MANTK#13
Carlota's POV-
“Of course I should know the details.Karapatan ko bilang ama ng dinadala mo ang lahat.”
Tulala na nakatitig ako sa doktor na nageexplain sa nangyare.Bumubuka ang bibig niya pero hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya.Ramdam ko ang mga tingin ni Radier kahit hindi ko siya lingonin.Tinititigan niya ako na parang binabantayan niya lahat ng reaksyon at gagawin ko.
Dahil kung hindi lang siya nakabantay diyan sa kinauupoan niya ngayon ay baka kanina pa ako umalis sa kinauupoan ko.Ayokong marinig ang lahat.Tama na ang narinig ko mula sa kanya ang totoo na ginago niya ako.
Kung ang pagpapakasal ang paguusap ay alam kong pwede ko pang bagohin iyon at maari pa akong magbagong buhay.Dahil alam kong sa mga oras na iyon ay may natitira pa kahit kunti sa dignidad ko.Pero ang malaman na buntis ako at malaman ang kagagawan na ito ni Radier.
Ay parang gusto kong mahimatay nalang sa inis.Tao din ako na kahit dinadaan ko lang sa pagbibiro ang mga seryosong bagay nagagawa ko ring masaktan.
Napakataas pa ng pangarap ng pamilya ko sa'kin napakataas pa ng pangarap ko.Kasalanan ko rin ito napakatigas din kasi ng ulo ko.Hindi na dapat ako sumuway kina papa.Dapat hindi na ako nagpadala sa mga sinabi ng tiyahin ko.
Seryoso kong tinititigan ang unahan habang nasa loob ng kotse.Kakatapos lang ng check up ko matapos ipaliwanag ng OB ang lahat.
Tahimik ang byahe tanging mga sulyap lang ni Rad ang napapansin ko buong byahe.Hanggang sa makarating kami sa bahay wala akong kibo.Nalilito ako sa mga oras na ito, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin.
Nadatnan ko si Redwell na walang suot pangtaas at si Ried na topless din.Sinusuntok ni Redwell ang punching bag habang hawak ni Ried ang likod ng punching bag at pinipigilan ang pagtalbog gawa ng pagsuntok ni Redwell.
“Damn you!”sigaw ni Redwell sabay suntok ng malakas na halos ikatumba ni Ried.
Tumatawa lang ang isa.
“Yong lalakeng 'yon ipagpapalit niya sa'kin?e kitang kita nga 'yong buto sa tiyan 'non!Tapos di niya ba nakikita ang laki ng deperensya namin?Kita mo 'to?”tapos tinuro ang bato bato sa tiyan.“Walang ganito 'yong gagong 'yon! Kung alam ko lang na kasing panget niya pala 'yong tepo niya e di dapat nagsalamin nalang din ako para fair.”ayaw paawat sa pagputak si Redwell.Hindi niya alam problemang ng dalawang ito.
“Let's go upstairs you should rest.”boses ni Radier malapit sa leeg ko.Nakalapit na pala siya.
Nagulat ako bahagya pero nakabawi din at walang imik na sumabay sa kanya paakyat nang hawakan niya ako sa braso at igiya paakyat.
“What do you want to eat?”seryoso ang boses niya pagkapasok sa kwarto.
Hindi ko siya nilingon at akmang dederetso sa kama para humiga na.Wala akong ganang kumain.Sana lang magkahiwalay kami ng kwarto ayokong umiyak nang nandiyan siya.Nakakainis.
Bigla niyang hinawakan ang braso ko.Tiningnan ko lang ang kamay niyang nakahawak sa braso ko ni hindi na nagabalang tingnan ang mukha niya.Maiinis lang ako lalo.
“Our baby is just 2 months old don't stressed yourself makakaapekto sa baby,Carlota.”mababa ang boses niya.Ito ang boses na ngayon ko lang napansin sa kanya.
Tuwing iniisip kong may nabubuhay na munting anghel sa sinapupunan ko parang gusto kong maiyak.Ni hindi ko alam na nagdadalantao ako ni hindi ko alam kung paano nangyare ito kahit pa pinaliwanag na ng doktor ang lahat.Lutang na lutang parin ako sa lahat.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)
General FictionNakipagsapalaran si Lotlot sa syudad upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang dadatnan niya ay ang mga bagay na hindi niya in-expect na madadatnan niya. Magiging katulong siya ng tatlong magpinsan na...