Kabanata 24

1.6K 52 2
                                    

MANTK#24

_
Carlota's POV-
_
Umangat ang kilay niya sa'kin nang mapansin na hindi agad ako nakahuma sa kinatatayuan ko.Her lips was so red and so her cheeks  while her hair was perfectly bun.She's wearing a red fitted above the knee dress, matching with a red rose stiletto. Her looks shouting with class.

“Baka gusto mo akong papasokin muna?”she smirk.

Hindi ako bastos kahit hindi ako kasing yaman nila. Kaya niluwagan ko ang pagkakabukas sa pintuan. Wala akong karapatan na pagbawalan siya sa teretoryo ng sarili niyang anak. Nakapangalan parin kay Rad ang unit na ito. Wag lang siyang gagawa ng bagay na hindi ko magugustohan lalo na kung tungkol sa anak ko.

“Come in.”malamig kong sabi.

Bahagya lang siyang ngumisi na tila nagwagi sa isang bagay at taas noo na pumasok sa unit.

Pinagmasdan ko lang mga kilos niya. She's scanning the other things inside, umangat ulit ang kilay niya nang mapansin ang mamahaling couch sa sala lalo na ang kabilang sala set na nasa kabilang dako na galing pa sa ibang bansa. Iniisip niya siguro na itong mga bagay na ito ay binigay ng anak niya sa akin. Sa madaling salita iniisip niyang hinuhuthotan ko si Radier kaya niya nakikita ang mga mamahaling gamit doon.

“Hmm.. my son had a good taste in things, alam na alam niya talaga sa unang tingin ang mga bagay na kaya niyang pakinabangan.” tumingin si Miss Chun sa akin.

Napakuyom ako ng kamao dahil sa mga salita niya mukhang hindi ang mga bagay sa unit na ito ang pinapatamaan niya. May iba pa na pakahulogan ang sinabi niya.

Napatingin ako sa taas nang makitang buhat buhat na ng yaya si Raven pababa. Nakabihis na ito at kinakausap ng yaya. Kinabahan ako gusto ko muna silang pigilan sa pagbaba pero huli na ako dahil nasa huling baitang na sila ng hagdanan.

Napansin ko ang pagkailang ng yaya nang mapansin si Miss Chun sa sala.Siguro naalala niya ang pagtaboy niya dito kanina bago ako nakarating.

“Maam! Sa kusina lang po kami.”paalam niya na papaboran ko sana kung hindi lang nagsalita si Miss Chun.

“Just leave the kid here.”ani Ruby Chun.

Hindi ako makapagsalita at tila nagkandabuhol ang dila ko.Hindi naman maaring pigilan ko si Miss Chun sa gusto niya. She's a grandmother afterall. Even though she look lethal, hindi naman siguro aabot sa punto na sasaktan niya ang apo niya. Hindi pa ako ganoon ka praning para isipin iyon.

Tumingin muna sa'kin ang yaya na tila nanghihingi ng permiso sa akin bago niya ipa-ubaya sa sala ang anak ko.

Tumango ako sa kanya at tumingin kay Raven na inosenteng nakatingin kay Miss Chun. Pure chinese si Miss Chun while si Mr. Berneth ay taga Western talaga na nagtagal dito sa Pilipinas kaya't natutong magtagalog. Kung hindi binago ni Radier ang kanyang apelyido ay malamang na Chun ang dinadala ko at ng anak ko.

So this time the gray eyes met the black.

Sumilay ang ngiti ni Miss Chun na hindi naman abot sa pisnge.Lalo pa at nakikita niya ang kulay ng mata ng bata.

May naalala ka ba Miss Chun?Ang ex husband mo ba?

“Hi baby,i'm your papa's mom.”hinawi niya ang buhok ni Raven. Napakunot ang noo ko nang may makita akong dumaan na sakit sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang anak ko.“You look like your, dad.”

“What would you like, coffe or tea?”ani ko at tumikhim.

Tumingin siya sa'kin nanatili parin ang garbo ng aura. “No thanks, hindi ako magtatagal.”

Tumayo na siya ngunit nakahawak parin sa braso ni Raven.

“Okay.”tumango ako at binalingan ang yaya.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon