Chapter 37 End

386 10 8
                                    

It's been three months simula noong tinakbuhan ko ang lahat at nagtago. Mag-aapat na buwan na rin ang tiyan ko at medyo halata na ang umbok nito. Dahil nga mataba ako, ang nakaraang buwan ay para lamang baby fat iyon.

Nasa parke ako ngayon at nagpapahangin. Malamig ang hangin dahil tagsibol dito ngayon sa Canada, kung saan ako napadpad. Nakapamasyal na kami dito noon ni mama, sa kanyang kapatid. Noong nagpaalam ako kay mama at papa ay agad nila akong pinayagan. Walang tanong-tanong. Binigyan ako ng pera at umalis ako na hindi sinasabi kung saan ako tutungo. I always contact them at sinasabing okay lang ako. Naki-usap ako sa kapatid ni mama na huwag sabihing naroon ako.

Kaya lamang ay alam na nila na buntis ako. Kaya halos walang araw-araw akong kinukumbinsi bi maa na umuwi na. Paano nila nalaman? Iyon daw ay noong sumugod si Adonis makaraan ng isang linggo na pagkakawala ko. Sinabi ni Joseph sa kanya ang kalagayan ko.

Akala ko pagtatakpan ni Joseph iyon, akala ko mas gugustuhin niya ang paglilihim ko at ang pag-alis. Nagkamali ako sa paghusga sa pagkatao niya.

Napabuntong hininga ako. Araw- araw kong namimiss si Adonis. Araw-araw akong nangungulila sa presensiya niya.

"Kamusta na kaya ang Daddy mo, baby? Ayos kaya siya? Hinahanap pa rin kaya niya tayo? Hmmm baka hindi na ano?" Kinakausap ko ang aking anak sa loob ng tiyan ko habang hinahaplos ito. Baka nga nakalimutan na kami ni Adonis. Sabi ni Mama ay tumigil na ito sa pagpunta sa bahay nitong nakaraang buwan.

"Kung namimiss ako ng mommy mo, bakit niya ako iniwan? Bakit siya tumakbo at nagtago? Bakit hindi man lamang niya sinabi na darating ka na sa buhay namin?"

Nanlaki ang mata ko sa isang baritonong boses mula sa aking likuran. Sobrang pamilyar na napakabig ng husto sa aking puso. Bantulot akong napalingon, nanginginig ang aking mga kamay na pumihit paharap.

Napakurap-kurap ako. Ewan ko kung namamalikmata ako o nababaliw na talaga. Dahil ba sobrang miss ko na si Adonis kaya ko siya nakikita ngayon.

Pero palapit siya sa akin. Parang may lumamutak sa aking sikmura habang nakatunghay sa kanya. Mas naging guwapo ito at professional tignan sa suit na suot.

I close my eyes as tears roll out in my eyes. Baka kasi pagmulat ko ay wala na ang lalaking miss na miss ko. Pero pagmulat ko naroon pa rin siya. Matamang nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang reaksiyon niya. Mukha siyang galit pero ang mga mata niya ay nagpapahiwatig ng pagmamahal.
Tinititigan niya ako katulad ng mga titig niya sa akin noon.

"Adonis!" Anas ko. Parang punong-puno ang aking dibdib. Napupuno ng kasiyahan.

"I found you!" He murmur as he is very close to me. Umihip ang malamig na hangin kasabay ng malakas na pagtahip ng aking dibdib. Patuloy ang pagluha ko noong hawakan niya ang pisngi ko at punasan ang mga luha doon. Mukah siyang pagod na pagod. Hinawakan ko rin siya sa mukha nang makita ko ang sumilay na butil ng luha sa gilid ng mga mata niya.

"Nandito ka ba talaga?" Nauutal at garalgal ang boses na tanong ko. Kung nananaginip ako ay ayoko nang magising. Kasi, ang buwan na malayo sa kanya ay parang impiyerno. Ayaw ko nang bumalik muli roon.

Pumikit siya at dinama ang malamig kong kamay. Hawak-hawak pa rin niya ang pisngi ko at pinipisil-pisil niya ng bahagya.

"I miss you," sambit niya mula sa pagkakapikit. "I miss you badly that I want to punish you right away!" Banta niya na hindi ko ikinatakot. Totoong nandito nga siya. Nandito ang Adonis ng buhay ko.

Kinabig niya ako payakap sa katawan niyang yummy pa rin hanggang ngayon. Sinamyo ko ang kanyang mabangong amoy. Isiniksik ko ang ulo ko sa kanyang kili-kili.

"Let's go home so I can pusnish you right away." Bulong niya sa akin. Bakit kinasabikan ko pa ang parusang sinasabi niya. Iba kasi ang pumapasok sa kukote ko eh. Ang laswa!

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon