Carlota's POV-
_Napagod talaga ako sa session na ginawa namin.Maraming exercises na ini-apply ang mentor namin.Mananakit ang katawan ko nito at kailangan kong tiisin dahil hindi naman pwedeng uminom ako ng kahit anong gamot.Makakasama daw sa bata.
Next week pa ulit kami babalik doon buti naman.
Nagtitimpla ako ng gatas sa kusina nang may maamoy akong perfume na pamilyar sa'kin.Buti nalang nawala wala na ang kakaibang pakiramdam ko tuwing nakakaamoy ako ng kahit anong matapang na amoy like perfume or kahit iyong mga sabon at detergent.
Nang lingonin ko ay nakita ko si Rad na niluluwagan ang necktie habang nagsasalin ng tubig sa baso.Nakapagtataka bakit ganito ang suot ng isang 'to?
College palang 'to ah.Alangan naman nag aassume na bussinessman.Naka office attire kasi e.
Napalunok ako nang balingan niya ako at bahagyang umangat ang makapal nitong kilay.Deretsong tumutok ang kulay gray niyang mata sa'kin.Kung may namana si Rad sa kay papa Bernard siguro iyong magandang mata saka ang matigas nitong panga.Kasi masasabi kong sa mommy niya nakuha ang magandang labi e.Ganun din kaya ang makukuha ng baby ko?
Oh my gosh baby parang hindi tuloy ako makapaghintay na i-ere ka.
"You didn't ate yet."aniya at tumungga ng tubig sa baso.
Naputol ang pagtitig ko sa kanya at napatikhim.Oo nga pala hindi ako kumain ngayon.Pano ba naman e kakakain ko lang ng salad.Napilitan pa nga ako.Ikaw ba naman kasi tambakan ng damo sa ref.Ni wala man lang akong nakitang karne o kahit anong mapiprito gaya ng hotdog at tucino.
Dinaig ko pa vegetarian langya.
Pinaparusahan niya na ako.Siya itong may kasalanan sa akin ako pa itong pinaparusahan.
Ang unfair ng mundo.
"Busog pa ako."malamig na sabi ko.Kahit gusto ko nang ngumiti at mangulit ngayon tuwing naalala ko ang ginawa niya sa'kin nalulungkot ako.
Pero tuwing nararamdaman ko ang anak ko sa aking tiyan naglalaho nalang iyong tampo na iyon sa hangin.
Kinuha ko ang baso ng gatas para dalhin sa sala.Hindi ako komportable na nandito siya.
Palabas na ako nang hawakan niya bigla ang braso ko.Kinilabutan ako na iwan.Para akong nakuryente.Wala naman sigurong electric power itong si Radier.
Nilingon ko siya na nagtataka.
"B-Bakit?"
Ano raw?Nautal ba ako?
Walangya! Oo nautal nga ako! At parang gusto kong magtumbling at mag acrobat sa hiya.
Ang matigas niyang aura ay nanatili sa kanyang mukha pero pormal lang siyang nakatitig sa'kin.Bahagya siyang lumunok bago nagsalita.
"Can we talk?"
'Can'
'Can'
'Can'
Di ba let's talk yong dati?
Anyare sa let's talk na 'yon?
Tapos ngayon nakikiusap na siya?
Holo! Parang gusto ko tuloy silipin ang tenga niya ngayon baka kasi tinatago niya si Radier.Hindi si Radier 'to!
Sinulyapan ko ang bulsa niya.Baka nandun si Rad!
Naputol ang pinagiisip ko nang bahagya niyang pisilin ang braso ko.
"Lot."aniya.
"H-Ha?"
Kainis nautal na naman ako.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)
General FictionNakipagsapalaran si Lotlot sa syudad upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang dadatnan niya ay ang mga bagay na hindi niya in-expect na madadatnan niya. Magiging katulong siya ng tatlong magpinsan na...