Chapter 8 Change

356 65 79
                                    

Nag-half day lang ako sa school at umuwi nang hindi nagpapaalam.
Ayaw kong makita ako nila Martha lalo na si Adonis na mugto ang aking mga mata. It sucks! Kahit ano pa lang tatag ko, hindi ko pa rin mapigilan ang umiyak.

Walang humpay ang text at tawag sa akin lalo na si Adonis. Binagsak ko ang aking katawan sa kama. I close my eyes when my cellphone start to ring again.

Nagdalawang-isip akong sagutin iyon.
Si Adonis kasi ang tumatawag.Pero kung 'di ko sagutin baka akala niya iniiwasan ko siya.

"Hello." pilit kong pinasaya ang boses ko.

"Where are you? You cut class? Are you okay?" Sunod-sunod niyang tanong. Nahihimigan ko ng pag-alala ang kanyang boses na lalong nagpakirot sa puso ko.

"I'm okay. Umuwi na ako. Masakit lang ang ulo ko,"sagot ko sa kanya. Muling tumulo ang luha.

"Sinabihan mo sana ako para naihatid kita. Nag-aalala kami dito. You didn't come back at 'di ka namin mahagilap." may tampo sa tono nito.

"I'm sorry, but really I'm okay now. Magpapahinga lang ako." nagpahid ako ng luha at pilit pa ring pinapasaya ang tonong sabi ko.

"Are you sure? Iyon lang 'yun? Walang anumang problema?" makulit niyang tanong kahit pa halos gusto ko ng ibaba ang cellphone.

"Iyon nga lang!" I sound irritated now. Ang kulit!. "I'm hanging up. Bye!" Binabaan ko siya agad ng phone bago pa siya makapagsalita .

Hindi na naman mapawi ang luha sa aking mga mata. Hindi na maubos-ubos ang luha ko. Kajit anobg pilit kobg kalimutan ang sakit, wala e, umaatake pa rin!

Nakatulugan ko ang pag-iyak. Nang maramdaman ko na may mainit na palad ang humahaplos sa akibg pisngi. Parang panaginip dahil.kahit nakapikit, alam ko kung sino iyon.
Nagmulat ako.

"Adonis?" Kumurap-kurap ako baka kasi namamalikmata lang ako lalo pa't kagigising ko lang.
Still, he was there staring at me. Kaya napabalikwas ako paupo.

"Why you're here?" Gulat kong tanong. Kinusot ang aking mata.

"Checking on you." He was intensely looking at me. Walang kakurap-kurap na pinag-aaralan ang reaksiyon ko
"Ganoon na ba kasakit ang ulo mo na iniiyakan mo pa even in your sleep?" Umusad siya para mas lumapit sa akin.

Umiwas ako ng tingin.

"Hindi naman ako umiyak."tanggi ko kahit pa alam kong may bakas ng luha ang pisngi ko.

"Don't lie, you have tears in your face," sabi niyang umusad pa palapit sa akin.

Napatayo ako bigla

"Anyway, sinong nagpapasok sa iyo?" Umiwas ako sa kanya. Nagkunwari na lang ako na may hinahanap.

Napahugot siya ng malalim na buntong hininga.

"Your mom let me in," sagot niya na nagpalingon sa akin sa gawi niya.

Napasimangot ako. Si mommy talaga.

"I'm okay now. You can go home." Pagtataboy ko. I saw him sigh again. Like he wants to tell me something. Tinatamad na tumayo.

"Okay, I'm going," sabi niyang humakbang na palapit sa pinto. "By the way, I brought you balut. Nandiyan sa mesa." As he close the door.

I close my eyes.

"Don't do this please. Huwag mo na akong alagaan. Huwag mo na ako pakitaan ng maganda. Don't make me fall in love with you more, please...it hurts." Napasalampak ako sa sahig at umiyak.Why its hurt to love someone.
Someone that you can't have. Over confidence ba ako na inakala kong hindi ko iiyakan ang isang lalaki, na kailanman ay hindi ako masasaktan?
I can't get over this hurtful feeling. This pain na unti-unting nagpapabago sa pagkatao ko. At iisnag tao lang ang nakakagawa sa akin nito. At iyon ay si Adonis.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon