Kabanata 26

1.6K 47 0
                                    

-WARNING SPG-




Justine's POV-



Nilingon ko si Ried na kanina pa nakatulog. Almost 6 hours siyang gising dahil sa napakatagal na byahe papunta sa Davao from Manila.Alam niya naman na three days lalo na pag land trip. Gusto ko ang landtrip dahil gusto ko ma-experience 'yon.Kaya ngayon ayan siya, latang-lata.

Ayoko sanang isama siya kaya lang masyadong mapilit. Gusto niyang sumama. Nakontak ko na ang lola ko sa probinsya gustong gusto niya akong makita. Lola ko siya sa side ng mama ko.Baby pa raw ako no'ng dalhin ako ni Papa sa Manila at doon sila manirahan ni mama. Ngayon palang ulit ako babalik sa probinsya ng lola. Excited din ako kaya halos wala akong tulog, ako na muna ang pumalit kay Ried dahil kagabi pa siya nagda-drive.

Natigilan ako nang mahulog ako sa malalim na pagiisip. Ano nga ba kami ni Ried? Ilang buwan na kaming magkasama at halos isang taon na pero hindi ko parin ma-explain kung anong meron kami. Walang nangyayare sa'min pero kung maka-PDA kami ay dinaig pa namin ang magsyota.At nasasanay na ako..

Gusto ko na siyang parating nasa tabi ko.

Ayoko na siyang mawala.

Napalingon ako kay Ried na mahimbing na natutulog. Magkaibigan lang ba talaga?Bakit pakiramdam ko ay hindi?

Nagiwas ako ng tingin at tumuon ang mata sa unahan.Ayokong mag-assume dahil mahirap na, at bakit naman ako mag-aassume?Lalake ako!Hindi kami talo!Nasa katawan man ako ng babae pero lalake ang puso ko.Wala lang 'to.Kabaliwan lang ito.

Ilang oras din ulit ang byahe nasa Tacloban na kami at sasakay na naman kami ng fastcat papunta sa Surigao.

Nasa deck kami at nakadungaw ako sa railing ng fastcat nang makaramdam ako ng braso na pumaikot sa bewang.Pamilyar sa'kin ang amoy niya kaya sino pa nga ba?

“Hmm, ilang araw na ang bango parin.”aniya.

Tinampal ko ang braso niya.Pangalawang araw nang haggard kami walang ligo dahil nagmamadali kami.Humihinto lang pag kumain.

“Tigil ka nga.”napanguso ako.

Tumawa siya at tinabig ang buhok sa balekat ko at idinantay niya ang baba doon.

Tuwing kasama ko siya pakiramdam ko babae ako.Ayokong maramdaman 'yon pero pilit niyang pinaparamdam sa'kin.Lalake nga kasi ako!At tsaka magkaibigan lang kami ni Ried..bakit ba nalulungkot ako tuwing naiisip kong magkaibigan lang kami?Bakit ano pa ba ang gusto ko?

Nasa kotse na ulit kami ilang oras lang at siya naman ang nagmaneho.Gusto niyang magpahinga ako pero ayoko.Lalo pa at nakikita ko na ang sea side ng Surigao, 5AM palang at kakalabas lang ng araw.Fresh and bubbly morning..

Ilang saglit lang ay napansin ko na tumigil siya sa gilid ng paliko na daan ng Surigao.Doon kung saan mas kita ang view ng mga bundok na unti-unting nagliliwanag dahil sa pagsikat ng araw.

“Bakit?”nagtataka na nilingon ko siya.

“Half mile to go, nasa Mindanao na tayo let's take a break.”aniya at siya na mismo ang naunang lumabas.

Napanganga nalang ako at sinundan siya ng tingin.Umikot siya sa side ko at siya na ang nagbukas ng pintuan at nagtanggal ng seatbelt ko.

Just a minute natagpuan ko na naman ang sarili kong nakakulong sa yakap ni Ried at nasa pagitan ng binti niya at parehong nakaharap sa sunrise.

Binigyan niya ako ng battled water na agad kong tinungga.Beer naman ang hawak niya ngayon.

“Hindi ka pa kumakain.”paalala ko sa kanya.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon