Lovers quarrel, iyon ang pagkakaalam ng mga nakakakilala sa amin ni Adonis. Hindi lang nila alam na walang love sa hindi namin pagkakasundo. I mean, ako lang pala ang nagmamahal.
Sa araw din na iyon kumalat ang balitang nag break na daw si Crystal at Bryan. Kaya daw na hospital si Crystal dahil sa pagtatangka nitong magpakamatay.
Galit naman ang naramdaman ko kay Bryan sa pagkakataong iyon. May gana pa siyang makipagtawanan sa kanyang barkada samantalang may nasaktan siyang babae at halos mag pakamatay na.Kami ni Adonis. We became civil as we still don't know how to deal with each other.
He's busy catering to Crystals needs too."Hanggang kailan kayo ganyan?"si Martha na malungkot. I know they are concern to both of us.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko just to suppress my feelings.
"Bati na kayo, namimiss na namin yung dating kayo." Si Eula na maluha luha na rin.
"Oo nga, huwag ka na magselos. Isipin mo nalang na kailangan lang ni Crystal ng kaibigan kaya nandoon si Adonis," aniya ni Mahinhin, medyo may taray pa rin ang pananalita.
I want to tell them. Ipaliwanag ang sitwasyon pero nahihirapan ako. I don't want them to judge me. Baka pati sila mawala sa akin. I really can't imagine without them by my side. Maloloka ako, ganun sila kahalaga sa buhay ko.
"Puntahan natin sila sa hospital. Dalawin natin."suggestion ni Martha. Umiling ako. Ngunit sumang ayon agad ang dalawa. Ayaw ko sana pero pinilit nila ako.
Dala ang isang fruit tray. Tinunton namin ang kwartong sinabi ng nurse.
Dahil excited si Eula na makita si Adonis. Hindi na ito kumatok bago pumasok.
Kung gulat kami, gulat din sina Adonis at Crystal na makita kami.
Lumayo ng bahagya si Adonis mula sa pagkakayakap kay Crystal.I have to hold my feelings. I hold the tears, inilayo ko ang tingin sa kanilang dalawa.
"Hi Crystal. Kamusta ka na?" Alangang bati ni Martha. Awkward kaming lahat sa loob ng silid.
Ngumiti sa amin si Crystal habang mailap ang mga mata ni Adonis sa akin. Kapagdaka'y nagpa alam ito para asikasuhin ang bill ni Crystal.
"Napadalaw kayo?" Mataray na tanong ni Crystal sa amin pagka alis ni Adonis.
Lumapit kami. Inilapag ni Mahinhin ang fruits basket sa side table.
"Siyempre, kaibigan ni Adonis na boyfriend ni Diozza, kaibigan na din namin!" diniinan pa ni Martha ang salitang boyfriend. Medyo nataranta ako dahil nakakaamoy ako ng hindi magandang pangyayari.
Umilap ang mga mata sa amin ni Crystal.
"I dont need any friend, Adonis is enough!" Mataray nitong saad.
Napabuntong hininga ako, babaeng ito, nasa hospital na't lahat, mataray pa rin.
Hay naku! Papatulan talaga kita kung 'di kalang nakahiga diyan.Pinisil ko ang kamay ni Mahinhin ng maramdaman kong nanggagalaiti siya sa galit. Parang gustong sumugod.
Kung wala kami sa hospital,malamang kanina pa pinatulan ng mga kaibigan ko ang pagtataray niya.
Plastic na tumawa si Eula.
"Napakabait talaga ni Papa Adonis no? Saan ka pa nakakita ng ganito kabait na lalaki pero niloko at iniwan lang!"
Oopss akala ko hindi papatol sina Eula, pero hala eto na.
"Guys tara na.",tarantang yaya ko sa kanila. Nag aapoy na ang mga mata sa galit. Baka kung anobg manguari kay Crystal, kasalanan pa namin. Kaya hindi ko siya papatulan ngayon.
"Look girl, we are being nice here. Wala kaming intensiyon na guluhin ka pero inuumpisahan mo kami eh!" si Mahinhin na nakapameywang pa. Hinihila ko siya palabas. Iwinaksi nito ang kamay kong humawak sa kamay niya tsaka ako tinitigan ng masama.
"What ever! I don't want someone plastics like you all!" Sigaw niya sa amin. Like iba ang aura nito. Naisip ko noon na napakainosente ng babaeng ito. Parang anghel, mahinhin kumilos, pero lumalabas na ang baho ng ugali.
Pinag tutulakan ko ang aking mga kaibigan palabas. Baka kung mapano pa si Crystal.
Sabi ko na nga ba eh. Hindi magandang idea ang pagdalaw namin.
"Diozza!" Tawag niya sa akin. Nakalabas na kami sa pinto.Ayaw ko na sana siyang lingunin pero nirerespeto ko pa rin naman siya bilang tao.
"Remember our deal? May the best woman win right! I won! Bumalik na si Adonis sa akin. So please huwag ka na maghabol. Past time ka lang niya pero ako ang mahal niya!" Nakangising saad nito
"Walang hiyang babae tohm..." pinigilan ko si Mahinhin pabalik sa loob
"Tama na please. Umuwi na lang tayo." Naiiyak kong pakiusap sa kanila. Gumaralgal ang boses ko dahil sa pinipigilang iyak. Para bang nanghihina ang tuhod ko dahil sa sinabi niya.
"Take what is yours! Hanggang salita lang naman yan." Dinuro pa ni Mahinhin ang nakahigang babae.
"Bitch! If sa tingin mo nanalo ka, neknek mo. Hindi pakakawalan ni Diozza si Adonis. Pang third party ka lang! Bitchy bitch!"
Sigaw na muli ni Mahinhin na pinipigilan na rin nina Martha.
Nakakahiyang nag eskandalo kami sa loob ng hospital.Mabilis kaming lumabas sa lugar na iyon. Sa parking lot kami dumiretso kung saan nakapark si Martha.
Papasok na ako sa passenger seat ng bigla akong hilain ni Mahinhin.
Hawak niya ang aking mga braso, humarap ako sa kanya."What's the matter with you?" Galit siya. " bakit hinayaan mong api-apihin ka ng babaeng iyon. Nasaan na yung Diozza na kilala ko na palaban!"
My tears fell. Nasaan na ba ang Diozza na iyon? Hindi ko na rin alam.
Nawala na ng tuluyan simula noong minahal ko si Adonis."Huwag kang iiyak-iyak diyan dahil hindi ka nakakaawa. Nakakainis ka lang lalo!" Sigaw nito sa akin. I know she's frustrated.
"Mahinhin, tama na."si Eula na umiiyak na rin.
Pero ayaw magpapigil ni Mahinhin. Hinihila nito ang kamay ko. Nanggigigil.
She's breaking down, so Am I."Yes I'm weak, hindi ko alam paano, o bakit pero nagmamahal lang kasi ako. Hindi mo alam ang pakiramdam ko dahil hindi ka pa nagmahal ng totoo. Malalaman mo din if you fall in love.", sigaw ko sa kanya. Nanginginig ang kamay na humawi sa kamay niyang nakahawak sa akin.
Napasabunot siya sa kanyang mahabang buhok.
"Nagmahal? Then bakit hinahayaan mo na mapunta si Adonis sa kanya? Bakit hindi mo pigilan iyang boyfriend mo na pumunta diyan sa ex niyang malandi!" Balik na sigaw niya sa akin. Napa hiwalay na kami . Nasa gitna namin si Eula at Martha.
Sumasakit na ang ulo ko kay Mahinhin. I know she's concern but...
"Ngayon iiyak iyak ka diyan. Anong magagawa ng iyak mo. Mahal daw pero wala naman ginagawa..."
"Dahil wala naman talaga kami! Naiintindihan niyo?walang kami at hindi niya ako mamahalin dahil may mahal siyang iba!" putol ko sa sasabihin niya.
"I'm pretending to be his girlfriend because he wants to win Crystal back.
Nagpakatanga ako di ba! Ang tanga tanga ko dahil nainlove ako sa kanya kahit alam kong wala akong pag asa!" Amin ko.Halos wala na akong makita dahil hilam na ng luha ang aking mga mata.
Kuyom ang aking mga kamay pinagsusuntok ko ang aking mga hita habang nakatayo."Ang tanga tanga ko!" Niyakap ako ni Martha.
Si Mahinhin ay natulos sa kinatatayuan sa nalaman. Si Eula ay umiyak kasama ko.
"I'm sorry, hindi namin alam! Sana sinabi mo para nadamayan ka namin. Bakit ka pumayag?" Garalgal ang boses, naging mahinahon na ang tono ni Mahinhin.
"Nahiya ako. Isa pa, I'm starting to like him. Hanggang sa hindi na ako makaahon sa pagmamahal ko sa kanya. I was happy being with him na nakalimutan kong may nag mamay-ari ng kanyang puso. And maybe, nag-expect din ako na kaya niya akong mahalin. "
BINABASA MO ANG
Confidently Beautiful (Completed)
RomanceHoy baboy. Tabatchoy. Piggy, oinky. Itawag na sa akin lahat. WALA AKONG PAKI! Spell that out! E so what kung mataba ako. I'm beautiful and sexy. Sexy on my own way! Ako si Diozza. Diyosa ng ganda, diyosa ng kaseksihan. Diyosa ng kakapalan ng mukha...