Kabanata 7

2.1K 65 2
                                    

Lunes.9:30 A.M.

Sa loob ng malaking simbahan. Hindi ko marinig ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Ang naririnig ko lang ay ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Nakatitig lang ako sa altar habang nakikita ko sa gilid ng mata ko ang mga nakangiti na mga bisita.

Gusto kong umiyak. Pero napakaganda ko at napakalaki ng ginastos ng pamilya ni Radier para dito para iyakan ko lang.

Ayoko sirain lang ito. Ayokong maging dahilan para masira ang lahat ng pinaghandaan nila. Sa unahan ay nakikita ko si mama na tudo palakpak at halos mapunit na ang labi sa kakangisi.

"Wag mo akong pakitaan ng ganyang mukha baka i-urong ko itong lintek mong kasal na ito." biglang nagsalita si papa sa tabi ko na siyang naghatid sa'kin sa altar.

Agad akong umayos. Baka nga magtransform nalang bigla si papa rito into shriek, naku!

Ngumisi ako kahit pilit kaya ang resulta ngiwi. Nakita ko din sina Grandy Olga at papa Bernard-- shocks honey dapat tawag ko sa kanya kung hindi lang panira si Radier. Pero makikipag-karibal pa ba ako sa mama ko?

Nandoon din ang mama ni Radier-- ang ganda niya! Wala sa kalingkingan si mama.

Kaya, Ma!

Advice ko lang. Back off!

Masasaktan ka lang.

At may asawa ka na. Pwede ba? Asikasuhin mo itong si papa na abot langit ang galit sa mundo. Baka pilipitin nalang bigla ang leeg ko dito. Baka corpse bride ang labas ko.

Nakita ko sa dulo si Radier.

Nakasuot ng black tux with matching black slocks and maroon tie.

Sobrang kintab ng buhok aakalain mong dinilaan ng isang libo't kalahating sawa 'yong buhok niya. Tsaka, feeling ko ang bango bango niya.

Mas tumangkad siya ngayon. Oh bakit? Matangkad naman talaga ang damuho na 'yan, ah!

Hindi mo ba napapansin na tuwing naguusap kayo dinudungawan ka lang? Tapos ikaw naman 'tong duwag napapakamot lang sa harap ng gago na 'yan.

Kaya ang angas-angas na pagsalitaan ako ng kung ano ano porque ang laki ng katawan.

Isang kalabit lang, pirat agad ako.

Teka nga! Ano ba ang pinag-puputok ng butse ko? Nandito na nga ako, oh! Kung ano-ano pa iniisip ko.

Tsaka dapat isipin ko ngayon kung paano tumaba. Kasi nga, 'di ba? Tumataba naman talaga 'yong mga buntis. Tapos ako ang payat payat ko, baka mapansin nilang hindi lumalaki ang hips ko. Naku!

Yan dapat goal ko pagkatapos ng kasal. Ang magpataba!

Nang makalapit kami kay Radier ay napansin kong nagtagisan pa ang parehong cold look ni papa at Radier.

Parang sinasabi ni papa na Umayos-ka-look

Tapos sagot naman ni Radier. Tss-look

Agad akong humawak sa kamay ni Radier nang mag abot siya ng kamay sa'kin kung kaya't nabitawan na ako ni papa na mukhang wala pang planong bitiwan ako.

Tapos humarap na kami sa altar.

This is it! Is this really happening? Iwan! Nalilito na talaga ako!

Napalunok ako nang pareho na kaming maayos na nakaharap sa pari at mas lalong nagkislapan ang mga camera sa paligid.

One Day Celebrity ang peg ko.

"For sickness and in health."ani pari na sinasabayan ni Radier.

Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa singsing lang. Hanggang sa isuot niya iyon sa'kin.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon