Kabanata 11

2K 61 0
                                    

MANTK#11

_______________

Nalilito na tumingin ako kay Radier at sa babaeng nakaupo sa isa sa table ng mamahaling kainan.Agad na tumayo ang babaeng nakaupo doon at sinalubong kami.

“You are here at last.”aniya at nakipagbeso beso sa akin.

Nagulat pa ako kasi ang FC niya e.Alam ko FC din mama ko pero hindi ko alam na may mas FC pa pala kesa sa kanya.

Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango.Feeling ko nga pati pawis niya amoy perfume.

Tsaka nakipagbeso beso din siya kay Rad kaya lang mukhang hindi naman greatful si Rad.Napakaplastik nong ngiti niya.Tsk.Akala niya siguro hindi ko napansin.

Napansin ko din 'yon sa babaeng ito.Pilit lang din ang mga ngiti niya kaya lang ang nakakalito ay kung bakit may pa-FC2x epek pa.

“Have a seat.”anang babae at inilahad ang kaharap na dalawang upoan.

Hinila ni Radier ang upoan para maayos akong makaupo.Napansin kong nag angat ng kilay ang babaeng kaharap namin nang gawin 'yon ni Rad.Para siyang nakakita ng kamangha mangha sa mga kilos ni Radier.

At nang makabawi ay ngumiti na naman ang babae sakin.

Napakapula ng labi niya at napakaputi.Singkit ang mata at may kapayatan.Matangkad siya at sa tingin ko ay hindi lalayo sa 30 ang edad niya.Maganda ang babae ni wala akong makitang pores sa mukha niya.Kung sosyal tingnan si Grandy mas mukhang sosyal itong kaharap namin ngayon.

Makikita naman sa mga kilos niya na may modesty at tila may mga limitasyon.Masasabi ko talagang nabibilang siya sa mga prosocial community.

“Oh!By the way.My name is Viola Chun the boilogical mother of my son,Radier.”ngumiti siya nang magpakilala.

Naestatwa ako sa sinabi niya.Ibig sabihin, hindi niya totoong mama si Farah?

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Radier sa kamay ko.Doon ko namalayan na hawak hawak niya parin pala iyon mula pa kanina.Tumingin ako kay Radier na umiigting ang panga habang nakatitig sa wine glass sa harap niya.

“I'm sorry if I didn't introduce you yet to her.”ani Radier at tumingin sa mama niya.

Napalunok ako at hindi ko alam kung bakit pero kanina pa may kakaiba akong nararamdaman.Kinakabahan ako sa unang tagpo palang ng mga mata namin ni Mrs.Viola Chun--mama ni Rad.

Pilit na ngiti ang sumilay sa labi ng mama ni Rad at tumingin sakin.

“Nah, it's okay.No problem.And now that I saw her I feel like it's nice to be associated with her.You have a good taste for this plan,son.”aniya sabay tungga sa wine na nasa harap.

Nagsalubong ang kilay ko.At napatingin ako kay Rad.Anong ibig sabihin ng sinasabi niya?

Anong plano?At bakit parang pakiramdam ko involve ako?

“Let's order.”malamig ang boses ni Radier nang sabihin 'yon at may kakaibang tingin siyang ipinukol sa mama niya.

“What?”natatawa na tanong ng mama niya sabay taas ng dalawang kamay sa ere.

“Let's talk about this later....without her.She's not ready yet.”ani Rad.

Napa-Oh ang mama ni Rad at nang tila makuha niya ang ibig sabihin ni Rad ay ngumiti ito sakin.

“No problem.Anyway she will find out soon.”nagtaas ito ng kilay habang may kakaibang ngisi at tumongga ng wine.

Tinanong ako ni Rad kung anong gusto ko kaya naalis ang atensyon ko sa mukha ng mama niya.Pilit kong dina-divert ang atensyon ko sa ibang bagay pero nahuhulog lang din ako sa malalim na pagiisip.Para kasing may kakaiba sa usapan ng mag inang ito.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon