Kelly's POV
Ewan ko kung bakit ako nagtatampo kanina kay Veron, ewan ko na rin kung bakit ganun na lang ang reaction ko kanina nakakahiya. Habang iniisip ko ang kahihiyan ko tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko hindi ko namalayan may nakabangga ako. Muntikan na siya mahulog buti na lang nasalo ko hindi ko namalayan na siya pala yun yung babaeng kinaiinisan ko. Si Felicity ngayon ay nakaharap ko.
"Thank you akala ko matutumba na ako." nakangiting sabi niya. Kung hindi ko na lang kaya siya tulungan, mawawala ba ang ngiting yang plastik?
"Ah wala yun, lahat naman ng tao eh tutulungan ka kapag malapit ka ng matumba." sabi ko with a fake smile.
Narinig ko may tumatawag sa kanya baka asawa niya yon makaalis na nga naiirita ako.
Pero bago yun kailangan ko muna hanapin si Veron bago muli sila magkita ng ex niya alam kong lalong sasama ang loob non pag nagkataon nagkita sila.
Veron don't worry i'll be by your side lalo na kapag nasaktan ka na naman, no matter what it takes, I'll make you smile again as before.
Veronica's POV
"Talk right now kuya before i changed my mind." galit na sabi ko.
"Alam mo naman na homophobic ang mommy niya diba?" sabi sa akin ni kuya pero hindi ko yun sinagot at tinuloy niya ang kwento.
"Buntis noon si Felicity at hindi ako ang ama, nangyari yun noong nag-graduate kayo, na sa bar ang friends niya kasama siya. Kaya ang nangyari dahil sa sobrang lasing niya hindi niya nalaman na may naka hook up siya kaya ayun buntis na. Sabi sa akin ni Fel na pag nalaman mo noon ang nangyari sa kanya baka mandiri ka sa kanya lalo na pag nalaman mo na buntis siya, ayaw niya mangyari yun kaya nag-set up siya ng breakup plan para sa sayo. At sa naalala mo ay hindi yun katotohanan na niloko ka niya, mahal ka niya kaya ka pinaraya. Alam natin na mahina ang loob ni Fel kaya hindi niya magawa sabihin sayo ang katotohanan ganun din sa parents niya still closet pa rin siya. Sa side ko naman tinulungan ko siya at kasama ang kumpanya lalo na isang akong Spice, kaya ko binigay sayo ang dapat sa akin na responsibilidad dahil panganay ako kaso lang na guilty akong makita ka dahil kasama na ako sa plano. I'm sorry sa lahat bunso hindi mo deserve ang nangyari alam mo ba kasal lang kami ni Fel sa papel at kung gusto mo pa siya balikan ay pwede pa dahil pwede naman kami mag-divorce."
"Kuya hindi mo ba mahal si Fel?"
"Sa totoo lang bunso kapatid lang ang turing ko sa kanya at may mahal na akong iba, kung napamahal na ako sa kanya mukhang hindi uubra ang charms ko kasi ikaw pa rin ang mahal niya hanggang ngayon." medyo tumawang mahina si kuya dahil don.
"All of this was a part of the plan, at ang lahat ng to ay isang malaking kasinungalingan." Walang emosyon na sabi ko.
"Nagdusa ako ng maraming taon na akala ko ay totoo. Yun pala ay hindi nagdusa ako sa wala dahil sabi mo part of the plan lahat ng ito. Tapos hindi niyo sinabi sa magulang niya, pero alam ba to ni mama?" deretsong tingin ko kay kuya. Kung alam ni mama ang lahat ng ito siguro para akong binuhusan ng malamig na tubig para mabalik ang senses ko.
"Yung about sa Spice family--"
"Hindi yun ang tinatanong ko tungkol ito kay mama at hindi sa buong angkan."
"Alam ni mama to at ang buong angkan dahil big deal ito sa business world."
"Kung tungkol ito sa business world bakit hindi ko alam? Kailan kayo nagpakasal?"
"Nung 5 years ago."
Ito yung taon na umalis ako ng mansion, at hinahanap ko pa ang sarili ko, nakakatuwa nga hanggang ngayon hindi ko pa nahahanap ang sarili ko. Pero kailan ko mahahanap? Kailan ko mahahanap ang kasiyahan ko? Siguro hindi pa handa ang tadhana na sumaya ako, kailangan ko pa makamove on sa nakaraan. Maging masaya kapag may naiisip ka tungkol sa malungkot mong nakaraan na para bang nakastuck sa puso't isipan mo na kahit na gustong mo maialis ay ayaw ng soul mo. Diba mahirap? Ako gusto ko ng mag moved on pero bakit ganun sobrang fresh parin ang sugat habang nakatingin ako sa dalawa, si kuya ay parang naiiyak na, at para bang sa tingin niya na kailangan niya ang kapatawaran kung hindi habang buhay na lang siya ganito. Ang sinisisi ang sarili niya.
At ang kay Fel nakita kong umiiyak na siya para bang gusto niya akong yakapin ngayon pero pinipigilan niya dahil siya ang nagpauso ng plano na ito.
After hearing those words na alam ni mama ang lahat ng ito. Why did she do this to me? Kung alam nila na kaya ko siyang ipaglaban sa magulang niya lalo na sa mama niya na against sa same sex relationship ipaglalaban ko siya kahit noon.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin? Fel nagkaintindihan naman tayo diba? Na kaya kong ipaglaban ang relasyon natin. Wala ka bang tiwala sa akin! Sigaw ko sa kanya na halos buong puso ko yung sinabi hindi ko namalayan na umiiyak na rin ako.
At ang mga taong na sa paligid namin ay lumingon sa gawi namin. Wala sa amin ang nagsalita hinihintay ko siyang sumagot at wala rin akong naririnig na bulungan ng mga tao, kaya ang tahimik. At wala akong pakelam kung may nakarinig sa usapan namin kahit kahihiyan ito.
"Hindi naman sa ganon Ver. Inaamin ko may tiwala ako sayo pero nadaan ako sa takot kaya hindi ko nagawang sabihin sayo at sakanila na duwag ako."
"You know what kung may balak ka magkabalikan sa akin pwes sa ginawa mong yan gusto ko bang bumalik tayo sa simula? Ha hindi yun kadali para sa taong katulad kong sa sitwasyon na ito. Sa tingin mo ba napakadali yung kalimutan, hindi eh ang sakit-sakit." sabi ko at itinuro ko sa dibdib ko.
"Hindi pa naman huli ang lahat kaya natin tong ayusin."
"Ibig sabihin ngayon ka lang nakapag decide na ipaglaban ang relasyon natin, para sa akin huli na ang lahat." ngising sabi ko at nadatnan ko na, sa malapitan pala ang babaeng yun kaya ang alam ko lang na wrong move ako ngayon hindi ko alam kung ano ang na sa isip ko kung bakit ako nakatingin sa gawi niya na ngayon ay nakipag-usap siya sa lalaking kaibigan ni Fel.
"Siya ba ang pinagpalit mo sa akin?" nakatingin siya sa gawi ni Kelly. Siya nga ba? Hindi ko rin alam, may kumokontrol ata sa akin eh. Bahala na nilapitan ko si Kelly na ang saya niya ang kausap sa lalaki.
"Hoy babae, alis na tayo."