MANTK#28
_______
Carlota's POV-
_______Nakaupo si Radier sa sofa habang kaharap ang mga pinsan niya.Napapansin ko ang pasaglit-saglit niyang pagsulyap sa'kin habang nagsasalita ang mga kausap.
Wala sina Ried at Redwell.Busy yata sa kanya-kanyang buhay.Ngayon lang sila nagkahiwalay ng ganito.Dati naman tuwing may mga events ay kompleto silang dumadalo.
“Don't mind him his so mayabang lang talaga.”
Napalingon ako sa likuran ko nang makarinig ng paguusap.Nalingonan ko sa kabilang sofa ang anak ko at ang babaeng kulot katabi ang isa pang batang lalake.Kinakausap nila si Raven habang nakapamewang iyong tinatawag nilang Gozelan sa kabilang sofa.
Napapailing ako at nakinig na sa mga pinagsasabi ni Angela. Pagkatapos ng pag-b-blow sa cake ay nagkanya-kanya na sa pagkain ang iba matapos kong asikasohin si Raven sa pagkain ay saka ako nakipag usap kina Angela. Ayaw na ayaw ni Raven na sinusundan ko siya kaya hinayaan ko siyang humiwalay sa'kin. Nakakapanibago talaga ang anak ko. Ang bata bata niya pa pero feeling ko ang bilis niyang lumaki.May mga sarili na siyang desisyon na dapat nasusunod.Napapabuntong hininga nalang ako dahil do'n.
“Baka busy ka.”nahihiya na sabi ni Angela.
“Hindi naman, pwede kitang samahan bukas.”ani ko.
Kinakabahan na talaga si Angela. Naiitindihan ko dahil ganyan din ako noon. First time niyang magbuntis at kawawa siya dahil wala man lang iyong ama ng bata para alalayan siya. She need attention, dapat may nagaaruga sa kanya at minu-minutong nagche-check ng kundisyon niya.
“Baka kasi nakakaabala.”kagat labi niyang sabi.
“Ngayon ka pa nahiya, ang kapal-kapal ng mukha mo noon, anyare ngayon?”ngumiwi si Ruby.
Hinampas siya ni Angela.
Saktong 8PM nang matapos ang party.Karamihan sa mga bata ay maagang nakatulog sa guest room dahil sa pagod kakalaro.Si Raven naman ay kinukusot pa ang mata nang makalapit sa'kin.He look very tired at namumungay na ang mata.
“Is she going to sleep too?”curious na tanong ni Raven at tinuro ang tiyan ni Angela.
Akala ko naka-move on na siya sa baby.Bahagyang napanganga si Angela at napahawak sa tiyan.
“Y-Yeah, baby.Matutulog na din si baby Cassie kaya sleep na rin tayo,hmm?”
Tumango si Raven sa'kin.At pinasadahan pa ng tingin ang tiyan ni Angela bago tumalikod.
“Ingat kayo.”sabi ko kay Anj.
Ngumiti lang siya at sumabay na kay Ruby.May kotse si Ruby at siya na ang maghahatid kay Angela pauwi.Senermonan pa niya si Anj kanina nang malamang nag-commute lang ito.I agree, dapat tumawag man lang siya sa amin kanina kung gusto niya naman pala na pumonta.She's pregnant baka kung mapaano pa siya.
Bago kami umakyat ay nagpaalam pa kami sa ibang mga bisita maging kina Grandma na kausap pa ang ibang relatives. Pagkatapos mag-half bath ay nakatulog na agad si Raven. Iniwan ko na siya sa kwarto niya nang lumipat ako sa silid namin ni Rad. Natigilan pa ako nang mabungaran si Rad na nakatuwalya lang habang tinutuyo ng maliit na towel ang buhok at nakaupo sa kama.
Napatikhim ako at nagtama agad ang mata namin. Gumalaw ang biceps niya nang ibaba niya ang towel. Nakahiwalay ang mga binti niya at parang walang pakialam kung mahuhulog man ang nakatapi na tuwalya. His not aware of his gestures unlike me na nagsisimula na naman na mailang.
Gumalaw ang panga niya habang tinititigan ako.“Tulog na siya?”
Lumunok ako ng laway bago tumango. I think I need to take a shower too. Naka-aircon naman pero nakakapagtataka na naiinitan ako. Akmang lalampasan ko siya nang hulihin niya ang bewang ko.Napasinghap ako at namalayan ko nalang nakakandong na ako sa hita niya.His strong arms are now buckled around my waist.At nakapatong na ngayon ang baba niya sa gilid ng leeg ko.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)
General FictionNakipagsapalaran si Lotlot sa syudad upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang dadatnan niya ay ang mga bagay na hindi niya in-expect na madadatnan niya. Magiging katulong siya ng tatlong magpinsan na...