“Hello ma.”nakaantabay ako sa headset sa tenga ko habang busy sa pagaasikaso sa mga bibili ng segarilyo at kung ano ano pa'ng prudokto sa tindahan na 'to.
“Kumusta ka na diyan?Ayos ka lang ba?”si mama.
Narinig ko pa si papa na tanong ng tanong sa kabilang linya.
“Ayos lang ma ang tagal niyong hindi nakatawag.”tumawa pa kunyare ako habang nagsusukli.
“Naku.Wag kang tatamad tamad diyan saka wag kang abusado kahit buntis ka magkikilos ka din.Tsaka para din sa bata 'yan.Dahil pag tulog ka lang ng tulog sigurado'ng magmamanas ka.Bawal sa mga buntis 'yon.Delikado.”ani mama.
“Okay po.Sige.”hilaw akong tumawa para kunyare maayos akong kausap kahit hindi ko naman talaga pinakikinggan ang mga pinagpuputok ng butche niya.
“Kalahati sa marvel.”biglang nagsalita ang lalakeng bibili parang gusto ko siyang pandilatan sa lakas ng boses niya.
“Anong marvel?”si mama sa kabila.
”Ahh--haha hindi ma.Ano..Nanonood ako ng tv.Alam mo yong marvelous avengers?P-Parang ganun--este! 'Yon nga ang pinapanood ko.”nagkanda bulol ang bruha'ng si ako.
Kumuha na ako ng puti na Marvel cigar para ipalamon sa lintek na lalakeng nasa harap ko ngayon.
“Hindi white sabi ko pula.”reklamo pa ng gagong lalake.
“Anong white?Pula?”si mama nagugulohan sa kabilang linya.
Bumusangot ako at kumuha agad ng pula'ng stick ng marvel.Para makalayas na ang unggoy na 'to.
“Pula ma.Si Iron man tinutukoy niya,pula kasi ang kulay niya.”palusot ko na naman.
Ilang segundo lang may lumapit na naman na bata.
“Ate, pabili ng sardinas!”full volume din ang lintek na boses ng bata.
“Sardinas?Hoy lot-lot anong sardinas 'yan huh?Kayaman yaman ng manugang mo sardinas lang pinapakain sayo?Aba!Masugod nga ang mga yan!”biglang bulalas ni mama.
Nanlaki ang mata!Putek!
Pinandilatan ko ang batang bumili.Napayuko ang bata.
"M-Ma.H-Hindi sa ganun.Nagpapabili ako ng sardinas kasi...”tumingala muna ako sa kisame
Putek lot-lot magisip ka!
“Ahh..alam ko na!Siguro naglilihi ako ng sardinas, Ma. Alam mo 'yon? Yong craving ng mga buntis?”tumawa pa ako.
Liars go to hell!
“Ate 'yong sardinas..”hininaan na ng bata ang boses niya.
Nakalimutan ko pala'ng ibigay. Kaya agad ko ibinigay sa bata para maka-gora na siya at hindi na ako mapuno ng kasalanan dito.
“Hala! e, dapat ngayon palang bumibili na kayo ng mga gamit sa bata, anak. Dapat pinaghandaan niyo na ang mga kagamitan ng apo ko. Naku hindi pwedeng....blah blah blah..”
Hanggang sa malowbat ang phone ko ni wala ako'ng nasabi kasi puro si mama ang may linya sa convo namin kanina.
“Ate. Pabili modess.”ani dalagita.
Agad akong humugot ng modess sa lalagyan para ibigay sa babae.
Kaya lang nadaanan ko ang kalendaryo malapit sa estante bago ko kunin ang bayad sa babae.
Naalala ko nga pala. Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan. Napaisip ako. Di kaya nakarma ako?
Dahil sa pagsisinungaling ko binigay ako ng sakit sa ovary?
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Tatlong Kumag ( Complete)
General FictionNakipagsapalaran si Lotlot sa syudad upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang dadatnan niya ay ang mga bagay na hindi niya in-expect na madadatnan niya. Magiging katulong siya ng tatlong magpinsan na...