Chapter 5 Boyfriend

508 82 277
                                    

Boyfriend

"Kaya mong sumakay?" Tanong sa akin ni Adonis. Nasa harap kami ng isang motor. Luma na ito pero halatang alaga.

"Hindi kaya ma-flat iyan kapag sumakay ako?" Tanong ko. Hindi dahil mataba ako mga besh ha! Siyempre ang lola ninyo first time sumakay ng motor. Tapos 'yung gulong ng motor niya, ang papayat. Nainggit tuloy ako sa gulong.

Tinaasan ko siya ng kilay nang bigla itong humagalpak ng tawa.

"Hindi," he said as he still laughing hard. Ginawa na akong katatawanan ng gago.

"Sakay na. Ihahatid na kita."

Alangan pa rin muli kong sinipat ang motor.

"Nandidiri ka ba? Sanay ka kasi sa kotse eh!" biglang naging seryoso ang lalaking ito! Mukhang nagtatampo.

"Hindi ako nandidiri! Eto nga sasakay na. Siguruhin mo lang na maiuuwi mo ako. Baka 'di pa tayo nakakalayo, pumutok na ang gulong mo!" pagalit kong sabi bago sumakay. Lumundo nang kaunti kaya napakapit talaga ako sa kanya. Natatawang binigay niya sa akin ang isang helmet na agad kong isinuot. Tinulak ko siya sa balikat.

"Tatawa-tawa ka diyan!"

Nasa ganoong kaming naghaharutan noong dumaan ang kotse ni Bryan sakay silang dalawa ni Crystal.
Sumipol ito.

"Woah, kawawa naman iyang sasakyan ninyo. Ingat na lang!" sigaw niya habang nilalagpasan kami.

Hindi kami umimik ni Adonis. Nagkatinginan lamang kami, tipid ko siyang nginitian. Pinaandar niya na ang motor .

"Kumapit ka." utos niya

Kahit hindi niya sasabihin kakapit talaga ako. Ayoko ngang mahulog.
Masakit kaya!
Parang love lang, kapag hulog na hulog ka na may possibility na masaktan ka! Buti sana kung saluhin ka 'di ba?

Sa awa ng Diyos, nakauwi naman ako nang ligtas. Walang isa mang gasgas . Kahit pa nga pinaglokoko ako ng kasama ko. Paano kasi, may times na binibilisan niya ang patakbo. Ayan tuloy, kapit na kapit ako sa kanya!

Parang 'di naman gusto, eh halos tumalon na ang puso ko sa kilig!

"Pasok ka muna," anyaya ko sa kanya kahit alam ko naman na tatanggi siya. Okay naman na hindi na kami magkunwari, wala naman nang ibang nakakakita sa amin.

"And we need to talk!" Seryoso niyang saad na nauna pang pumasok sa bahay.

Nakalimutan kong mag-uusap pala kami. Sign of aging mga beh!
Napatakbo ako bigla paloob ng bahay nang marinig ko ang isang sigaw.

"Ano'ng nangyari?" Humahangos kong tanong. Pero agad din akong napasimangot nang makita ko si mama habang nasa harap na ni Adonis , sinusuri at pinipisil-pisil ang katawan nito.
Naku mama, hindi ko pa nga napipisil iyan inunahan mo na ako!Padabog at halos lumindol sa bigat ang padyak ko palapit sa kanila. Hinila ko si Adonis mula kay mama at pinandilatan si mama.

"Ma?" I gave her " akin yan look"

"Anak? Bakit may guwapo kang kasama?"

Narinig kong tumawa si Adonis kaya siniko ko ito.

"Ma, doon lang kami sa kwarto ko may pag-uusapan kami." Hinila ko si Adonis patungo sa kuwarto ko.

"Bakit sa kuwarto mo anak? Pwede naman sa sala?" paghabol na tanong ni mama. Mas lalo ko tuloy siya pinandilatan ng mata.

"May istorbo kasi Ma!" Sabi ko na siya ang pinaparinggan.

Hinila ko si Adonis sa aking kuwarto. Sorry mga beh, aggresive ba? Landi ba tignan dahil sa kuwarto ko talaga dinala? Eh kasi rarape-in ko na talaga. Hindi na lasing at willing naman sumama eh.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon