Kabanata 3

2.7K 82 7
                                    

Kakanta kanta ako habang nagdidilig ng halaman sa labas.Natuyuan na 'ata itong harden nila.Ilang buwan na seguro silang walang katulong.

“♪♪Anong mas gusto mo Dota o ako?Ang tanong ko sa'yo...anong mahalaga mahal mo ba akong talaga...Yeah!Yow!♪♪”

Kinakawag kawag ko pa kamay ko.Feel ko mag rap.

Tapos ko doon ay nagwalis naman ako. Nagtream ako ng mga halaman iyong isa ginawa kong square iyong isa gusto ko sanang gawing heart pero naisip ko hindi naman ako inlove para magtream ng ganun.

So pag inlove lang pwede?

Ay ewan! Nakita ko iyong maliit na halaman. Biglang pumasok sa utak ko ang mukha ni Radier.

Mahuhulma ko kaya mukha ng kumag na 'yon dito?

Naku napakahirap. Kaya iyong mga malalaking bato sa garden na lang ang ginawan ko ng drawing.

Gumawa ako ng mukha ni Sponge bob tapos kay Patrick.

Kaya lang naisip ko ba't hindi ko i-drawing ang mga mukha ng tatlo kong amo?

Napangisi ako. Gagawin kong panget 'yong kay Radier.

So ayon nga mula sa buhok hanggang sa ilong at sa mata saka sa labi tapos syempre tinamad na ako kaya ginawa kong stick ang mga katawan nila.

Tapos nilagay ko sa garden ang iba at nilagay ko sa sala ang iba at naisip ko rin ilagay sa mga kwarto nila iyong mga mukha nila. Ano kaya reaksyon nila oras na nakita nila ang mga mukha nila sa bato?

Pagkatapos ko sa mga gawain, dumeretso na ako sa request board ng mga gago.

Tiningnan ko yong request board ni Redwell.

‘Clean my room..’

‘I want hshsgsyshssjkl in dinner’

‘I want etcetera etcetera...’

Daming echos eklabo nitong si Redwell.

Sinunod ko kay Ried.

‘Clean my closet..’

‘Wash my clothes’

Handwash my underwear’

Tulala akong nagbasa pababa sa napaka-haba niyang listahan. Seryoso 'to?

20 lahat request ni Ried! Ang babaero na 'yon!

Kaya ayaw na ayaw kong binabasa ang mga request niya, e. Feeling ko mahihimatay ako tuwing babasahin ko 'yong sa kanya.

Kung pwede lang skip!

Napa-buntong hininga ako saka sinunod kong basahin ang kay Radier.

‘Wait for me after 6 in my room.’

Napataas kilay ko.Walang ibang request?

Hihintayin ko lang siya mamaya? 'Yon lang?

Hindi naman seguro mangungutang tong kulangot na 'to, 'no? Aba! Di kami close bawal utang!

Mag-uumpisa na dapat ako nang biglang may mag-doorbell.

Kaya agad-agad akong nagtungo sa gate. Sinilip ko muna sa siwang ng gate pero isang kulay itim na kotse ang nakita ko. At halos mapatalon ako ng biglang bumusina ng malakas.

Wtf!

Hindi naman sa tatlong kumag ang kotseng 'to ah. Kung makabusina akala mo kung sino.

Kaya binuksan ko. Agad-agad pumasok sa garahi-an ang kotse na 'yon at ilang saglit lang ay bumaba ang driver ng sasakyan na 'yon.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon