Chapter 19

709 23 0
                                    

Ngayon na sa karenderya na kami at naghahanap ako ng ulam na pwede kong ulamin at samantalang na sa upuan na si Kelly para magbantay ng pwesto namin.

"Ate magkano yung Afritada at Ginisa."

"30 pesos parehas."

Tapos binigay ko sa ale yung bayad pagkarating ko sa pewsto may nakita akong peste na umupo pa sa upuan ko akala siguro walang kasama si Kelly. Tapos lumakad papunta sa pwesto namin at aakma sana hawakan yung kamay ni Kelly, since na mukhang marumi ang kamay niya dahil parang kakagaling lang sa pag-aayos ng makina para tuloy ang daming ink sa kamay niya hindi man lang nahiya sa kasama ko kaya nilapag ko ang ulam sa mesa para hindi tumuloy ang eksena.

"Pu**ng ina iniistorbo mo ba kami!" sabay lingon niya sa gawi ko.

"Hoy hindi natutuwa ang kasama ko sayo kaya umalis kana dahil kakain pa kami!"

"Bago ako umalis hehe pwedeng ikaw na lang kaya sumama sa akin miss kasi ok naman ang ganda mo plus ang sexy mo pa sa gwapo kong to tatanggi ka pa." tapos yuck nag wink pa nakakasuka.

"Fyi kung sino ka man hindi ako nakikipagbiro sayo kaya get lost dahil may lakad pa kami."

"Dali na miss tatanggi ka pa sasama na lang ako sa lakad niyo." aakma sana hahawakan ang kamay ng kasama ko ay naunahan ko siya sa paghawak.

"Stay away from my GIRLFRIEND!" tae naman o, yan pa ang nasabi ko lupa lamunin mo na ako nakakahiya.

"Girlfriend mo siya? Hahaaha patunayan mo nga kung mag girlfriend nga kayo." gulp pulang pula na ang mukha ko sa kahihiyan dahil yung mga costumers at yung tindera na nagbigay sa akin ng ulam ay nakatingin din no choice. Kaya humarap ako sa kasama ko, hinawakan ko ang bewang niya papalapit sa akin hahalikan ko sana siya pero inunahan ako. Kaya nag kiss kami at ang worst nag french kiss pa kami sh*t hindi ako nagsimula non siya yun.

Mga 10 seconds kami nag kiss pero parang nararamdaman ko pa yung labi niya sa labi ko. Pero mukhang nagustohan ko pa pero bawal eh basta parang natatakot ako sa magiging resulta ng nararamdaman ko, parang pinipigil ako ng konsensya ko na hindi pa pwede dahil kailangan ko muna hanapin ang sarili ko bago ako mapunta sa ganitong sitwasyon. My heart doesn't prepared for this, thanks to her that makes my feelings complicated and confused. Nagtataka ako why did she do it? Meron namang iba pwedeng dampi lang sa labi o kiss sa cheeks pero, THIS.

Now what am i gonna do, ngayon nakikita ko sa mga mata ng tao rito na pagkadismaya at pagdidiri yung iba pero unti lang ang ngumiti sa gawi namin siguro mga teenagers ang mga yun kasi buhay millenials kasi sila kaya halos open minded sila sa relasyon na ito, hindi tulad sa mga matatanda nabubuhay sa mga sinaunang tradisyon, pamahiin o iba pa lalo na masyadong relihiyoso. Kasi sabi raw nila makasalanan daw ang magkagusto sa kapwa babae at lalaki yun daw sabi sa biblya. Nabasa ko na yun pero parehas lang naman na Don't commit adultery ok lang ang magmahal pero ang sex ay ibang usapan na yan kaya maraming na misinterpret kung itranslate lang sa tagalog eh parehas lang sa Don't commit adultery. Pero wala namang sinabi na bawal magmahal sa kapwa nilang kasarian. Yun lang ang problema sa mga tao ngayon correct me if im wrong yan talaga ang paniniwala ko.

"Buti ginawa niyo yun buti nga sa kanya ang yabang pa naman ni Kulas." sabi ng isang dalagang babae mga na sa 17 years old lang siya.

"Walang anuman yun ginawa ko lang ang nararapat." sabi ko na lang kahit si Kelly lang ang may pakana.

"Mag girlfriend ba kayo sorry kung ganyan makatingin ang mga tao rito ngayon lang kasi sila nakakita ng katulad niyo." banggit ng babae sa mga ibang tao rito.

"Hindi kami mag girlfriend magkaibigan lang kami kaya niya ginawa yun kasi para makaalis yung Kulas na yan."

"Ah ganun ba sayang ang bagay pa naman kayo pero ang galing niyong umarte parang makatotohanan talaga, pagtitig niyo lang sa isa't-isa parang pang lovers ang dating."

"Sige maalis na kami rito baka batuhan pa kami ng mga tao rito uso pa naman ang discrimination at ayaw ko ng gulo."

"Kahit ganun pa naman sila, ayaw naman nila makulong kaya hanggang tingin na lang sila atsaka mukhang mayaman naman kayo kaya wala namang silang laban sa inyo." tapos nun ang ginulo ko ang buhok niya parang sign ng friendly greeting sa mga bata ang ginagawa ko.

"Salamat sa payo bata aalis na kami."

"Ako nga po si Jill at hindi na po ako bata 18 na nga po ako eh." pout na sabi niya." mukhang nagulat pa ang kasama ko at sinabi niya na.

"Ako nga pala si Veronica at siya naman si Kelly." tapos nag hi si Kelly kay Jill.

"Akala ko kasi 17 ka palang pero ayos lang na magmukha kang bata kaysa sa mukha ka namang matanda." nakangiting sabi ni Kelly pagka praise pa lang sa bata napaka prangka.

"Thank you po pero mga miss no doubt ang gaganda niyo mga model ba kayo." parang nag glow pa ata ang mga mata ni Jill ang cute.

"No were not models mga business women kami." sabi ko.

"Pagnagkatapos po ako ng pag-aaral gusto ko mag-aral ng business kagaya niyo po ang astig pa naman niyo kanina."

"Sige aasahan namin niyan ah aalis na kami." sabi ko at nakipagshake hands pa ako.

"Bye Jill aral ng mabuti ah." paalala naman ni Kelly.

"Opo mga ate kayo rin po magiingat sa byahe."

Paglabas namin sa karinderya, grabe pala kanina dapat pala nagbaon muna kami ng pagkain bago umalis kasi malayo pala ang bahay ni ninang Demetre edi sana walang halikang magaganap. Habang nag drive ako tahimik lang siya at ako siguro dahil sa nangyari kanina nararamdaman ko pa rin yung tension naming dalawa.

"Nagsisisi ka ba?" banat ng aking konsensya.

Yes nagsisi na nga ako, pero hindi ko makikilala ang mabait na bata na imbis na husgahan kami, tinulungan pa kami. Habang na ka focus ako sa byahe mga ilang oras ay malapit na kami sa bahay ni ninang. Hindi pa rin nagbabago ang lugar na ito kahit mga ilang taon na ako hindi nakapunta rito simula pagkabata.

"This is it come on mag gagabi na."

At mukhang na rinig niya ang sinabi ko kaya sumunod na lang siya. Tahimik ang paligid unti lang kasi ang mga tao rito halos lahat na sa maynila para makapag trabaho ng malaki ang sweldo at uso doon ang College kaya medyo ghost town ang lugar na ito.

At ngayon na sa harap na kami ng bahay ni ninang at nag doorbell ako.

"Saglit lang!" sabi ng may boses.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sunod naman pagbukas naman ng gate parehas kami nagulat.

"Gale/Ver!!" sabay namin ng sabi.

ME AND HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon