MANTK#12
__________
Reid's POV-
“Wala ba kayong garahe-an?”biglang may nagsalita.Napalingon ako sa kanya at binaba muna ang bitbit na transparent crib.
Napataas ang kilay ko sa get up ng babae.
Lose t-shirt tapos may hiphop print pa at malaking jogging pants.Nakalugay ang straight pero magulong buhok.She look messy but I think she don't mind.
“Meron.Why?”sagot ko at kinunotan ko siya ng noo.
Pinagmasdan ko ulit ang kabuoan niya.Mapapailing ka talaga sa itsura ng babaeng 'to.Ni walang planong mag ayos sa harap ng lalake ang isang 'to.
“Oh my gosh Reid!”
Biglang may babaeng patili na tinawag ang pangalan ko.Pareho kaming napalingon sa isa pang babae.
Bakit niya ako kilala?
Sino bang hindi?
Sa dami ng nakasama ko sa mga bar at naka-hang out sa kahit saan malamang na isa ang babaeng 'to sa mga 'yon.
Agad siyang lumapit ni hindi pinansin itong babaeng kaharap ko.
Napansin ko lang sa isang 'to biglang namula ang mukha at napayuko.Ang tapang tapang ng mukha kaninang magtanong about sa garahe-an tapos dumating lang ang isa pang babae parang tumiklop na agad.
“Reid! It's nice to see you again.”niyakap agad ako ng babaeng...okay.Hindi ko kilala.
Agad siyang tumalikod namumula parin ang mukha.
Kunot noong tiningnan ko ang babaeng ito matapos kumalas sa yakap.
“It's me.”tinuro niya ang sarili.
Kumunot parin noo ko.Kagat labi na pinagmasdan niya ang itsura ko.Okay.I'm sweating and...topless.
Kagat labi parin siyang lumapit sa'kin at nakatingin sa tiyan ko.
Napakunot ang noo ko.
“Nakalimutan mo na ako?Talaga?”aniya tapos inangat ang hintuturo at dahan dahan na pinadaan sa gitna ng dibdib ko.
Hanggang sa biglang...
*Beeeeeeeppppp!*
Halos mapatalon ang babaeng ito nang marinig ang busina na 'yon.
Hindi tinted ang kotse kaya nakita ko ang driver niyon sa loob.Iyong parang tomboy na babae na naman pala.
Nakumpirma ko din nang ilabas niya ang ulo sa bentana.
“Nakaharang ang kotse niyo.Masikip.Pakipark ng maayos.”sigaw niya.
May iritasyon din sa boses niya.
Nagsalubong ang kilay ko.Ang laki ng daan bakit ako pa kailangan mag adjust?
Matapos kong mapagbigyan ang kagustohan niya ay payapa na siyang nakadaan.Kahit pwede naman siyang dumaan sa kabilang lane.Para wala nang gulo pinagbigyan ko na.
Nakakunot ang noo ng babaeng kasama ko mukhang may binubulong bulong.
“Kilala mo?”tanong ko sa kanya.
“Yeah.Si Justine 'yon anak ng regular na trabahante ni Daddy sa autho parts shop.”sagot niya.
Seryosong pinagmasdan ko ang kotse ng Justine na 'yon.Parang may galit siya sa'kin.Nakita ko kanina sa mukha niya nang tingnan niya ako.
Carlota's POV-
_
Pinagmasdan ko ang kalendaryo.Tatlong buwan na.Bakit hindi parin ako nagkakadalaw?Napahimas ako sa tiyan ko.Hindi kaya...nausog ako?
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)
General FictionNakipagsapalaran si Lotlot sa syudad upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang dadatnan niya ay ang mga bagay na hindi niya in-expect na madadatnan niya. Magiging katulong siya ng tatlong magpinsan na...