Kabanata 25

1.7K 43 1
                                    

MANTK#25

_____________
Carlota's POV-
______________

'I'll be there at 11AM.'

Iyon ang text ni Radier. Tumingin ako sa relos, nine A.M. na. Kanina pa akong seven dito. Nasa nursery school kami ngayon at ito ang unang araw ni Raven simula kahapon nang i-endroll ko siya.

Since napilit ako nina Grandy na humento na sa tarbaho ko ay si Raven nalang ang pinagkakaabalahan ko.

To Radier:
Wag na, malayo at busy ka.Kasama ko ang yaya niya at sabi ni papa na dadaanan niya kami mamaya dito.

Matagal bago siya nakapagreply.Nang tumunog ang phone ko ay agad ko siyang tiningnan.

From Radier:
Okay, I'll be there 9pm sharp.

Iyon lang at hindi na ako nagreply at itinuon ko nalang ang pansin sa anak ko'ng kasama ang yaya niya. Nang matapos ang klase nila at nagpaalamanan na ay agad tumakbo si Raven sa akin at yumakap sa bewang ko. Napangiti nalang ako.

"Tigas ng ulo niyan,maam."ani yaya niya na dala na ngayon ang bag ni Raven.

Sumimangot lang si Raven habang nakayakap parin sa bewang ko at nagsisimula na kaming maglakad sa corridor ng building.

Kaya lang napahinto ako at tila naitulos sa kinatatayuan nang matanaw ang babaeng kararating lang sa main gate ng school.Sumilay ang ngiti sa mapula niyang labi nang matanaw kami.

Agad akong napahawak ng mahigpit sa anak ko.

"Hi,hijo."aniya nang makalapit at yumuko agad sa anak ko na nakakapit sa damit ko."Can you kiss your grandy?"tinap niya ang pisnge.

Inosenteng tiningnan siya ni Raven."Like grandy Olga?"

Napaawang ang labi ni Miss Chun sa sinabi ni Raven. Nandito siya meaning alam niya kung saan kami ngayon nakatira. Di kaya sinabi ito ni, Rad? Tila may kumirot sa dibdib ko sa ideya na iyon.

Bumawi ng ngiti si Miss Chun."Yeah,like your grandy too."

Pinagbigyan siya ni Raven.Ngumiti siya ngunit tipid lang at agad na tumingin sa'kin. Tila nagbago agad ang ekspresyon ng mukha niya nang magawi sa'kin ang atensyon niya.

"Can I talk to you?"seryoso na ngayon ang mukha niya.

"Maam."tawag pansin sa akin ng yaya sa likuran namin.

Nilingon ko siya. Naghihintay lang siya ng go signal ko upang ilayo si Raven at nang makapag usap kami gaya ng gusto ni Miss Chun. Tumango ako sa kanya at agad naman siyang kumilos upang bawiin ang pagkakapit ni Raven sa'kin na ngayo'y nakakunot ang noo at nakatitig kay Miss Chun.

Ngumiti lang si Miss Chun sa kanya nang tuloyan na siyang mabawi ng yaya at nanatili ang mga mata sa amin.

Siguro nalilito din siya sa tagpo na iyon.

"We can talk with a coffe."offer ni Miss Chun. Nagsalubong naman agad ang kilay ko sa sinabi niya."Don't worry, malapit lang dito at hindi tayo magtatagal."

Ano ba talaga ang kailangan niya?Hindi ko iyon malalaman kung hindi ko sasama sa kanya. Kaya sumang ayon ako kahit nababahala ako sa mga oras na ito.

Sa isang open space coffe shop kami humantong at pinagmasdan ko lang ang well manicured niyang kuko habang tinatap ang mesa katabi ng mocha niya.Hindi nagawang i-refresh ng green interior ng coffe shop at mga halaman doon ang utak ko ngayon.

"Hindi nabura ang hangarin ko kahit pa ilang taon na ang nakakaraan.Sure naman akong alam mo na ang dahilan."aniya.

Hindi ako makatingin sa kanya at nagsisimula nang uminit ang gilid ng mata ko.Tila nagsimula na naman na bumalik ang mga ala-ala ilang taon na ang nakakararaanan.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon