MANTK#10
________________
“You know it's not healthy?”ngumingiwi si Radier habang pareho kaming nakatayo sa sidewalk kung saan nakatambay ang isang vendor ng kwek2x at isaw.
Nang magyaya siyang kakain kami ay mabilis kong tinuro ang pwestong ito.Napabagal ang pagnguya ko ng kwek2x dahil narinig ko mula sa kanya.Ano bang magagawa ko?Ito lang ang kaya ng bulsa ko.Tsaka hindi ko din alam kung bakit niya pa ako sinundan sa airport at halos i-broadcast ang paghahanap sa'kin.
“Pera ko ang gagamitin ko wag kang mag aalala.”napayuko ako at kagat labi na tumuhog ulit ng kwek2x.
“Sir.Maganda po sa katawan ang itlog maraming sustansya iyon.”biglang humirit ang bungal na tindero ng kwek2x.
Kumunot ang noo ni Radier.“How could you say that?Too much oil on that food was too dangerous and look,”tinuro pa ang kalan ni manong na nangingitim pa.“Your using that used oil.Did you know that over used oil was became poisoning?Ilang beses mo na ba paulit ulit na ginamit 'yan sa mga niluluto mo diyan?”
Napangiwi ako sa mga naririnig na pagle-lecture ni Radier.Ako pa iyong nahiya sa mga pinagsasabi niya.Kumakain lang ako ng kwek2x dito ginagawa niyang big deal.Ano nalang sasabihin ni Manong dito?
“Radier..”mahinang saway ko sa kanya para tumigil na siya diyan.
“Sir, pag minu minuto akong magpapalit ng mantika siguradong lugi ako.Tsaka sir, don't english english me my nose is dugo dugo system.”bumanat pa talaga si Manong.Mapapaface palm ka talaga.
Nakakunot parin ang noo ni Radier.Kaya bago pa bumuka ang nakakairitang bibig ni Radier ay hinila ko na siya.Baka maisaboy pa ni manong ang mantika ng wala sa oras dahil sa inis sa lalakeng 'to.
Basta basta ko nalang iniwan ang natitira kong pera kay manong kasama na doon ang paghingi ko ng paumanhin para kay Radier.Masakit man sa bulsa at sa ego ko gagawin ko wag lang kaming mabuhosan ng mantika rito.
“Let's look for another proper resto.”anito nang magsimula na siyang magdrive.
Idinidiin pa talaga ang 'proper'.At imbes na makipagdebate pa ay nanahimik nalang ako at bigla akong napahikab.
“Sleep.Gigisingin kita pag nakarating tayo doon.”
Kakatapos niya lang na magsalita nang magsimulang bumigat ang talukap ng mata ko.Antok na antok na talaga ako.Maaga kaya akong nagising dahil syempre nagsulat pa ako ng love letter.Ilang minuto ko rin inisip yong mga pinagsasabi ko 'don tapos mapupunta lang pala sa wala.
Sinundan din pala ako ng kumag na 'to.Naredject tuloy ang drama ko.
May katagalan din ang tulog ko.Kasi nanaginip pa ako e.
Kaya lang parang gusto kong mahimatay sa panaginip na 'yon.Akalain mo 'yon?May biglang sumulpot na batang lalake sa tabi ko tapos bigla akong niyakap tapos tinawag akong mama.Langya! Pati ba naman sa panaginip pagkakamalan parin ako?
Saktong alas nwebe nang marating namin ang kainan na napili niya.Hindi ko alam kung bakit pero available ang balut sa kanila.Napangisi ako, napahanga tuloy ako sa kainan na 'to.
“We will be there---Yeah---I'll drop this.”ani Radier sa katawag niya habang napapangiwi tuwing susubo ako ng balut.Hindi ko siya pinansin.
Nang ibaba niya na ang tawag ay tumingin ako sa kanya.
“Gusto mo?”tinaas ko 'yong balut.
“Nah.Just hurry up,”aniya saka ngumiwi at nagtakip pa ng ilong.“May pupuntahan pa tayo.”
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)
Ficção GeralNakipagsapalaran si Lotlot sa syudad upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang dadatnan niya ay ang mga bagay na hindi niya in-expect na madadatnan niya. Magiging katulong siya ng tatlong magpinsan na...