Special Chapter

499 18 3
                                    

Adonis Pov

Humanda talaga sa akin itong babaeng nasa tabi ko ngayon. Napangisi ako sa aking sarili dahil nakasimangot siya habang patuloy ang seremonyas sa kasal namin.

Hindi ko na kasi napaghandaan ang pang-beauty niya. Inuna ko kasi na makalap lahat ng taong importante sa aming dalawa.

Isa pa, ang tagal kong naghanap sa kanya. Halos mahalughog ko na ang buong Asia para hanapin siya. Halos mabaliw na ako kaiisip kung saan siya nagtago. Iyon pala, dito lamang siya.

Tinitigan ko siyang mabuti habang mataman siyang nakikinig sa pari kahit nakabusangot. Napangiti na ako dahil siya pa rin talaga ang Diyosa ng buhay ko. Ang Diozzang minahal ko at minahal ako kung sino ako.

I love everything about her. At wala akong babaguhin doon. Hindi ko kailanman hahayaang baguhin niya ang kanyang sarili. Doon ako na-in love. Doon ako nahumaling sa kanya at nahulog ng husto. Mahal na mahal ko si Diozza.

Naalala ko tuloy ang unang tagpo naming dalawa.

Hinila ko ang kamay kong inamoy niya. Ang weird ng kaibigan ng pinsan ko. Nakakatakot ang mga ipinipukol niyang tingin sa akin. Para niya akong sasakmalin anumang oras.

Wala pa naman akong ganang lumaban ngayon kaya baka maging willinhlg victim lang ako kapag nagkataon.

Tinawag ko si Cresia na pinsan ko.

"Akala ko ba mag-iinuman tayo. Bakit parang ibinubugaw mo ako kesa painumin?" Tanong ko kay Cresh na napailing. Agad naman niyang nilapitan ang kaibigan niyang pakindat-kindat pa sa akin.

Maganda siya. Malaman pero hindi naman nakabawas iyon sa ganda niya. Iyon lang ang weird niya talaga. Malandi na parang hindi naman. Ha! Ewan.

Uminom lang ako nang uminom. Wala akong paki-alam sa mga kasama ko. Wala e, masakit ang puso ko. Akala ko kasi naiintindihan ako ni Crystal at ang sitwasyon ko. Pero hindi pala, hiniwalayan niya ako dahil mas ginusto.l kong mamuhay ng mahirap. Gusto kong kumayod at kumita sa sarili kong  pamamaaraan.

Sa umpisa, sinuportahan niya ako. Pero hindi soya nanatili. Iniwanan din lang ako dahil hindi na niya kaya. Ayaw niyang maghirap.

Madali akong malasing sa totoo lang. Kaya naman hindi ko namalayan kung ano ang nangyari sa gabing iyon. Nagising na lamang ako na may mabigat na nakadantay sa aking hita.

Maliwanag ang buong kuwarto dahil hindi napatay ang ilaw. Kaya naman paglingon ko sa aking kaliwa, bumulaga sa akin ang mukha ng ipinakilalang Diozza ng pinsan ko.

Natawa ako dahil nakabuka ang bibig nito habang tulog na tulog. Nakangiti akong dahan-dahan na inaalis ang paa nito sa hita ko. Pero takte! Mas niyakap niya ako at idinikit ang katawan sa akin.

"Pagkain o boyfriend?"

Nakunot ang noo ko nang marinig ko siyang magsalita. Muli ako lumingon sa kanyang mukha na ngayon ay malapit na sa mukha ko.

"Hmmm, puwedeng boyfriend na may pandesal?" sagot nito sa sariling tanong. Lumawak tuloy ang ngiti ko sa labi. Ang cute niya. Sarap din lamutakin ang pisngi niya.

Ngayong napagmasdan ko siya, hindi lang pala siya maganda. Parang may kung anong puwersa na humihila sa akin na titigan siya. May kakaiba akong nararamdaman pagdating sa kanya. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko, kahit na halos hindi na ako makahibga sa bigat niya.

Nagpasya akong sundan si Crystal. Gusto kong muling maayos ang pagsasama namin. Hindi naman niya siguro basta-basta itatapon na lamang ang pinagsamahan namin. May plano na rin na kasal pero naudlot iyon dahil na rin sa katigasan ng ulo ko.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon