Kabanata 6

2.2K 66 1
                                    

MANTK#6

___________________

Yong feeling na nakaupo kayo sa gitna ng sala tapos wala kayong ibang choice kundi ang magtabi habang nanginginig ang mga tuhod kaharap ang parehong pamilya?'Yong feeling na ganun?

Sinulyapan ko ang kalmadong gago sa tabi ko.Parang wala lang.Amputek! Ako lang apektado pre!

"Bata pa ang anak ko marami pa siyang pangarap sa buhay at sa isang iglap biglang mabubuntis?Walangya! Sino ba hindi magagalit 'non?Kaya dapat lang talaga na panagutan ng lalakeng ito ang anak ko!"ngalngal ni papa.

"Emilio!Papakasalan na nga di ba?Ano pa bang pananagutan ang gusto mo?Pabebe lang ang peg mo ngayon?"sumbat ni mama.

Sinamaan siya ng tingin ni papa.Napakagat labi nalang ako.Kainis kasi nakakahiya.Alam ko namang mangyayare 'to pero feeling ko hindi ako ready.

"Don't worry i'll make sure na maagang maasikaso ang kasal nila wala kang poproblemahin dito dahil kahit ako hindi ako papayag na takasan ng anak ko ang resposibilidad niya."si Bernard.

Tumango tango lang si maam Olga sa tabi at alanganin na ngumiti.Siguro dahil sa galit na facial expression ni papa.Kahit naman sino'ng makakita ng taong mukhang mangangain ng tao siguradong mag aalangan na lumapit dito.

Si sir Bernard lang naman ang mukhang kalmado at mukhang hindi natatakot sa asta ni papa.

Biglang ngumisi si mama kay sir Bernard."OPKORRSS bala-e walang problema sa amin kahit sino ang pakasalan ng aming anak ayos--"

"Anong ayos?!"biglang bunghalit ni papa tapos kunot noo na tumingin kay mama."Kita mong may plano pa tayong pag aralin iyang anak na'tin tapos sasabihin mong maayos?May pangarap pa ako sa anak na'tin kahit man lang makatapos ng college tapos ito!"tinuro ang tiyan kong walang laman."Buntis na siya!Iyan ba ang maayos na sinasabi mo?"

Oh please wag ngayon!Papa naman!

Ngumisi lang si mama ng hilaw tapos kinurot si papa sa braso sabay pukol ng Manahimik-ka-nalang-look tapos plastik na ngumisi ulit kina maam Olga.

"Pasensya na kayo sa asawa ko masyado lang madrama 'to.Pero promise hindi talaga ako tutol sa pagmamahalan ng dalawa.Suportado ko kung saan masaya ang anak ko."ngumisi si mama at tumingin sa'kin tapos kumindat pa.

Mama ko nga ito!

KOMPYERMM!

"Oh bakit?Talaga bang mahal ng lalakeng ito ang anak ko?"tumingin bigla si papa kay Gago na tahimik lang sa tabi ko.

Langya yan!

Yan pa tinanong niyo?E mukhang wala nga atang naririnig 'yan e.

"Papa.."mahinang saway ko kay papa.Please naman! Wag na siyang maraming hirit diyan.

Sinamaan ako ni papa ng tingin.

"Manahimik ka Lot-lot.Kailangan ko munang kilatisin itong magiging ama ng anak mo paano ko ito pagkakatiwalaan kung kahit sa nararamdaman niya para sa'yo ay hindi ako sigurado?"galit na utas ni papa.

Napatahimik ako ng LOT-LOT niya.

Napansin ko ang ngisi ni sir Bernard na sa tabi.Woah! Ngumiti talaga si sir?Tama ba 'yong nakikita ko?

Samantalang palihim na napangiti din si maam na mukhang natutuwa pa sa narinig.

"Emilio.."si mama tapos kinalabit si papa.

"Hindi! Dapat malaman natin ang totoo.Baka napipilitan lang itong lalake na ito at hindi naman ako papayag na papakasalan niya lang ang anak natin dahil sa responsibilidad! Paano na ang damdamin ng anak na--"

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon