MANTK#18
_______Carlota's POV-
Sabado kinabukasan may duty ako sa on-call condo building kaya maaga akong gumising at nadamay si Raven.At isa pa sinadya ko rin na agahan ang pag alis para hindi kami maabotan ni Radier.
Hindi kami lilipat sa condo niya.Hindi ako papayag na basta basta niya nalang kami mamandohan na parang mga trabahante niya.Hindi ko itinago si Raven ng four years para lang maging sunod sunoran sa sasabihin ni Rad.
Nairaos ko ang anak ko ng mag isa kaya ko rin na mabuhay na wala siya.Kaya namin ng anak ko ito.Tama na ang minsan na nalaman niyang may anak siya sa akin.Kalabisan na kung makikialam pa siya.Sa papel lang kami may ugnayan at kung usapang damdamin hindi na ako sigurado.Dahil habang binubuo ko ang sarili ko mas lalo lang akong natakot.Imbes na mabuo ako ay mas lalo pa akong nawasak.
“Oh my gosh!Ayos na ayos lang.Yan pa ba?Syempre hindi ko kayang tanggihan ang future boyfriend ko.”tapos kinurot ni Angela si Raven sa pisnge.
Iiwan ko sa kanya ang bata siya naman talaga ang tanging napagiiwanan ko kay Raven.Alam kong hindi niya pababayaan ang crush niya kuno.Kanina pa nga ito kilig na kilig nang mapagbuksan niya kami ni Raven.
8AM na akong nakarating ng building gaya ng sabi ni Ruby.Kukunti lang kaming pumasok sa araw na 'yon dahil ang ibang regular na empleyado ay noong Lunes palang ay on duty na.Day off nila ngayon at ang iba na pumasok ay doble pay na.Pero dahil in and out ako at hindi naman talaga full time ang tarbaho ko dito kaya regular pay lang ako.
Dalawang condo agad ang nakaaassign sa akin dahil sa kakulangan ng empleyado.Wala akong ka-make up make up habang nasa elevator kami at paakyat sa 9th floor.Di gaya ng katabi ko na napaka-kapal ng lipstick at blush on lalo na ang eye shadow.Wala naman ako sa office para magpaganda.Room service ang gagawin ko.
Nang makalabas na kami ng elevator narinig ko agad ang bulongan ng dalawa kong kasama.
“Ayon na naman ang ingrata, palibhasa nage-extra service.”bulong nong isa sabay tapon ng tingin doon sa babaeng maputi at nasobrahan sa make up.
Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa.Kompara sa kanila mas bata iyong babaeng pinaguusapan nila.May itsura,maputi,mas sexy.Kung napunta naman sila sa sitwasyon ng babae siguradong gagawin din nila 'yon.Nililibak lang nila dahil sa inggit.Nakikita ko naman kasi sa mukha nila na napupuno din ng make up ang mga mukha nila.Walang pinagkaiba sa babaeng pinaguusapan nila.
Umiling iling ako at dinungaw ang number na hawak ko.201 at 204 ang nakatuka sa akin.Naghiwalay na kami nang isa isa na silang humarap sa kani kanilang nakatuka na unit.
Hinanap ko ang 201.Wala pala ang may ari nagiwan lang siya ng note sa may ref.Actually madali lang ang pinagaw nito mga apat lang.It's all about house hygene.
Tumingala ako sa next door 204.
Nagdoorbell ako nakailang beses pa.Hanggang sa may magbukas nito.
Kaya lang napatanga ako.
Tumingin siya sa suot ko at troley na laman ang mga kagamitan ko sa paglilinis.Nagsalubong ang kilay niya.
“Rad..”tulala na sambit ko.
Is this a dejavu?Naalala ko na naman ang araw na una ko siyang nakita.Noong hindi niya pa nasisira ang buhay ko.
Ang batang Radier na may nakalagay na headseat sa tenga at parang ayaw pa akong papasokin dati sa gate nila.
Nangyare na naman.
Akmang tatalikod ako para umalis na sana.Kahit pa magreport siya sa owner ng building wala akong paki.Magbabayad ako sa danyos.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)
General FictionNakipagsapalaran si Lotlot sa syudad upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang dadatnan niya ay ang mga bagay na hindi niya in-expect na madadatnan niya. Magiging katulong siya ng tatlong magpinsan na...