Chapter 16 changes

321 49 37
                                    

Nag-stay ako kay Cresh ng dalawang araw. Hindi siya nagtanong sa akin noong naabutan niya akong pumapalahaw ng iyak sa sahig.

Hinayaan niya lamang akong magmukmok sa kanyang kuwarto.
Nagsorry lang siya dahil hindi niya sinabing nandoon ang pinsan niya.

Ewan ko kung nakahalata siya sa kung anong meron kami ng pinsan niya. Nagpapasalamat talaga ako na hindi siya kailanman nagtanong at tumahimik lamang siya. Kilala si Cresh, hindi puwedeng hindi niya alam pero ngayon, alam kong naiintindihan niya ang sitwasyong meron ako.

Gusto kong magkuwento sa kanya. Gusto kong ibagsak ulit sa kanya ang bigat sa dibdib ko. Ang sakit na nararamdaman ko.
Pero I'm not that ready. May ibang araw pa naman.

Sa school, medyo malungkot.
Nagtext sa akin si Mahinhin, aabsent daw siya.Wala pa si Eula at si Martha.

My eyes widened...pumasok si Martha. No! it's not Martha. Namamalikmata ba ako? Bakit naging Mart siya ngayon. Nakaplain t-shirt ito at maong na pantalon. Walang kolorete sa katawan at mukha.

Ngayon ko lang din napansin, kung may pagbabago sa katawan ko, meron din si Mart. Nagkalaman na ito. Hindi na patpatin. At lalaking-lalaki ang dating.

I've been busy with my own problem anyway kaya siguro hindi ko siya napagtuunan ng pansin. Hindi ko na rin naman alam kung nagpatuloy siya sa paggy-gym.

Naupo siya sa tabi ko.
I'm still in shock!

"Iyang bunganga mo isara mo baka pasukan ng langaw!" Lalaking-lalaki na saway niya sa akin. Hindi mababakas ang pagiging bakla sa pananalita niya.

"What happen to you?" tanong ko noong makabawi sa gulat.

Nagkibit-balikat ito.

"Noong Friday, May pitik ka pa ah...ngayon..."

"People change for a reason Diozza. At hindi lang ikaw ang puwedeng magbago!" bara niya sa sasabihin ko pa sana.

Naiyak ako bigla.
Literal na humagulgol ako.

"Hey, baka sabihing pinapaiyak kita rito. Baka jombagin ako ng jowa mo!" pang-aalo niya sa akin.

Iyong iyak ko biglang naging tawa.
Jombagin talaga? Bigla akong napayakap sa kanya.

"Ikaw pa rin naman ang bestfriend kong lalaki di ba?" Nakalabi kong saad. May luha ulit sa mata.

Yumakap din siya sa akin.

"Ako pa rin ito Diozza."

Napabitaw lang ako kay Martha este Mart noong dumating si Adonis.

Naupo ito sa dating inuupuan.
Dumating na rin si Eula na halos hindi matigil sa kasusulyap kay Mart.
Hindi nga lamang siya makapagtanong dahil nag-umpisa na ang klase namin.

Feeling ko napakadaming nagbago sa limang buwan. Sa paligid ko, sa taong nakakasalamuha ko, mga kaibigan ko, at sa aking sarili mismo.

Iyong dating magkasangga at magkavibes na si Mart at Mahinhin ay parang nag-iiwasan na. Si Eula ay medyo tumahimik na rin at nagseryoso sa pag-aaral.

Si Bryan at mga barkada nito ay laging nakikihalubilo sa amin. Naging extra papansin din ito sa akin.
Ewan ko ba? Mukhang pinagti-tripan yata ako ulit. Pero hindi uubra sa akin ang papansin effect niya.

Si Adonis at Crystal?
Masakit man sa mata na makita silang magkasama, tinanggap ko na.

Mas binigyan ko na lamang ng atensiyon ang aking sarili.
Na ikinatuwa ni mama.

"Tara anak magpabelo tayo tapos shopping." yaya niya.

Inirapan ko lamang si mama. Wala ng ginawa ito kundi magpaganda at magshopping ng kung ano-ano.

Kailan lang nung umuwi ito at nagpabanat ng mukha. Ano na naman kaya ang balak ipagawa nito ngayon?

Nagkibit balikat na lamang ito noong hindi ako sumagot. Akala ko tatahimik na siya. Pero pagdating niya mula sa maghapon na nasa labas ay binulabog niya naman ako mula sa aking pananahimik sa kuwarto.

"Come here hija, I have something for you." Excited na tawag niya.

Ibinaba nito ang mga bag sa mesa ko.
Mga lima siguro iyon. Binaba ko ang aking tab at sinulyapan ito.

"Look at this, its pretty!" inilabas niya mula sa bag ang isang pulang dress.
"Bagay na bagay sa iyo ito."

"I dont need it ma," iritado kong saad. Naupo ako mula sa aking pagkakadapa.

"Ewan ko sa 'yong bata ka, noong sobra ang katabaan mo, halos maging suman ka na sa mga sinusuot mong hapit sa katawan mo. Ngayon namang lumiit ang size mo ni hindi ka magsuot ng seksi! Aanhin mo iyan kung hindi mo irarampa!"

Napabuntong hininga ako.

Yes I've changed a lot. Naging sa pananamit ay nagbago. I still wear dresses, skirt or short pero in not so daring way.

"Just leave it there mom. I will wear them if I'm in the mood." I smile at her as she look at me disappointed.

"Thanks mom. I love you!" dagdag ko.

Wala siyang nagawa kundi ang umalis sa kuwarto ko. Mom and I are not that close. Kahit kami pa nga ang magkasama sa buong buhay ko.

She's not that kind of a mother na aaluin ka kung upset ka or kakampihan ka kung may nakaaway ka. Kaya siguro ako lumaking matatag despite of the bullying I experienced.

Wala lang sa akin ang mga iyon.
Pero iba na pala kung talagang umibig ka na. Unti-unting nabubuwag ang katatagan ko nang dahil sa nararamdaman ko.

Sa school...

"Let's party later. Wala naman tayong klase bukas," anyaya ko sa kanilang tatlo. Friday nang hapon iyon.

Nasa room kami at naghihintay sa huling professor sa huling klase namin.

"Let's go." Pagsang-ayon ni Eula.

Tinignan ko si Mart at Mahinhin.
Tumango lamang sa akin si Mart.

"I can't, sorry," tugon ni Mahinhin.

Napakunot noo ako. "Nag-iiwasan ba kayo? Anong problema niyong dalawa?" Tumaas ang boses ko sa kanilang dalawa ni Mart.

Biglang umilap ang mga mata sa akin ni Mahinhin. Si Mart ay nagbusy-busyhan sa pag-aayos ng kanyang gamit sa bag.

Hinawakan ako ni Eula para pigilan.

"May nangyari ba na hindi namin alam? So ano to? Lihiman?" nagtatampo kong saad.

Pero napatigil ako noong magkatitigan kami ni Adonis. Galing siya sa labas. Tapos naalala ko pang naglihim din pala ako sa kanila.

Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal.sa kanya lalo pa at mataman siyang nakatitig sa akin.

May pag-alala sa kanyang mga mata.

"Walang lihim o problema Diozza. May importante lang talaga akong lakad. Babawi ako next time. Sa ngayon kayo na lang muna." paghingi ng paumanhin ni Mahinhin.

Tumahimik na lang ako.
Wala naman akong magagawa. Ipagpipilitan ko ba ulit ang gusto ko.

Unti-unting bumuhos ang mga luha ko. Nakatingin ako sa baba para hindi nila makita. Nang biglang may naglapag ng panyo sa aking mesa.

Nang tumingala ako. Likod ni Adonis ang nakita ko palayo sa aking upuan.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon