"Oh, are you okay?"nilingon ako ni Maam Olga nang makasakay ako sa kotse. Convoy lang kasi nasa kabilang kotse ang tatlong kumag.
"Opo, medyo antok."ngumisi ako.
Paanong hindi ako aantokin?
"Ala una na oh! Kailan ba matatapos 'to?"antok na antok na sumubsob ako sa mesa.
"Are you complaining?Tarbaho mo ang gawin ang mga kailangan namin kaya you don't have the right to complain."masungit niyang sagot at nakatuon ang mata sa loptop.
Busangot na nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Maid po ako at hindi sekretarya!Tsaka bat di mo nalang ipa-xerox 'to?"binagsak ko yong 30 pages na libro na pinapakopya niya sakin sa computer niya."Mamamatay ako kung lahat 'yan kokopyahin ko."
Putek! Ang kaya ko lang ay maglaba sa washing machine at magluto sa stove saka maglinis ng bahay nila lalo na itong seme basurahan niyang kwarto.
"Bat buhay ka pa hanggang ngayon?"balewala niyang tanong at nanatili ang mata sa loptop.
Bumusangot ako."So happy ka pag namatay ako?"
Saka tumayo at namewang.Aba kahit napakabait ko palagi, hindi naman pwedeng hayaan ko lang itong hipon na 'to.Namumuro na sa'kin 'to e.
"Tss, do your work baka nakakalimutan mong may dalawa pang libro na naghihintay sa'yo."aniya.
"Di ba usapan natin isa lang?!"bulalas ko.
"Kanina 'yon nong hindi ka pa nagrereklamo."nilingon niya ako at ngumisi."Do it, baka gusto mo pa ulit dagdagan ko?"
"Really?"di makapaniwala na bulalas ni maam nang marinig ang masaklap na dinanas ko sa mga kamay ni Radier.
"Kaya nga po...."hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil humikab na ako at bumigay na ang mata ko.Mamaya ka na magtanong maam hindi ko na talaga kaya.
....
"Anyare?"sinilip ko ang kabilang side ng cottage. Masinsinang naguusap sina sir Bernard at Radier.
Matapos makipag-usap si maam Olga kay sir Bernard si Radier naman ang kinausap niya. Kaya lang nakapagtataka na hindi kasali sina Redwell at Ried.
Father and son convo?
"Thats too much!"si maam Olga at binawi ang beer na hawak ni Redwell at Ried.
Tuwing kami kami lang apat napaka mature ni Ried pero pag nandito pala ang tito nila at ang kanilang lola lumalabas ang totoong kulay.
"Woah, isang patak palang 'yong kanina ah."si Ried at nanatili ang mga kamay sa ere.
"Enough boys, you just down the other case here."tinuro ni maam ang walang laman na cooler ng beer.
Wow isang patak pala uh.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang paguusap ng dalawa kasi napansin ko kanina naunang tumayo si Radier sa upoan at mukhang iritado ang mukha nang iwan ang ama niya doon.May alitan ba ang dalawa?
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)
General FictionNakipagsapalaran si Lotlot sa syudad upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang dadatnan niya ay ang mga bagay na hindi niya in-expect na madadatnan niya. Magiging katulong siya ng tatlong magpinsan na...