Kabanata 8

1.8K 73 0
                                    

MANTK#8

___________________

Biglang tumunog ang cp ko.At napanguso ako nang makita ang pangalan ni Radier sa screen.

Radier:
Where the hell are you?Wala ka raw sa bahay tinatanong ako ni grandy.Go home.

Halos isang buwan na mula noong kasal namin ni Rad.Para paring bago ng bago si Grandy at masyadong OA sa sitwasyon ko.Kung alam niya lang..

Sina mama nakauwi na sa probinsya dahil nangangati na para umuwi si papa.Si mama Farah naman bumalik na states kasama si papa Bernard.Grr! Ang sagwa parin pakinggan.

At ang naiwan sa amin ay si Grandy na parati'ng nagmo-monitor sa'kin na kulang nalang ay kabitan ako ng detector para malaman kung anong ginagawa ko.

Nagreply ako kay Radier.

Ako:
Oo.Pauwi na namamasyal lang :)

Agad tumunog ang phone ko.Aba! Nakakapagtaka na talaga 'tong lalakeng 'to parang unti unti na din na nagiging si Grandy.

Radier:
Go home and don't let the old woman upset.

Napanguso ako at tumingin ulit sa wanted na nasa labas ng isang maliit na tindahan.Kailangan nila ng saleslady.

Kailangan ko magtarbaho para sa sarili ko.Ang alam ni mama maayos ako sa poder ni Radier pero ang totoo nahihiya na rin ako lalo pa at napapansin kong masyado nang nageexpect sina Grandy at lahat ng pamilya ni Radier na buntis ako.

Sila na nga halos gumagastos sa bahay maging sa mga pagkain sa condo at sa dalawang katulong na on call.Kaya nakakahiya na talaga.

Kailangan ko naman na magtarbaho para kahit papaano hindi ko na kailangan na manghingi kina Grandy na never ko talagang gagawin.Mamamatay muna ako bago ko gawin 'yon.Atsaka pangarap kong makapagtapos ng highschool bago ako tumungtong ng college.Kailangan ko taposin ang natingga kong year sa highschool.Natigil lang naman ako noong magkaroon ng sakit sa puso si papa.

Kaya nga ako lumuwas ng manila para makapagtarbaho para makapag ipon at ipagpatuloy ang naudlot kong pag aaral sa probinsya.

Pero ito ako ngayon.Sa isang kisapmata nawala lahat ng pangarap ko.Nalubog simula noong mag 'I do' ako sa harap ng altar sa pari at sa mga magulang ko at magulang ni Rad.Hindi ko na alam kung makakapagpatuloy pa ako, kahit malabo pagsisikapan ko parin.Hindi pa naman huli ang lahat di ba?

”Kunti lang naman ang costumer dito madalas segarilyo ang mabili mahal kasi diyan sa loob ng club kaya dito sila dumederetso.7 to 10 ang in and out mo every week end ang pasahod.”paliwanag ng may ari habang humihithit ng segarilyo.

Abroad kasi ang anak niya kaya ganyan padonya donya akala mo kung sinong milyonarya.Tsaka nalaman kong nagpapartime din siya sa club na sinasabi niya.Bugaw daw.

Tatlong libo isang linggo.Ayos na din naman 'yon.Ang totoo niyan malaki laki na din.

“Bukas ka magsisimula.O ano sa tingin mo?"aniya.

Agad akong tumango.“S-Sige po.Ayos po!”at ngumiti ako.

7PM hindi pa nakakarating si Radier ng mga oras na 'yan madalas pa nga sa kaibigan niya 'yan natutulog kaya parating mag isa ako sa condo.Kaya ayos na ayos talaga.

Dumaan ako sa isang public school malapit lang sa tindahan na pagtatarbahoan ko bukas.Napatingin ako sa mga estudyanteng kumakain ng kwek kwek sa sidewalk vindor.Tsaka sa mga suot nilang uniporme.

Sa susunod magsusuot na din ako ng ganyan.Napangiti ako siguro bagay sa'kin ang ganyang uniform.Nakikita ko tuloy ang sarili sa kanila.

Napanguso ako.“Pwede kaya akong mag aral sa hapon?Pero sa mga private school ko lang magagawa 'yon e.”

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon