Kabanata 20

1.9K 55 2
                                    


_
Carlota's POV-
_

Nagulat ako nang makitang nakatayo sa bukas na gate si Raven.Hawak niya ang lock ng gate habang nakatingin sa taong nasa harap niya.

Mabilis akong tumalima pababa at agad na binaba ang galon ng tubig na ipapalit ko sana sa despenser.Abot langit ang kabog ng dibdib ko nang abotin ko ang kamay ng bata at yakapin.Nanlaki ang mata ko nang makita si Radier.Bakit nandito siya?

Madilim ang aura niya nang ituon ang mata sa'kin.

"He open the gate that easily." sabi niya sa kakaibang tuno.

"Busy ako hindi ko namalayan."ani ko at hindi parin mawala ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.

"Not secured,"aniya at nilingon ang kalsada sa likod at nakita doon ang mga traysikel at mga naglalakad na taga doon."Crowded."

Napalunok ako sa kahihiyan.Ibinaling ko ang atensyon sa anak ko.

"Raven, wag bubuksan ang gate sa susunod huh?"

"Why is he here?"imbes na sagotin ako ay ako pa ang tinanong."You told me to not talk to strangers why are you talking to strangers now?"

Natulala ako sa sinabi niya at ngali-ngali na tumingin kay Rad.Nakita ko ang pag igting ng panga niya sa sinabi ng anak niya.Nakikita ko sa mata niya na nasasaktan siya.Hindi man lang siya kilala ng anak niya.Hindi ko man lang siya napakilala kay Raven.

"T-Tuloy ka."ani ko kay Rad na nanatiling nakatuon ang mata sa bata.

Napakagat labi ako at napaiwas nang tingin nang balingan niya ako.

Iginiya ko na si Raven papasok.Ramdam ko ang pagsunod niya sa likod namin. I've never expect that in the future magkakaroon ako ng broken family. Akala ko kasi mapapamana ni mama at papa ang pagiging kompletong pamilya namin sa akin.Pero nagkamali ako. Hindi pala lahat ng bagay nasusunod, hindi naman pala totoo ang pamana'ng swerte.

Ako na produkto ng complete family ay may broken family.

"Dito ako." ani Raven nang yayain ko siyang lumabas ng kusina.

Nasa sala si Radier. Kahit natatakot ako sa posibleng gawin ng pamilya ni Rad hindi naman kaya ng puso ko na ipagkait ang anak namin kay Rad. Magulang din siya at may karapatan siya sa bata. Hindi ko naman inaalis iyon sa kanya dahil wala akong karapatan.

"You don't want to play with Mr.Berneth? You know, you can play with him, you remember you like his eyes,right? You said you like to meet Mr.Berneth the day you saw him on the TV." ani ko habang hawak ang pisnge niya. Nakatitig ako sa malamig niyang mata.

"He made you cry."malamig niyang tugon.

Dahil ba ito doon?Dahil ba nakita niya akong umiiyak sa restaurant dati?

"I'm just happy, baby. Mama was just happy that's why I cried that day. Mr.Berneth didn't do anything to mama, okay? His good, baby."

Matagal bago ko siya nakumbinsi na lumabas ng kusina. Hawak ko na ang tray ng juice at sandwich habang bitbit naman ni Raven ang robotoy niya nang sabay kami na lumabas. Nakakapit parin siya sa pajama ko nang magtagpo ang mata namin ni Radier na nakaupo sa sofa.

Ibinalik niya ang picture frame ni Raven nang makita kami.

"M-Meryenda muna kayo ng bata."ani ko bago nilapag sa center table ang tray.Nilingon ko si Raven na nagtatago parin sa likod ko."Baby,magmano ka kay Mr.Berneth."

Nagdadalawang isip pa siya kung lalapit siya.Blangko parin ang mata niya pero makikita mo ang imosyon niya sa ikinikilos niya.

"Sige na."nginitian ko siya sabay giya palapit kay Rad.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon