C h a p t e r 8 Bully
Ayesha Alexandra Astrid's POV
Maaga akong gumising at ginawa ang daily routines ko.I'm super duper very excited na magpractice dahil matatakasan ko kase ang subjects na hate ko,yeeeyy.Sinuot ko lang ang uniform ko and my famous eyeglass with lugay na buhok–madalas nga akong mabully eh dahil nerd daw ako pero di ko sila pinapatulan alam niyo na mabait ako at tsaka mahaba ang pasensiya ko at maganda DAW sabi ni mama.
One week na di ako papasok sa klase,yeeeeyy.Bumaba ako ng kwarto ko at pumunta sa kitchen para kumain.
"Wow himala Aye ang aga natin ah" bungad ni mama nang makababa ako sa kwarto."Wala lang po" aniko
At ngumiti lang ako sa kanya.At pagkatapos kung kumain lumabas na ako at pumara ng tricycle.
*brooomm
It's Tuesday!
"Andito na tayo" ani ng tricycle driver.
"Eto po bayad"wika ko.At pumasok na sa loob.Naglalakad ako dito sa hallway ng may mabangga ako na isang babae na nakauniform above the knee ang palda at sobrang kapal na make-up na aakalain mong isang clown.
"Ouch!!" maarteng sigaw nito.
"I-I'm sorry ms." bulol kung sabi dahil natatakot ako sa aura nito.Tinulungan naman ng mga alagad niya na tumayo ito dahil napaupo ito sa sahig sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko sa kanya, ewan ko kung malakas ako o talagang lampa at maarte lang ito.At tatalikod na sana ako nang hinila niya ang buhok ko paharap sa kanya.
Ughh!! Deeper baby!!.charotness. Masakit siya, people of the Philippines.
"A-a-ray ko ms. n-nasasaktan a-ko" sabi ko pero wala ata itong naririnig dahil mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak nito sa buhok ko.
"Alam ko, kaya nga kita sinabunutan para saktan. Bubo much? Alangan namang masarapan ka sa ginagawa ko. Mag-isip ka nga!" anito at hinigpitan pa ang pagkakasabunot sakin.
May point siya don ah? Ba't nga ba diko naiisip yon no? Kayo kase people of the Philippines e, di niyo ko ininform. Hahaha.
"Tingnan mo ang kinakalaban mo,you btch" sabi nito at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko.
Ano yung sabi niya? Kinakalaban daw? Tanga ba siya? Nabangga lang, kinakalaban na? What the fudge!!!
Masakit talaga. Nanonoot ang sakit. Ramdam kong nagdidilim na ang paningin ko dahil sa sakit na aking natatamo sa higpit ng pagkakahila ng buhok ko.Ang sakit talaga. Arghhh.
"Ang pangit mo na nga, tanga ka pa,bakit kase di mo na palitan yang salamin mo sa mata luma na kase kaya baka—"
"Bitawan mo siya" may malamig na boses na nanggaling sa likuran ko,hindi ko malingon kung sino yung nagsalita dahil sa higpit ng pagkakahawak ng babae sa buhok ko.
"P-pero s-sinaktan niya a-ako,baby boy" utal nitong ani, marahil dahil sa takot nararamdaman nito. At ramdam kong nangingig ang pagkakawak niya sa buhok ko.
"Bitawan mo siya" wika nitong muli.At naramdaman kong binitawan nong babae ang buhok ko.Pagkabitaw na pagkabitaw ng babae sa buhok ko ramdam kong babagsak na ako sa sahig pero bago mangyari yon naramdaman kong may sumalo sa akin, bago tuluyang nawalan ng malay.
Lovely's POV
Andito ako sa classroom nagre-review may short quiz kase kami.Patuloy lang ako ng pagre-review nang marinig ko ang chismisan nang mga kaklase ko at narinig ko ang pangalan ni Ayesha don kaya nabaling ang atensyon ko don.
"Oy pren,alam niyo ba na si Ayesha na manga-agaw,na inagaw si Nathan ko na akala mo naman maganda mukha naman palaka at akala mo sex-" hindi natuloy ni chismosa 1 ang sasabihin niya nang binitin ito ng chismosa 2.
"Yah,we all know that,in short she's a sl_t, so please straight to the point" iritang sabi nito.
"Kaya nga" pagsang-ayon naman ni chismosa 3.
"That fcking Ayesha just collapsed and she's in the clinic right now and y—" hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi ni chismosa 1 dahil agad akong lumabas ng classroom at tumakbong pumunta sa clinic.
Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ng clinic bumungad sakin si Ayesha na nakaratay don sa higaan at sa gilid ay si N-Nathan?! Nakasuot sya ng plain white t-shirt and black trousers.
"Oy Lovely andito ka pala" bungad sakin ni N-Nathan.
"K-kanina ka pa dito?" tanong ko kay N-Nathan.
"Hindi kadadating lang" sabi nito.
"H-hindi ikaw ang nagdala kay Ayesha dito?" tanong ko"Hindi,nandon ako sa gym kanina tapos narinig ko na nacollapsed daw si Ayesha kaya pumunta agad ako dito,eh ikaw pano mo nalaman na nandito si Ayesha?" wika nito
"N-narinig ko lang sa mga c-chismosa sa classroom" ani ko.At napangiti naman siya sa sinabi ko.Waaah, cute niyaaa.
"Tulala ka diyan,may problema ba?Bat nauutal ka diyan?" ani nito na nagpabalik ng diwa ko sa realidad,hindi ko alam pero natulala na pala ako. "Ok ka lang Lovely?namumula ka ata?" ani pa nito.
"O-ok lang ako"sabi ko.Bat nga ba ako namumula?ewan ko,di ko rin maintindihan ang nararamdaman ko eh.
"Paki bantay muna si Ayesha ah,bibili lang ako ng pagkain"ani nito at tumango nalang ako.Ayesha Alexandra Astrid's POV
Nagising ako at bumungad sakin ang puting kisame.Napalingon ako sa gawing kanan ko nang may magsalita.
"Gising ka na pala Ayesha,grabe ka ha pinag-alala mo ako" bungad ni Lovely.
"N-nasan ako at anong nangyari?" tanong ko at kumunot naman ang noo ni Lovely.
"Di mo alam? nahimatay ka raw" sabi nitoAiishh,Oo nga may nabangga ako na clown at sinabunotan niya ako.Aiiisshh bwiset na clown nayon,at sino yung nagligtas sakin?di ko matukoy kung sino napaka-cold kase ng boses niya. Baka si mr. Savior na naman. My gas, haba talaga ng hair ko.Pero, aiishh ansakit ng ulo ko parang natanggal yung anit ko.
"O-ok ka lang Ayesha?" napabalik ako sa pag-agam agam ko nang nagsalita si Lovely."Ok lang ako, w-wag kang mag-alala masakit lang ang ulo ko" sabi ko
"Bakit a-ano ba kase ang nangyari?" tanong nito. "At alam mo ba kung sino ang nagdala sayo rito?" tanong pa nito.Sinabi ko lahat sa kanya as in lahat-lahat sinabi ko rin yung nagligtas sakin na diko kilala.
Makalipas lang ang ilang sandali, bumukas naman ang pinto at bumungad doon si Nathan na naka plain white t-shirt and black trousers.
'Hot niya no?pero di kaniya gusto,wag kang feeling' sabi nang munting tinig mula sa utak ko. Alam ko naman eh,pero dito ako sumasaya sa pagiging feeling,kaya tumahimik kana diyan.
Gosh baliw na ata ako kinakausap ko na naman ang sarili ko,ugghh.
"Ok kana ba Ayesha?" sabi ni Nathan,nabalik ako sa huwisyo nang magsalita ito at tumango nalang ako."Ano ba kasing nangyari?" tanong nito. Ba't niya tinatanong? Hindi ba siya ang nagligtas sakin?
O baka naman nagpapanggap siya para di siya mabuking na may gusto rin siya sakin? At nahihiya siyang malaman ko ito? Hihiiihi. Iba ka talaga mr. Savior.
Napahagikhik ako ng palihim sa naisip ko, at kung tama ang hinala ko pwes, sasabayan ko ang trip niya. "Lovely,pwede bang ikaw na ang magsabi?, masakit ang ulo ko eh,pwede bang siya na lang Nathan? 'ko' " sabi ko pero syempre di ko sinabi yung 'ko'.
"Sige naiintindihan kita,pero kumain kana muna" at iniabot niya ang pagkain sakin at syempre linantakan ko nayon.
"Nga pala Ayesha,bukas nalang daw kayo magsisimulang magpractice ng kakantahin niyo para sa contest next week" sabi ni Lovely."Excuse ka maghapon ngayon dahil sa nangyari sayo,kung mabuti na daw ang pakiramdam mo pwede ka nang umuwi, para don kana magpahinga" wika naman ni Nathan.
"Sigi,pumunta na kayo sa klase niyo ok na ako at tska salamat Lovely at Nathan 'ko' " sabi ko pero diko sinabi yung 'ko' at lumabas na nga sila at ako ay kumain naman.Nang mabuti-buti na ang pakiramdam ko naisipan ko naring umuwi.
Ipagpapatuloy. . .
Hakdogs
BINABASA MO ANG
Love Maze; Lost (Completed)
Teen FictionLove is like a maze, you don't know where, when and whom you bumped to, and it's either you bumped into the right person or the other way around. But one thing is for sure you will a lesson on it. OPEN FOR YOUNG READERS BUT NOT FOR THE CLOSE MINDED...