Agad akong pumanhik sa kuwarto ko at 'di pinansin ang nag-uusisa kong ina. Ibinilin ko na lang sa mga katulong ang bulaklak na natanggap galing kay Bryan para ilagay sa vase at ang stuff teady bear ay initsa ko sa maliit na sofa sa kuwarto ko.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Nakadapa ako ng ilang saglit. Nang hindi na makahinga ay gumulong ako na parang bola. Napatingin ako sa aking kaliwa.
Nakaharap kasi ang isang malaking stuff toy na baboy. Ito yung napanalunan ni Adonis minsan na nag-date kami sa isang piyestahan.
Parang malungkot na nakatitig din sa akin. Para akong tanga na nakipagtitigan din sa mata ng baboy kahit hindi naman ito gumagalaw.
Hanggang sa tumulo na lamang ang luha ko. Pinitik ko ang ilong nito habang humihikbi."Ano'ng tinitingin-tingin mo? Do I look pity to you na kung makatitig ka parang kawawa ako? Masaya kaya ako. Eh ikaw ba masaya?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Siyempre masaya ka! Kasama mo na ang pinakamamahal mo. Nagawa mo nga ang magmakaawa dati 'di ba? Pero ikaw ba? Naawa ka ba sa akin?" Humihikbi ko pang saad na muling pinitik ang ilong ng stuff na baboy.
"Bakit ka naman maaawa sa akin? Hindi naman ako kaawa-awa sa paningin mo eh." Naupo ako at niyakap nang mahigpit ang baboy.
"Hinding-hindi na ako magpapakita ng kahinaan ko sa iyo!""Anak?!"
"Ay Nanay kong palaka!" Bulaslas ko sa gulat dahil sa pagsigaw ng magaling kong nanay.
I rolled my eyeballs. Nakapasok na naman ito sa kuwarto ko at umentra na naman sa pag-eemote ko. Kahit kailan panira tong nanay ko ng emo-moment ko.
Ini-lock ko naman ang pinto pero as usual ginamit na naman niya ang susi para mapasok ako! Nagpaduplicate na naman.
Maglalagay na talaga ako ng kandado sa loob ng pinto ko!
"Anak, ikinabaliw mo na ba ang pagda-diet?" Tanong niya. Mukhang maiyak pa yata.
Itinago ko ang aking mukha sa katawan ng baboy. Ang nanay ko minsan di ko mawari kung may utak pa ba? Napapaisip tuloy ako kung saan ko namana ang katalinuhan ko.
Oo nga pala! Siyempre sa ama ko...
Naramdaman ko ang pag-upo ni mama sa aking tabi. Hinagod niya ang aking likod.
"Hay naku, wala na nga akong anak na baboy mukhang pinalitan naman ng baliw! Saan ako nagkulang at nagkaganito ang aking anak!" Palahaw ni mama. Nakakaimbiyerna talaga si mama!
Padarag kong inalis ang mukha ko sa katawan ng baboy at sinimangutan siya. Buti na lang at natuyo na ang luha sa mga mata ko kaya naharap ko na siya.
I'm so pissed at susungitan ko na sana siya when I met her eyes. Natamihik ako nang ngumiti siya sa akin. Her aura today is so comforting.
"Anak," she called as she extend her arms for a hug. I was taken aback for a while but then I really need her right now. I hug her tight,very tight. I miss her.
This is so comforting. And I like this, her very soft side. She's always been very tough to me. But for now hindi iyon ang kailangan ko.
We stayed like that for a while. At nagpapasalamat din ako na tahimik lang siya. Hindi na muling humirit ng walang kuwenta!
"Anak, maligo ka...ang baho mo na!"
In my dreams!
"Mom!" napalayo ako sa kanya at inamoy ang aking sarili.
Yuck! Amoy street food nga ako.
Ngumiti ako sa kanya at muli siyang niyakap ng mahigpit. Tumili siya noong ikiskis ko sa kanya ang katawan ko."Diozza, bitiwan mo ako." pagpupumiglas niya. Kilalang-kilala ko ang nanay ko. Ayaw niya ng mabaho, ayaw niya marumi, ayaw niya ng masikip! Ay nagdrama!
BINABASA MO ANG
Confidently Beautiful (Completed)
RomanceHoy baboy. Tabatchoy. Piggy, oinky. Itawag na sa akin lahat. WALA AKONG PAKI! Spell that out! E so what kung mataba ako. I'm beautiful and sexy. Sexy on my own way! Ako si Diozza. Diyosa ng ganda, diyosa ng kaseksihan. Diyosa ng kakapalan ng mukha...