Kabanata 27

1.7K 52 1
                                    

MANTK#27

_______
Carlota's POV-
_______

Umuwi kami ng probinsya kasama ang anak namin. December na at ang bilis ng panahon. Four years old na pala ang anak ko. Gaya ng naipangako ko kay mama dati uuwi kami sa province at doon magdidiwang ng kaarawan ni Raven. Matagal na rin pala noong last time na nakarating ako rito.

Ito ang lugar na kinalakhan ko bago ko pa nakilala si Radier.

Pinagmasdan ko ang mga puno at ang sementado na ngayong daan papunta sa barrio ng Sinukuan. Kanina nadaan namin ang Lungsod namin napakarami na palang bagong istraktora at mga bagong department store. Samantalang tag-tatlo palang iyon dati. May ospital na rin at mga birthing clinic.

Buong byahe nakatingin lang ako sa labas. Namiss ko talaga ang lugar na 'to. Napabuntong hininga ako.

Isang dalagang si Lot-lot ang umalis sa lugar na 'to at nang bumalik siya isa na siyang ina kasama ang dalawang tao na importante sa buhay niya.

“Nasaan ang apo ko? Dali! 'Asan na?”excited na salubong agad ni mama sa'kin.

Malamig na tingin ang ipinukol ni papa kay Rad. At nang kunin ni Rad ang anak namin ay naglaho iyon na parang bola at nanatili ang mangha sa mata habang pinagmamasdan apo niya. Napangiti ako lalo na nang pagmasdan ko sila na agad lumapit kay Raven.

May bata na naman sa pamilya namin. Sabi ni mama nangarap daw si papa na magkaroon ng anak na lalake. Pero sa kasamaang palad ay babae ang naging anak niya. At wala na siyang choice kundi ang tanggapin na babae ang anak niya. Hindi na nakapagbuntis ulit si mama dahil sa problema niya sa matris. Kaya nangyareng one only child lang ako sa pamilya.

Bahagyang napaawang lang ang bibig ni Raven habang pinagmamasdan ang dalawa niyang grandy na nakangiti na lumapit sa kanya.

Si mama na mismo ang kumarga kay Raven. Maagang lumandi ang anak niya kaya wala pa siyang rayuma sa lagay na 'yan. Kayang kaya niya pang ipaghele ang apo niya.

Kunot noong humabol nalang ng tingin sa'kin sa likod ang anak ko.Hindi niya maintindihan ang pangyayare lalo pa at sa isang kurap niya lang natangay na siya ng lola niya.

“Sa likod tayo mag usap.”seryoso ang boses ni papa.

Napalingon ako sa kanila ni Rad.Tumango lang si Rad at tumingin sa'kin.Bumaling naman ako kay papa na may pagkukwestyon sa tingin.Ginantihan niya lang ng inosenteng tingin na parang wala siyang ginawang kababalaghan.

“Maguusap lang kami, dalhan mo kami ng kape.”ani papa sa'kin at nauna nang naglakad sa likod.

Nakapamulsa na sumunod sa kanya si Radier. Aaminin kong medyo kinabahan ako do'n pero mas pinili kong sundan nalang ang anak ko sa loob. Kasama niya doon ang lola niya na kanina pa pinagmamayabang ang album namin kung saan nandoon ang mga old pictures ko.

“Haw mats yorr edge?--este ilang taon ka na ngayon?”nakatunganga si mama sa harap ng apo niya.

May tsokolate sa harap nila at seryoso si Raven na nakatitig sa mga pictures namin.

“I'm already four now mama told you already,right?”nag angat siya ng tingin kay mama.

Si mama, nakatulala.

“Dyos por santo! ang hirap kausap ng batang ere.”napakamot si mama sa ulo.

“What?”kunot noong tanong ni Raven sa lola niya.

“Di man lang ako nawarning ng lot-lot na 'yon na kailangan ko pala gumamit ng diksyonare. Dumudugo ilong ko sa'yo apo.”

Kunot noong tumingin si Raven sa kanya.

Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon