Kabanata 2

3K 82 9
                                    

Tumingala ako sa malaking orasan sa sala.6PM na.Gosh!Ilang oras nalang uuwi na ang tatlong amo ko.

At lagot ako..

Gusto ko nang sapukin ang ulo ko sa inis.Napakapakialamera kas--

Biglang tumunog ang doorbell.Oh shit!

Nanginginig na lumapit agad ako sa entrada para mapagbuksan ang dumating.Hindi ko man lang napansin na may dumating na sasakyan.

Parang gusto ko na tuloy mag sign of the cross.

Humingang malalim ako bago tumikhim at buong tapang na--shit! Hindi ko talaga kayang buksan.

Kinagat ko ang hintuturo ko.Nagulat nalang ako nang biglang sunod sunod na tumunog ang doorbell.

Halos sirain na ng kung sino sa labas.

Kainis!

Kaya pikit mata na binuksan ko.

"Why took so long?"boses ni Redwell.

"S-Sorry, p-pasensya na."ngumisi ako.Sunod na pumasok si Radier na agad naman bumaling sa'kin.

Patay!

Kaya agad akong tumalikod bago pa siya makapagsalita.

"Saan na ang padala kanina?"malamig ang boses na tanong ni Rad.

Err! Shit! Ito na nga bang sinasabi ko.

Napahinto ako at mariing napapikit saka napakagat labi.

Sinulyapan ko muna sina Ried at Redwell na dumeretso sa kusina.Bago ko naramdaman ang presensya ni Radier sa likod ko.

"Ahh.."napakamot ako.

Pa'no ba 'to?

Alangan naman sabihin ko'ng 'Rad,naligaw siguro ang delivery boy hindi alam papunta rito kaya wala pa ang pinadeliver mo' Wow! Intense huh.

Oh kaya umarte ako na sumasakit ang tiyan tapos tatakbo sa cr.

Langya ang baho'ng palusot 'non.

Nagtaas ng kilay ang gago at mukhang hinihintay ang sagot ko.

"K-Kasi...Ahmm..."nanlikot ang mata ko kung saan saan na tumitingin.

Kabado ako shit!

"Answer."iritado na ang boses niya.

"K-Kasii..."

"Fuck! Ano ba?!"tumaas na ang boses niya.

"Kasi, wala'ng dumating kanina!Sorry wala talaga!"mabilis kong sagot.

Takot ko lang mabugahan ng apoy rito.

Kumunot ang noo niya.Oh please! maniwala ka sana.Kagat labi ako na nakipagtitigan sa kanya.Mukhang hindi siya kumbinsido kaya mas kinabahan ako.

Hanggang sa may kinuha siyang phone sa bulsa niya.

Hindi niya pinutol ang titig sa'kin habang pumipindot siya sa cp niya hanggang sa itapat niya ang aparato sa tenga.

Di kaya...

Tatawagan niya 'yong delivery boy?!

Shit!

Parang gusto ko nalang na hablotin ang phone niya ngayon.

"Yeah, from Falcon residence have you delivered my item?"nakatitig parin sa'kin.

Napalunok ako at kabado na nakatitig sa kanya.

"Okay,thanks."umigting ang panga niya at tumitig muli sa mga mata ko.Ibinaba niya na ang phone.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon