Kabanata 17

1.7K 60 0
                                    

MANTK#17
_________

Carlota's POV-
_

“Kailan mo ba kami titiisin?Three years na ayaw mo parin magpakita sa amin ng papa mo.Gusto ko nang makita si Raven.”pangungulit ni mama.Umuuwi ako sa amin alam na nila ang tungkol sa paglayo ko kay Radier.Hindi nila alam kung bakit ko iyon ginawa pero nirerespeto nila ang rason ko.

“December promise uuwi kami diyan.”ani ko para matigil na siya.

“Noong nanganak ka wala man lang kami doon ni hindi namin nakita kung paano nasira ang mukha mo sa kaka-ere.”tumawa si mama.

Napanguso ako.Buti nalang wala siya doon kundi baka pinagtatawanan na ako 'non ngayon.

“Kaya dapat umuwi talaga kayo sa December.Naku 'yong papa mo araw araw nalang nagre-ready ng pagkain kasi baka raw gulatin mo kami.Kunyare patampo tampo pero tulak ng bibig kabig ng dibdib naman.”

Bahagya lang akong nangiti.Kailan ba nagbago si Papa? ganun naman talaga 'yon.Inayos ko ang pagkakasuklay ng buhok ko saka naglagay ng kaunting lipstick.

“Kumain na ba ang apo ko?”ani mama nakaloudspeak kasi kaya dinig ko.

“Opo tapos na nandun sa sala naglalaro ng robot toy niya.”

Napahagikhik si mama sa kabila.Araw araw nilang kinakumusta ang mga activities ni Raven.Pati kung kailan ko daw planong ipasok sa nursery school si Raven.Wala pa akong maisagot dahil hindi ako kampante pag malayo sa akin si Raven.

Tsaka sa uri ng tarbaho ko bilang call center agent mahirap i-singit ang iba pang sched lalo pa at full-time ako sa work.

Kaya kahit pagod sinisikap kong maturuan si Raven kahit man lang every weekends.Thankful naman ako kasi tuwing study hour namin attentive siya at bihira lang talaga ang tulad niyang masyadong focus sa tinuturo.

Dumeretso ako sala matapos ang lahat.Naabotan ko siyang kinakabit ang kamay ng robot niya.Natigilan ako.At parang sinasaksak ang puso ko dahil sa nakita.Dahil sa kagipitan pati ang laruan niya hindi ko na mabili.Ilang beses na akong nangako sa kanyang papalitan ko ang sira niyang robot.

Mukhang napansin niya ang presensya ko sa likuran niya kaya nilingon niya ako.

Agad na tumama sa dereksyon ko ang kulay gray niyang mata.Or mas mabuting sabihin natin na nakatingin sa'kin ngayon ang jr. version ni Radier.

Kahit katiting sa kanyang mukha ay wala man lang namana sa'kin.

Matapos akong umalis mula sa poder ni Radier ay naging working student ako.Kakasimula palang ng second sem noon noong malaman ko ang tungkol sa pagbubuntis ko.Napilitan akong humento sa pag aaral at ang kaunting naipon ko ay inilaan ko sa panganganak.

Wala akong masasandalan noong mga time na iyon.Walang kaibigan,kakilala at kapamilya na maaring mag abot sa akin ng aboloy.

Matapos ng panganganak ay mas lalo akong nahirapan.Tambay ako at bawal akong magkikilos baka kasi mabinat kaya hindi ako nakapaghanap ng pwedeng pagkakitaan.Kaya't nang hindi ko na talaga kinaya ay doon na ako naglakas loob na manghingi ng tulong kina mama.

Kahit ngayon ganun parin nahihirapan parin ako.Lalo pa at lumalaki na si Raven mas dumadami ang pangangailangan niya.

Inalis niya ang mata sa akin at ibinalik ang atensyon sa kinakabit na robot.Proud din ako sa katalinohan ng anak ko minsan may mga bagay siyang sinasabi na nagpapatulala sa'kin.Gaya noong minsan na nagkausap kami.

“Radier Berneth was look like me kita ko siya sa news we were the same color of eyes.”

Nataranta ako sa pagpalusot sa kanya noong mga time na 'yon.Sinabi kong maraming may ganun na color ng mata na hindi lang si Radier Berneth ang may ganun.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon