Chapter 1 Nice Meeting You

1.6K 99 316
                                    

Nice Meeting You

100 kilos! Mabigat na raw iyon. Panghandaan na. Baboy, pero huwag ka, 38-32-40. Sexy at maganda ang kurba.

Malaman lang ako pero hindi ako baboy gaya ng sinasabi ng iba riyan na inggit sa ganda ko.

I'm Pretty Diozza Gonzales.

Kaya call me Diozza, para diyosang-diyosa. Sabi kasi ng nanay ko na si Beauty Queen Gonzales, ako raw ang pinakamagandang sanggol noong ipinanganak ako. O, 'di ba! Iba rin ang nanay ko, magaling manghula kung gaano kaganda ang anak niya paglaki. Kanino ba naman ako magmamana, e 'di sa kanya.

Heto ako ngayon, lumalamon habang nagmomovie marathon sa theater room sa bahay. Nakaharap ako sa isang malaking screen, nakataas ang isang paa sa upuan habang nagkakamay na nilalantakan ang grilled chicken.

Hindi ako sinipot ng mga lukaret kong friends, kaya heto mag-isa akong kumakain sa mga pinahanda ko para sana sa kanila.

Siguro nagma-man hunting na naman ang mga lukaret kong kaibigan. Sinubukan ko noon na sumama. Pero ayun, not worth it. Ang beauty ko ay hindi para sa mga lalaking walang breed.

Pera-pera lang sila.
Tapos may gana pang mamintas. Buti sana kung mga guwapo mukha naman mga adik o kaya parang galing sa preso.

Hays!mas okay pa panoorin si Keanu Reeves na love ko. Hindi kasi nakakasawang pagmasdan ang mukha niya. Minsan nga pino-pause ko para lang matitigan siya at siyempre, para mahalikan. I will tell you a secret, ay! naku kinikilig ako...

Siya lang naman ang firts kiss ko. Ang yummy kaya ng lips niya. Yun lang flat at malamig! Hindi rin siya tumutugon. Pero okay lang, atleast siya ang nakakuha sa virgin kong lips.

Maharot! Charot!

Habang titig na titig ako sa malaking screen ay tumunog ang cellphone ko.
Tumatawag si Lucresia, ang isa pang loka-lokang kaibigan ko.

"Nabuhay ka?" Bungad ko sa kanya, pagkatapos kong ma-receive ang call niya. Pero infairness, namiss ko siya. Isang buwan kayang hindi siya nagparamdam sa akin.

"Best, puwede tambay diyan?" Pauna niyang tanong habang parang may kausap ding iba sa kabilang linya.

Wow, himala! Ano nakain nito at tatambay sa bahay? Oh well!

"Tamang-tama may mga pinaluto akong pagkain," sagot ko habang ninanamnam pa ang pagkain sa bunganga ko.

Yum-yum talaga.

"Great! may alak?" Nabilaukan ako sa narinig sa kanya.

"May malaki ka bang problema?" Uubo- ubong tanong ko. Nalunok ko yata pati buto ng grilled chicken. Mangiyak-ngiyak akong uminom ng tubig at muling pinagtuunan ng pansin ang kaibigan ko.

Nagdududa na talaga ako sa pagkawala niya ng isang buwan noon e.

"Loka, isasama ko yung pinsan kong broken hearted diyan. Painumin na lang natin diyan para hindi ko na i-baby sit sa mga club. Nakakapagod na e," mahabang paliwanag niya, may pabuntong hininga pa. Ang lakas kaya parang naihipan ng hangin ang teynga ko.

And O great! So ako naman ba ang magbababy sit gan'on?

"O, sige. Hintayin ko na lang kayo dito," kapagdaka'y pumayag ako. Wala naman akong ginagawa.

Ibinilin ko sa mga katulong na maglagay ng inumin sa maliit na bar sa theater room.

Pinahanda ko na rin sa kanila ang mga guestroom. Baka kasi doon na magpapalipas ng gabi si Cresh at pinsan nito.

Naghintay lang ako ng tatlumpu't minuto ay dumating na sila.

Halos lumuwa ang singkit kong mata nang makaharap ang pinsan ni Cresh.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon