Chapter 25 Kidnap

317 46 25
                                    

I was like hypnotized for a second. Natauhan lang ako noong nakapasok na siya sa kotse at kasalukuyang inaabot ang seatbelt ko.

Halos hindi ako huminga dahil halos magkadaiti na ang katawan namin.
At ang hudyo, lalo yatang binagalan ang paglalagay, gusto rin yata akong mamatay dahil alam kong ramdam niya ang 'di ko paghinga.
Lumingon siya sa akin nang nakangisi. Malapit pa rin ang mukha niya sa akin dahil hindi pa naman siya umaalis.

"Breath Diozza," usal niya, ramdam ko ang hininga niya sa may pisngi ko.

Natikom ko ang aking bibig at hindi pa rin humihinga. He chuckle when he finally sit and put his own seatbelt.
Napabuga ako ng hangin. Alam kong narinig niya iyon kaya napatawa siya at napatingin sa akin. Those eyes has a thousand words, a thousand feelings. Napakagaan ng ngiti niya sa akin. Kaya kumalma ang sistema ko, ang puso ko na lamang ang hindi pa.

Umalis kami sa school, hindi ako nagtanong kung saan niya ako dadalhin. Sa gaan ng pakiramdam ko sa kanya, hindi naman niya siguro ako kikidnapin para ipatubos 'di ba?

"Nakuha ko na siya." Napakunot ang noo kong napabaling sa kanya. May kausap siya sa telepono, nakahead phone ito habang nagda-drive. "Oo, i-ready niyo na ang lahat."

Nanlaki ang mga mata ko. What the?
Muli siyang pumindot at may tinawagan.

"Hello, Tita Beauty," bati niya sa kausap.

Namutla yata ako sa narinig na pangalan. Beauty? Mommy ko? Bakit kausap ni Adonis. Kikidnapin ba talaga ako?

"Pakihanda na lang. I will assure you na hindi siya masasaktan." Nangilabot ang buo kong katawan. Iyong kaba ko hindi na dahil sa nararamdaman ko sa kanya. Para na ito sa buhay ko.

Unti-unti kong hinugot ang cellphone ko sa bag ko. Busy siya at nakatuon ang tingin sa kalsada pagkatapos kausapin si Mrs. Beauty Queen Gonzales, my Mom. Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko.

"Don't you dare call or text someone," babala niya kaya nabitiwan ko ang cellphone. His eyes is like a hawk nang sumulyap siya sa akin.

Napalunok ako at malalim na nag-isip. Paano ba ako tatakas sa kanya. Tatalon kaya ako palabas sa kotse niya? Kaya lang delikado. Hindi nga niya ako makikidnap, baka mamatay naman ako at magkalasog-lasog ang maganda kong katawan. Ang pangit ko naman kung paglalamayan dahil for sure gasgas ang mukha kong pretty.

Eh kung agawin ko ang manibela sa kanya? Nakikita ko iyon sa pelikula.
Pero kinakalabasan naman  naaaksidente pareho. Bumabangga sa kung saan.

Think Diozza...
Sa kakaisip ko hindi ko namalayan na nag-stop na kami.

Napakapit ako sa bag ko at sa seatbelt, habang palinga-linga. Maraming mga puno ang lugar kung saan niya ako dinala. At may nakatayong building sa gitna.

Nagtaka lang ako na marami ring naka-park na sasakyan doon. Hindi naman luma ang mga iyon. May napansin pa ako na tila pamilyar sa akin na sasakyan. Ipinagtaka ko rin lang na wala ni isang tao.

Inihanda ko ang aking sarili. Noong palabas na siya sa kotse, ni-release ko ang seat belt at naghandang tumakas na rin. Pagkasara niya sa pinto, bago pa man siya makadalo sa akin sa kabilang side, agad ko nang binuksan ang pinto at akmang patakbo.

Akma pa lang dahil mas mabilis siyang nakaikot at mapigilan ako sa braso.

"Dare to run Diozza? Mapapagod ka lang kakaikot dito. This is a private property at walang sasakyan na bumabiyahe. You may walk or run, pero mahahabol kita. Mapapagod ka lang."

Matalim ang titig ko sa kanya at nagpumiglas.

"Eh di mapagod ka rin kahahabol sa akin. Para fair!" Bulyaw ko na imbes na ikapikon niya, parang nasiyahan pa siya dahil tumawa ito.

Ako tuloy ang nainis. Pinagsusuntok ko siya sa braso. Don't worry mga bhe, hindi gaanong malakas ang suntok ko, ang hard kasi ng maskel niya, ako lang ang masasaktan kapag nilakasan ko.
Niyakap niya ako para pigilan. Napatigil ako dahil hindi ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi ako mapapagod na habulin ka Diozza. I will run after you kahit saan ka magpunta," He said seriously. He then hold my chin up ang meet his gazed.

"Huwag marupok Diozza,"paalala ko sa sarili ko ng paulit-ulit. Pero itong puso ko, ipinagkakanulo ako.
Unang pagkikita pa lang namin ni Adonis, tinraydor na ako ng puso ko.
It was like at first sight and love at first date.

Pilit kong pinapatay ang apoy sa maraming kadahilanan.
Ayaw ko nang masaktan pang muli. Pero heto na naman ako. Heto na naman ang puso ko. Kahit pa alam kong masama ang balak niya sa akin. Naguguluhan na ako.
I was trembling because of different emotions I have inside. Nasa harap ko ang taong mahal ko at the same time taong madalas dahilan ng pag-iyak ko.

Hindi ako makatagal sa mga titig niya kaya naman napa-iwas ako ng tingin.
Ngunit muli niya akong ipinaharap sa kanya.

"Then, please let me go. Hindi kita tataguan,promise. Basta hayaan mo na lang ako," Tuliro kong paki-usap.

Malamlam ang mga mata niyang umiling sa akin. Anak ni Beauty Queen! Paano ako makakawala nito?

"Ano ba ang dapat kong gawin para pakawalan mo ako. This is kidnapping!" Nagpupuyos kong saad. Hindi ka nakuha sa pakiusap. Makikita mo ang bagsik ng diyosang kaharap mo. Imbes na patulan ako ay napangisi siya.

Napatulala ako, ang guwapo naman kasi. Kontrabidang pogi sa pelikula ng buhay ko.Nagpumiglas na ako sa pagkakahawak niya.

Hindi nga lang ako makawala dahil parang bakal ang mga kamay niyang pumipigil sa akin.Napapagod na ako sa kakapiglas.

"Ano ba ang kailangan kong gawin? Kung pera ang kailangan mo, neknek mo hindi ako tutubusin ng magulang ko sa iyo," Mariin kong saad habang nakanguso. Baka nga i-parape pa ako ng Nanay ko. Gustong-gusto niya magkamanugang ng guwapo eh, isa pa bet na bet niya talaga si Adonis.

Biglang bumitaw ang kamay niya sa mga braso ko.

"Let me think. Kung hindi ka matutubos ng magulang mo, then maybe...." pabitin niyang sagot. Naningkit ang mga mata ko habang hinihintay ang kasunod niyang sasabihin. Nakakapang-init lang ng ulo kung paano niya ako tignan. Taas baba ang tingin niya na para bang sinusuri ang katawan ko.

Kinilabutan ako sa naiisip, baka kasi balak na nitong rape-in ako. Tapos patayin at itapon sa ilog ang laspag kong katawan. Shit! Hindi na matutupad ang kahilingan kong maging maganda sa lamay ko. Gusto ko talaga iba't ibang gown gabi-gabi. Tapos pati make-up at ayos ng buhok parang pang beauty queen lang.
Ohhh,please huwag mo muna akong patayin!

Oops sorry na talaga sa dark thoughts ko kay Adonis. Hindi niya naman siguro magagawa iyon, I know him well, he has a soft side lalo sa mga babaeng magaganda tulad ko.

"What if I'll make you pregnant para hindi ka na makakatakas sa akin!" Ika niya. My jaw drop and my eyes almost pop out. Bigla ko tuloy nayakap ang sarili ko.

May dark thoughts din pala siya para sa akin.Napakamot ito ng ulo na para talagang seryoso sa sinabi. Inirapan ko siya.

"You're not ready with that huh! Then can I have a kiss. Partial payment!" usal niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, Iyong mas mataas kesa sa dati. Pero noong unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa akin ay napapikit ako. Sorry talaga, sabi ko hindi ako marupok, pero...

I'm expecting a kiss from him. Ni halos hindi nga ako huminga because of that. Pero ilang minuto na, wala pa rin labing dumadampi sa labi ko. I'm so marupok na talagang naghintay ako. Para lang mapamulat sa paglalagay niya ng piring sa mga mata ko.

"Adonis?" Mangha kong sigaw.

Nagpupumiglas na ako noong buhatin niya ako papasok kung saan.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon