PROLOGUE

2.1K 156 777
                                    

Kasalukuyan naglalakad ako patungo sa unang klase ko, maaga pa naman kaya hindi ko kailangan magmadali.

"Morning Vianne." Bati nang kung sinong hindi ko naman kilala.

Snob ko lang si kuya dahil hindi naman kami close para magresponse din ako sa kanya.

Syempre, feel na feel ko maglakad sa hallway ng..

"Hey babe, why so early?"

"Babe my ass! Pinagbabawal na ba ang pumasok ng maaga?" Mataray kong asik sa pa-epal na 'to.

"Hindi naman, pero sana hindi ka nagsusungit 'di ba?" Aniya na umakbay pa sakin.

"Ano ba! Alisin mo nga yang kamay mo sa balikat ko." Angil ko at sabay tanggal sa mabigat niyang braso.

"Whoah! Okay, relax!" Sabi niya na tinaas pa ang dalawang kamay na animong sumusuko.

Nauna na kong naglakad at hindi ko na hinintay ang isang iyon. Nang makarating sa classroom ay dumiretso agad ako sa silya ko. Nag sound trip ako pagkaupo habang nakapikit ang mga mata.

Pero maya maya lang ay inis akong napadilat, "What do you think you're doing?!" Gigil na tanong ko at masamang-masama ang tingin ko sa kanya dahil walang sabing hinablot ang earphone sa tenga ko.

"Babe naman eh, para yan lang nagagalit kana." Malambing at nakangusong sabi ng epal.

Parang gusto ko siyang bigwasan ng isang milyon paulit-ulit, idagdag mo pa ang panguso-nguso na hindi naman bagay sa kanya.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na itigil mo ang kakatawag sa akin ng babe!" Iritadong singhal ko dahil hindi talaga ako natutuwa sa kakaganyan niya.

"Eh? Isipin mo na lang na pet name natin iyon." Sagot niya sa akin na kumindat pa.

Edi wow! Pet name niya ang mukha niya!

"Anong course mo nga ulit?" Nakangising tanong ko at halatang naguluhan si loko.

"Engineering."

"That's right," tumango ako. "At na sa anong department ka ngayon?" Nakangising tanong ko na biglang ikinamutla ng loko kaya nagmamadali itong kumaripas ng takbo palabas sa pintuan.

Ayan! Kung saan-saan kasi tumatambay! Pagalitan sana siya ng todo ng professor niya.

Maya-maya'y dumating na ang prof kaya kaagad kong tinago ang mga dapat itago, dahil oras na para mag participate sa klase. Hindi porket mapera hindi na mag-aaral ng mabuti, may kasabihan nga na ang "Edukasyon ang Kayaman" Push lang natin ito, in the future tayo rin ang makikinabang ng pinaghirapan natin.

Fighting!

Pagkatapos nang unang klase kaagad akong lumabas at dumiretso sa cafeteria dahil kanina pa nagrereklamo ang mga alaga ko sa tiyan.

"Hey bess, over here!" Sigaw ng isang lukaret na babae na kumakaway-kaway pa at malapad ang pagkakangiti ng makita ako. "Namiss kita bess," dagdag pa niya ng tuluyan makalapit ako sa kanya. Akma sana itong yayakap na mabilis kong pinigilan.

"Don't you dare, Lianna!" Diin na sabi ko habang siya naman ay nakanguso.

"Ang hard mo talaga sakin bess," nagtatampong aniya na ikinairap ko.

Hindi ko pinansin ang sinabi nito. "Mag order ka nang pagkain," utos ko na ikinabusangot ng mukha niya.

Kahit nagrereklamo ang babaeng yan ay sumusunod pa rin naman sa inuutos ko.

"Masusunod mahal na PRINSESA!" Sarkastikong sagot niya bago tumalikod at masama ang loob na pumila sa linya.

Ang dami ko nang nasabi pero hindi pa ako nagpapakilala sa readers. So yeah, I am Vianne Leyin So, nineteen years old, half filipino and half chinese. That's all and I thank you!

Yung kaninang baliw, bestfriend ko iyon since kinder. Siya si Lianna Castro, same age lang kami pero magkaiba kami ng kursong kinukuha.

Yung lalaki na ubod ng epal at feelingero na babe niya raw kuno ako ay si Luke Mondragon iyon. Silang dalawa ang kaibigan ko sa hirap at ginhawa.

"Hoy babae, 'to na ang pagkain mo!" Napasinghap ako sa bunganga ni Lianna at saka padabog na nilapag sa mesa ang pagkaing binili niya.

"Hindi ka naman galit?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Hindi naman bess," sagot niya na peke pang ngumiti.

"Good. Sit down and let's eat." Utos ko kaya nagsimula na kong kumain at ganoon din ang ginawa ni Lianna.

Perfect Romance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon