Nakalipas ng ilang araw simula nangyari yon. Ngayon magpapaalam ako kay mama papuntang Cebu para magbakasyon at sa ibang parte ng pilipinas, ang business si kuya muna bahala kasi parusa ko yon sa kanya. At ngayon na sa airport ako nagpaalam muna ako kay mama at kay kuya niyakap ko sila paalis na sana ako malas ko na man nandito rin ang babaeng yun.
"Ma ba't nandito to?" turo ko sa babae at ikinuot ang noo niya.
"Hoy hindi ako bagay no kung makaturo ka, parang wala akong pangalan ah."
"Ah si Kelly kasama mo siya sa bakasyon mo para atleast mag-enjoy ka, kaya nga the more the merrier nga eh." sabi ni mama at na annoyed ako.
"Ma gusto ko magbakasyon mag-isa hindi may kasama." protesta ko.
"Delikado anak kailangan mo pa rin ng kasama sigi ka magsisi ka niyan."
"Sigi na nga nandiyan na ang flight ko, kuya ah ingatan mo ang business kundi lagot ka sa akin pagbalik ko."
"Opo iingatan ko po." pambatang sabi ni kuya.
At itong babaeng to umupo pa naman sa tabi ko ng walang pasabi.
Pero mas ayokong katabi ang taong hindi ko kilala kaya no choice na lang na paupuin na lang siya. Don't get me wrong may trust issues pa rin ako sa kanya lalo na dahil hindi ko pa na figured out kung sino siya. Nagtataka ako bakit hindi pa nagtext si Clara halos magiisang linggo na. Na check ko ang phone ko pero ni isang message wala."Ineexpect mo may magtext sayo?" ngiting nakakaloko sabi ng katabi ko.
"No and just mind your own business." sabay tago ko ng phone.
"Impossible na babae mo ang magtext sayo kasi sa sungit mong yan tiyak na walang magkakagusto sayo."
"Excuse me? Sa tingin mo ba yan ang hinahanap ko." sa tingin niya ang hinahanap ko ngayon ay mga flings at dating. I can't imagine myself smiling and date a girl, habang iniisip ko yun lalo ako na frown.
"Ano yan iniisip mo, well kung hindi ka nagbago sa ugali mong yan walang magtatagal sayo kasi ang boring mo kasama, your no fun."
"Your no fun pala ha, bakit ka nandito kung boring ako? Pwede ka naman sa ibang pwesto at makipagdaldalan at bakit ka sumama sa akin pwede ka naman maghindi kay mama since, parang ikaw ang anak ni mama imbis na ako." well totoo naman yun simula bumalik siya sa pilipinas which is sinabi ni mama sa akin.
"I mean boring kaya atsaka wala naman akong work ngayon kaya sumama ako, kailangan ko naman ng kasama eh." depensa niya pero namumula na buong mukha niya. Hindi halata magaling siya magsinungaling no?
"Magsisinungaling na nga hindi pa ginalingan." bulong ko para siya lang naman ang makarinig at nakita ko sa mukha niya na sobrang pula parang magiging kamatis na.
"Parang ang natahimik ka ata, may na sabi ba akong mali?" inosenteng sabi ko sa kanya parang gusto kong matawa sa itsura niya, base sa mukha niya mukha talaga siyang natatae.
"Tumae ka kung gusto mo baka bumaho pa rito." sabi ko na lang sa kanya.
"Kapal mo, hindi ako natatae no?" sabay hampas niya sa braso ko. Pag ibang tao to baka masapak ko pa pero iba talaga ang epekto ng babaeng to napakaamo ng mukha pero wala sa ugali niya ang itsura niya. Pag ginawa ko yun mukhang ako talaga ang masama imbis na siya.
*
Ay salamat nakarating na kami, buti na lang tumahimik si Kelly kanina kundi ang ingay na namin, ang bunganga ng babaeng yun parang hindi babae kung magsalita. Buti pa ako, mahina lang ang tono ng boses ko pag siya may makikita talagang may nanood sa amin.
"Buti na lang ang tahimik mo, kung hindi kanina pa tayo pinagagalitan ng mga ibang pasahero."
"Hoy kapal mo! Tulungan mo nga ko rito at FYI hindi naman malakas ang boses ko ah." sabi niya habang hinihila ang gamit niya.
"Tsk sama sama pa eh ang dami mo na man dinala akala ko 1 week ka lang." sabi ko at kinuha ko na rin ang gamit ko. Don't ask kung bakit hindi ko siya tinulungan. Mukhang mas marami ang dala niya kaysa sa akin, mga babaeng straight naman.
"Hoy hintay ang bigat neto!"
"Hindi naman ako aalis agad nagtext lang ako sa driver natin sabi niya maghintay tayo sa gitna ng statue." yan napaliwanag ko na ang OA pala kahit hindi lasing ang babaeng to.
"Akala ko iiwan mo na ako mag-isa rito wala pa naman akong alam sa lugar na to baka maligaw lang ako." madramang sabi niya.
"Tsk maraming tao namamatay sa maling akala kaya wag kang magaakala kung gusto mo pa mabuhay."
"Grabe ka naman sobrang sama mo, naniniwala ka pa rin ba sa pamahiin na yan."
"Oo sa mga taong katulad mo epekto pa yan kaya mag-iingat ka." totoo naman kasi sa pag sobrang OA yung tao talagang malaking epekto yun sa kanila.
Hindi naman kami naghintay ng mahaba buti na lang nandito na ang driver namin at diretso kami ngayon sa mansion ni tito Alvin pinsan siya ni mama kaya dito muna ako magbakasyon tapos lahat ng ibang lugar sa bansang ito pupuntahan ko at pagnatapos yon sa ibang bansa naman. Pagpasok namin sa mansion sinalubong kami ng dalawang katulong na sila na raw ang magbuhat ng mga gamit namin papunta sa mga kwarto namin. At may narinig akong tunog ng yapak ng tao mukha pababa siya, pagbaba niya nakita kami ni tito Alvin.
"Veronica Its been a while, who is this woman hm?" sabi ni tito at ngumiti pa sa amin i mean sa kasama ko.
"Kaibigan lang siya ni mama, Kelly ang pangalan."
"Ang gandang babae ang galing ng taste mo." bulong sa akin ni tito kaya ikinamula ko dahil sa kahihiyan.
"Its nice to meet you po." sabay mano siya.
"Magalang kang bata buti ka pa may respeto sa akin hindi katulad ng sarili kong pamangkin ayaw magmano sa akin." padrama niyang sa akin.
"Sinungaling ka tito, ayaw mo nga magpamano dahil magmumukha kang matanda kahit matanda ka naman."
"Ouch that hurt me lots."
Totoo naman kasi hanggang ngayon hindi muna seryoso sa pag-ibig si tito ewan ko kung anong dahilan sabi niya wala lang.
"Tara na ihatid na kita sa kwarto mo." sabi ko out of nowhere.
"Ang bait mo ngayon ah may nakain ka bang candy habang na sa byahe tayo." ngising sabi ni Kelly ayan na bumalik na ang kinaiinisan ko.
"May bad news ako my dear niece." sabi ni tito habang kinakalikot ang mga daliri niya.
"My dear niece gross!"
"Grabe ka naman sa akin." pout ng sabi ni tito, sa totoo lang hindi bagay sa kanya magpout mukhang adik siya pag ganyan siya.
"Ano nga?" inip na sabi ko kasi parang may malalim na iniisip si tito.
"Hindi pa ayos lahat ng room ni rerenovate pa, except lang sa isang guest room."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."MAGKATABI KAMI!?" gulat na sabi ko.
"Edi ayos." pabulong na sabi ni Kelly.
"Anong sinabi mo?" walang mood na sabi ko.
"Wala sabi ko ok lang sa akin." parang hindi naman makatarungan ang sinasabi ng babaeng ito.
"Sige na magpahinga na kayo girls."
"NO!/Yes tito!" sabay sabi namin.
"I don't want to share a bed with anyone."
"Pero wala kang buddy hug enough lang kasi ng two pillows kaya yung isa sa iyo at yung isa naman kay Kelly." alam ni tito na kailangan ko ng kayakap bago matulog kasi hindi talaga ako sanay pag walang kayakap na unan so that means................................. PERO AYOKO NGA SIYA YAKAPIN PARA MAKATULOG AKO.........IHHH KAILANGAN KASI HINDI AKO MAKATULOG......PAANO NA YAN WALA AKONG OPTIONS. Magdudusa na lang ako mamaya.
Hays paano na to?