Maaga pa rin akong pumasok. Inisip ko na lang na siguro ay lowbat siya kaya hindi nakapagtext sa akin.
Halos naging giraffe na ang leeg ko kakalingon dito at doon. Wala pa kasi si Adonis samantalang maaga naman itong pumapasok."Oh my Gosh!" Bulalas ni Martha na lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kuwintas sa aking leeg.
"Is this real? Wow huh, ang ganda!"
Lumapit na rin si Mahinhin at Eula.
I am wearing a v-neck t-shirt kaya litaw ang kuwintas na bigay ni Adonis sa akin."Saan kayo pumunta kahapon?" Naniningkit ang mata ni Mahinhin na parang may iniisip na masama. O malaswa.
"Kumain."
Mas lalong naningkit ang kanyang mata.
"Eh bakit wala pa si Adonis?"
Napipilan ako. Paano ko ba sasabihin at ipapaliwanag ang mga pangyayari.
Pero teka nga, pinag-iisipan ba kami ng masama. Tinaasan ko ng kilay si Mahinhin."Huwag mo akong igaya sa iyo ha!wholesome ito," natawa na lang siya sa turan ko.
Nagsimula.na amh klase namin pero walang Adonis ma nagpakita.
Kinakabahan na ako.Dalawa lang naman iyon e, kinalimutan na niya ako dahil okay na sila ni Crystal.
Nakakatampo lang 'yung ganon, dapat nagtext siya ng goodbye my fake girlfriend. Hindi na kita kailangan. Kami na ulit ng taong mahal ko.
Ouch!!O baka kung may anong nangyari na sa kanya.
Nangilabot ako. Mas gugustuhin ko na lang yung unang option. At least makikita ko pa siya galit man ako.
Mas naging matamlay ako sa umagang iyon. At itong si Mahinhin, ang laswa pa ng naiisip. Nasobrahan daw kaya matamlay ako at napagod si Adonis kaya hindi nakapasok! Napakamahinhin talaga nito, pati utak napakamahinhin! Ang galing lang ng imahinasyon.
Kung hindi lang masama ang pakiramdam ko na jombag ko na ang lukaret na ito. Nakakapikon pa naman ang ngiting aso nito na para bang tama ang naiisip niya. Ang berde ng utak, juice ko po!
Palabas na kami sa classroom noong mamataan ko si Bryan kasama ang mga kaibigan niya. Naalala ko ang jacket na isasauli ko kaya kinuha ko iyon agad sa bag ko. Nagpaalam ako kila Martha at agad lumapit sa grupo nina Bryan na nakatumpok sa may labas ng room nila.
Agad niya akong nakita na palapit kaya sinenyasan niyang tumahimik ang mga lalaking kasama.
Lumingon sa akin ang mga barkada niya. Nginitian nila ako at binigyan ng daan para makaharap si Bryan.Weird pero parang with respect nila ako ngayon kung tratuhin.
Wala akong makitang pangungutya sa mga mata ang ngiti nila. Para pa ngang nahihiya sila eh. Napalingon tuloy ako kila Martha. Nakamasid lang sila sa akin."Thank you sa jacket mo." Inabot ko ang jacket niyang maayos ng nakatupi. Agad niya itong inabot. Napapitlag ako dahil nahipo niya ang aking mga kamay pagkakuha sa jacket.
"You're welcome. " malawak ang ngiti niya sa akin na para bang wala kaming masamang nakaraan. Sabagay, medyo nakalimutan ko na man na ang pagtawag niya sa akin ng porky! Wala na iyon sa akin!
Bakit parang gustong umusok ng ilong ko sa naalala.
Tipid na lang akong ngumiti at magpapaalam na sana.
"Tapos na klase niyo?"tumango ako sa tanong niya. "Can I invite you for a snack then?"
Tatanggi sana ako nang biglang may pumulupot na braso sa aking beywang. Hinila pa ako palayo kay Bryan at palapit sa katawan nito.
Isang tao lang naman ang gumagawa sa akin ng ganoon. And my body is reacting to his touch."No, she can't!" Siya na ang tumanggi sa alok ni Bryan.I know Adonis is not happy. Mukha siyang galit noong lingunin ko.
May nangyari ba?Nakita ko ang galit na ekpresyon ni Bryan. At ang mga masamang tingin ng barkada nito. Pero mas kinilabutan ako sa galit ni Adonis.
"Thank you ulit sa jacket Bryan." Hinila ko na si Adonis bago pa man may mangyaring gulo.
Nakarating kami sa hindi gaanong mataong lugar sa school. May ilan lang tao pero mga busy sa ginagawa.
"Bakit mo kinakausap ang gagong iyon?" he is really angry. Pero mas kapansin-pansin ang pagod nitong aura.
"Isinauli ko lang ang jacket niya! Nahintuan niya kasi ako kahapon habang umuulan. I'm wet kaya pinahiram niya 'yung jacket." mahinahon kong paliwanag.
"Sumama ka sa lalaking iyon? For Pete's sake Diozza," Sigaw niya. I know his frustrated dahil siguro sa nangyari kay Crystal pero bakit sa akin niya binubuhos iyon! Bakit sa akin niya ibinubunton ang galit niya.
"Sandali nga? Anong masama sa pagsama ko sa kanya? Nagmagandang loob lang iyong tao,Adonis. Ayaw kong sumakay pero kung hindi dahil sa kanya malamang stranded ako doon at hindi nakauwi!" Hindi ako galit pero nakakatampo na sa akin niya ibinubuhos ang frustration niya. Sana pala hindi na lang muna siya nagpakita. Mas dinadagdagan niya lang ang sama ng loob ko.
"That's why I told you, ihahatid muna kita. Pero nagpipilit kang mag-stay. You told me that you will text manong Ben. If I knew na hindi ka pala magpapasundo ay hindi ako umalis!"
Like what?
"Kasalanan ko bang nalowbat at hindi makapagtext! Isa pa hindi mo kailangan magstay sa akin dahil mas kailangan ka ni Crystal!" Iyong pasensiya ko konting-konti na lang. Sasabog na ako na parang bulkan!
Anong ipinaglalaban ng lalaking ito?
E kung sana nagseselos maiintindihan ko pa!
Kaya lang ayaw kong maging assumera. Maging feelingera."Isa pa, bakit kita pipigilan puntahan siya. Alam ko namang gustong-gusto mong mapuntahan siya agad!"
Kinilabutan ako sa mas matinding galit na ipinakita niya. Parang may nakanti akong switch. Mas mauuna pa yata siyang sasabog.
"Ayaw kong pumunta pero pinagtulakan mo ako. You're the one insist I should go kahit pa ayaw kong iwanan ka. You're my responsibility pero anong ginawa mo? Now tell me? Iyon lang ba talaga dahilan mo o dahil gusto mo talagang ma-hitch..."
Malakas na sampal ang pinadapo ko sa kanyang mukha. Halos mamanhid ang mga kamay kong ginamit para masampal siya.
"Ganyan ba ang tingin mo sa akin Adonis? Naghahabol sa lalaki. Desperada! Alam kong walang magkakagusto sa akin dahil sa itsura kong ito pero masyado mo naman akong dinodown! Hindi ako kaladkaring babae. Hindi man totoo ang relasyon natin, I've been very loyal and honest! Hindi ako kagaya ng Crystal mo!"
Binuhos ko lahat ng lakas ko para itulak siya at umalis na nang tuluyan.
He's calling my name pero hindi ko na siya pinansin.
BINABASA MO ANG
Confidently Beautiful (Completed)
RomanceHoy baboy. Tabatchoy. Piggy, oinky. Itawag na sa akin lahat. WALA AKONG PAKI! Spell that out! E so what kung mataba ako. I'm beautiful and sexy. Sexy on my own way! Ako si Diozza. Diyosa ng ganda, diyosa ng kaseksihan. Diyosa ng kakapalan ng mukha...