rati naman hinahayaan niya akong magsuot ng ganito.Iniisip niya siguro na ang kapal ng mukha ko na nakikigamit ng mga gamit niya.Ang mamahal ng mga 'yon kaya siguro naiinis siya dahil nakiki-share pa ako.

Akmang tatalikod ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.Nahihiya na nilingon ko siya.

"Sorry, I didn't mean that. I'm just suggesting na mas maayos sa'yo ang mga binili ko. You have flat doll shoes, pink high cuts." malumanay ang boses niya.

Ramdam ko ang titig niya sa akin.

"Pero komportable ako sa ganito."yumuko ako at tiningnan ang suot kong sapatos.Ang sapatos niya.

Bumuntong hininga siya."Okay, then.I should brought you pink next time do you prefer nike like this?"

Di makapaniwala na tumingin ako sa kanya."T-Talaga?"

Seryoso ang titig niya sa'kin bago nagsalita."Yeah,"

Inaya niya na akong kumain pagkatapos.

Hinubad ko muna ang sapatos bago dumalo sa counter. Nakasunod ako sa mga galaw niya habang nilalapag niya sa counter ng kitchen ang mga pagkain. Nakapajama pa siya at nakabalandara ang hubad na katawan. Ganito rin naman si Redwell tuwing nagagawi dito pero kakaiba talaga si Ried. Hindi ko alam kung bakit pero intimidating talaga siya.

Umayos ako ng upo habang nilalagyan niya ng fresh milk ang glass ko. Marami siyang pinagbabawal sa'kin. Bawal ang kape, bawal ang madalas na pag-consume ng preservative products. Parati niya akong pinapakain ng mga damo alam ko naman na health conscious siya pero hindi ko expect na ganito kahirap makisama sa tulad niya.

Pero bakit pa nga ba ako nagrereklamo? E ang laking oportunidad na nito'ng binigay niya sa'kin. Saan ba ako makakahanap ng kaibigan slash, kuya slash, papa ko pa?

Matapos kaming kumain nag-aya siyang bisitahin raw ang condo unit ni Radier.Ang akala ko sa rest house ng mga Berneth nakatira hanggang ngayon sina Rad.Hindi ko akalaing lumipat ulit sila sa condo.Naalala ko agad si Carlota.Buntis siya noong last time na makita ko.

Dumaan kami sa drive thru kahit kumain na kami.

"Fries."aniya at sinulyapan pa ako.

Noong banggitin niya 'yon feeling ko tutulo na agad ang laway ko. Alam niyang paborito ko iyon. Kaya kahit busog na ako pakiramdam ko magugutom ulit ako.

Saktong 8AM kami nakarating sa condo unit ni Rad.May lakad sana ako mamayang hapon pupuntahan ko ang pinagtarabahoan ni papa dati.May kumplikasyon lang ukol sa kontrata ni papa sa mga ito.Ayos lang naman sa kanila kaya lang nakakahiya parin kaya manghihingi ako ng paumanhin.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon