"Name."biglang nagtanong 'yong naka-black shirt.
Nakaupo ako sa single sofa habang nakapalibot sa'kin ang tatlo.
Para akong nasa husgado.Wtf!
"C-Carlota Fernandez." Nanginig kamay ko.
Hindi ako makatingin sa kanilang tatlo.
"Age."ulit ng lalakeng nakablack.
"Mag i-18 sa susunod na buwa---"
"18."malamig na putol ng may headset.
Ano bang eps ng taong yelo na 'to kung running 18 or walking ang gamitin kong term?
"City or province?"
Gusto kong silipin ang sinusulat ng lalakeng nakablack. Tuwing sasagot ako ay isusulat niya. Parang blater lang?
"Answer."
Nagulat ako.Akala ko pa naman masisilip ko na 'yong papel.
Umayos agad ako ng upo.
"Taga Davao po."sagot ko medyo kabado parin.
Bakit ba kasi ganito makatingin ang tatlong 'to? Isa pa 'tong nakablack na 'to.
Pinaglalaruan lang ng lalakeng nakawhite shirt ang labi at mukhang bored na nakatingin sakin.
"Virgin?" biglang nagsalita 'yong nakawhite.
Halos maubo ako sa tanong niya. Nakangisi pa.
"Stop it."malamig na utas ng may black shirt habang sinusulat ang sagot ko.
"I'm just easing the air here guys, masyado kayong seryoso."tumawa 'yong nakawhite guy.
"Amma go."tumayo ang lalakeng nakaheadset. Hanggang ngayon nakahubad parin.
Live show lang?
Sinundan lang siya ng tingin ng dalawa at ibinalik din agad ang atensyon sa'kin.
Ilang segundo rin ng paguusap at interview ay nalaman ko din ang pangalan nila.
Ried Falcon in Black shirt.
Redwell Falcon in White shirt.
Radier Falcon none shirt.
The Three 'R' cousins.
At ang history ng pagiisa nila sa iisang bubong?
Well, di ko pa alam 'yan pa ay aalamin ng itsuserang si 'ako'.
At ngayon ay ito muna ang gagawin ko.
"Tita!"kulang nalang ugat sa leeg at mukha magmumukha na akong si hulk.
"Oh napatawa---"
"Talaga'ng tatawag ako! Ano bang klaseng amo itong binigay mo? Akala ko ba all girls? Pag nalaman 'to nina papa seguradong pauuwiin ako diy--"
"Sshh.. kaya nga shut up ka nalang, okay? Atleast ngayon may tarbaho ka na. Kung sinabi kong lalake lahat ng amo mo, sa tingin mo papayagan ka ng papa mo?"
Oo nga naman. Napakahigpit ni papa e kaya nga nang sabihin ni tita na all girls ang amo ko ay pumayag sina papa.
Pero syempre may kunting tutol epek pa.
Niligawan ko muna ng two weeks bago sila pumayag.
Tapos ganito pa dadatnan ko?
Malamang pag nalaman no'n na mga lalake amo ko siguradong bukas na bukas din pauuwiin na ako ng Davao.
"Wag ka na mag aalala ako na bahalang magpalusot."medyo mahina na boses ni tita.
Oo nga pala dito nanggaling si tita kaya sure ako may alam siya sa tatlo.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)
General FictionNakipagsapalaran si Lotlot sa syudad upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang dadatnan niya ay ang mga bagay na hindi niya in-expect na madadatnan niya. Magiging katulong siya ng tatlong magpinsan na...