MANTK#5
Nagising ako...
Na sumasakit ang ulo.Tsaka may napapansin ako sa paligid.Kaya agad akong napabalikwas ng bangon.
Nasa kwarto na ako.Napasapo ako sa noo.Wala akong matandaang kahit ano maliban sa kumain kami ni Ried sa isang restaurant at nilaklak ko ang---
Oo nga pala!
Yong wine!
Napasapo ulit ako sa ulo nang sumakit ulit 'yon.Kaya lang parang..parang masusuka ako.
Kaya agad akong tumayo bago pa ako magsuka rito sa kama.Hindi ko na pinansin kung sino ang nasa loob ng shower room dahil sukang suka na talaga ako.
Shit!
Ang sakit ng sikmura ko at parang nahihilo at sumasakit parin ang ulo ko.
Nagflash pa ulit ako bago nagsuka ulit.
“What the--”
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses na 'yon.Ang gagong si Radier.
Nakatowel lang pambaba.
Naduduwal ulit ako.Shit! Napakarami ko sigurong nakain kahapon bago nalasing kaya ganito.Kainis! Kung alam ko lang na ganito pala epekto ng alak.Shit! Dapat hindi na ako--teka nga! Napilitan lang naman ako di ba?Hindi ko naman talaga entensyon na lumaklak ng wine kung hindi ko lang nakain 'yong putakti na pichay na 'yon.
“Buntis ka ba?”malamig ang boses niya.
Gulat na napatingala ako.
“Ano?!”bulalas ko.
May galit na rumeshistro sa mukha niya.“Sino ang--”
“Buntis?!”
Gulat na napatingin kami mula sa hamba ng pintuan ng banyo.
Si maam Olga.
Nanlalaki ang mata at palipat lipat ang mata sa aming dalawa.Ako na nakapantulog pa at si Radier na towel lang ang suot pambaba.
“M-Maam?”nauutal na bulalas ko.
“Radier?”ani maam at nilipat ang tingin sa akin.“Carlota?”
Teka! Bakit ganyan siya makatingin?
Wag mo sabihing--Shit!
“M-Maam! H-Hindi po sa ganun!Mali po kayo ng iniisip!”depensa ko.
Itong katabi ko ay napatanga lang at mukhang gaya ko hindi rin magawang makapagsalita.
“Oh.....my....gosh!”wala sa sarili na naisatinig ni maam Olga.
Kaya lang nakapagtataka.Dapat sinampal niya na si Radier or ako.Dapat pinangangaralan niya na kami.
Dapat binabato niya na ako ng nakakainsultong linya...pero...
Bakit kumikislap pa ang mga mata ni maam Olga?!
Hilaw akong napangisi.“M-Maam mali po talaga kayo ng--”
“Anong pinaglilihian mo?Ilang buwan na?Nakapagpacheck ka na ba?hmm.Kailan pa?Oh my gosh! I can't believe this!”putol niya at biglang nilingon si Radier na gulat parin hanggang ngayon.“Your dad should know this! Gosh!”
Tapos sa isang kisapmata lang nawala na sa harap namin si maam at...
Malakas na sumara ang pintuan.
Patay!
Wala sa sarili na nagkatinginan kami ni Radier.Tapos sa mga sarili namin.Parang gusto kong mahimatay.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)
General FictionNakipagsapalaran si Lotlot sa syudad upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang dadatnan niya ay ang mga bagay na hindi niya in-expect na madadatnan niya. Magiging katulong siya ng tatlong magpinsan na...