Chapter 35

248 20 3
                                    

Dedicated to KristelHang sorry sa paghihintay.

Naglakad ako palayo. Pilit nagpapakatatag at pinipilit na huwag maiyak at huwag lumuha. Pero hindi ko iyon napigilan lalo na dahil wala man lamang Adonis na pumipigil sa akin. Hindi man lamang niya ako hinabol.

Naririnig ko si Eula na sinasabihan si Adonis na habulin ako pero wala, hindi niya ginawa.

Masakit! Napakapit ako sa aking dibdib dahil sa sobrang sakit. Napatigil ako sa paglalakad nang alam kong medyo malayo na ako sa kanila. Napakapit ako sa pader. Doon na lumabas ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ako makahinga, ang sikip ng dibdib ko, lalo na noong maalala ko ang itsura  ni Adonis nang makita ako. At ang imahe ng singsing na suot ni Crystal.

Oo, bago ako tumalikod ay napukaw ng pansin ko ang daliri nitong mahigpit na nakakapit sa braso ni Adonis.

I'm about to collapse nang may biglang umalalay sa akin. Napatingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang abong mga mata ng pinsan ni Adonis. Doon na tuluyang nagdilim ang paningin ko at  nawalan ng malay.

Pagmulat ko, nasa isang kuwarto na ako. Alam kong nasa hospital pa rin ako dahil sa amoy at puting kapaligiran.

Nang isang hikbi ang pumukaw sa pagmumuni-muni ko. Napabaling ako sa aking kaliwa. Isang Eula ang agad na mahigpit na yumakap sa akin.

"I'm sorry besh, sana hindi ko na lang sinabi. Sana hindi ko na lang sinundan ang walang hiyang Adonis na iyon..." humihikbing saad niya. Muli naglandas ang luha sa pisngi ko.
Isang haplos sa likod ang naramdaman ko. Hinahagod ni Bryan ang aking likod para pakalmahin.

Inilibot ko ang aking mga mata. Wala akong makita na Adonis. Walang palatandaan na naroon siya. Humagulgol ako mula sa pagkakayakap kay Eula. Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung bakit pakiramdam ko bigla na lamang lumayo ang feelings ni Adonis.
Masakit dahil halos perpekto na ang lahat. Maayos na at naniwala akong wala nang hahadlang pa at makakabuwag sa amin. Pero nagkamali pala ako dahil sa isang iglap, siya! si Adonis ang gigiba ng pader na ipinalibot ko sa aming dalawa. Siya ang sumira ng bagay na matagal kong inasam at pinangarap. Nahanap ko nga ang prinsipe ng buhay ko pero ano?  Siya ang langit ng kaligayahan ko pero siya rin pala ang hihila sa akin sa impiyerno ng kalungkutan. Masakit, sobrang sakit na tila ba may malaki at mabigat na nakadagan sa dibdib ko. 
Ilang beses na ba niya ako sinaktan ng ganito? Ilang beses na ba niya ipinaramdam sa akin na hindi ako sapat. Ilang beses na bang halos mawalan ako ng tiwala sa sarili o alisin niya ang tiwalang meron ako sa sarili. Siya lang ang nakakagawa sa akin nito, ang pagdudahan ko ang sarili ko. Ang kuwestiyunin ko ang pagkatao kong binuo.

Humagulgol ako kasabay ni Eula. Alam kong labis din siyang nasasaktan gaya ko.
Nang bumukas ang pinto.

"Can, I talk to Diozza?" Nagkalas kami ni Eula mula sa pagkakayakap at napabaling sa Doctor na pinsan ni Adonis. Pareho kaming nagpahid ng luha nang muli itong magsalita. Seryosong nakatitig sa akin. "Privately!"

Nagkatinginan kami ni Eula. Tumango ako para sabihing okay lang.

"Sa labas na lang muna kami, Diozza." Paalam ni Bryan at hinila ang kaibigan kong masama ang tingin sa Doctor. Hindi ko pa nasasabi sa kanila na pinsan ito ni Adonis.

Muli akong nagpunas ng luha sa pisngi. Suminghot-singhot pa ako habang walang balak na tignan siya sa mata. Nakatungo ako at pinaglalaruan ng daliri ang kumot na nakatabing sa akin.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa monoblock chair na nasa tabi ko. Sa gilid ng mata ko, napansin ko na may papel siyang hawak.

Tumikhim siya at nag-alis ng bara sa lalamunan.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Agad akong napabaling sa kanya dahil biglang nag-iba ang ihip ng hangin. I mean, nag-iba ang tono ng pananalita niya. Maayos ngayon at malumanay.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya at muling tumitig sa papel na hawak niya. Pagkatapos ay sa akin muli.

"By the way, I'm Joseph. As you know, pinsan ako ni Adonis."

Tumango lamang ako at muling iniiwas ang tingin sa kanya. Muli ring tumahimik ang paligid.

"Kung hinahanap mo si Adonis. Sinamahan niya muna si Crystal, we need to put her in a facility na matututukan talaga siya." Malungkot na saad nito kaya muli akong napaangat ng tingin sa kanya. Napaawang ang labi ko na para bang napakaseryoso ng kalagayan ni Crystal ngayon.

Mukha namang nakuha ni Joseph ang ibig sabihin ng kanyang tingin ko  kaya nag-umpisa itong magpaliwanag.

"Like I said, nakadepende na si Crystal kay Adonis. Akala niya noon sa una kaya niyang mawala si Adonis. Kaya niyang pakawalan ito. But then, when you came to the picture, doon siya naalarma at nagsisi na pinakawalan niya si Adonis," sabi niyang muling napabuntong hininga. Nakatitig lang rin ako sa kanya, walang anumang emosyon. Muli siyang nagpatuloy.

"As you can see, Adonis can live without her, pinili ka niya eh. Kabaliktaran niya si Crystal. Hindi kaya ni Crystal na wala si Adonis sa kanya..."

"Kaya ba gusto mong mawala ako para kay Crystal? Kaya ba gusto mo akong magparaya para sa kanya?" muling naglandas ang luha sa pisngi ko. Nakita ko ang paglunok niya habang malamlam ang mga mata niya na nakatitig sa mga mata ko.

Tumango siya.

"Ilang beses nang tinangka ni Crystal na magpakamatay. Lalo na noong hindi na dumadalaw si Adonis dahil sa iyo..."

Umiling-iling ako.

"Bakit kasalanan ko? Kasalanan niya kung anong nangyayari sa buhay niya. Siya ang namili kung ano ang itatakbo..."

"She's not like you. Mahina siyang babae samantalang ikaw, kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa. Kaya mong dumepende sa sarili mo kahit mag-isa ka. Si Crystal, isang pitik lang ay susuko na, mababasag at hindi na mabubuo pa..."

"Then! Bakit hindi na lang ikaw ang manatili sa tabi niya?" Tanong ko na ikinagulantang niya. Hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pa. "You like her. Kaya kahit doctor ka, mas nangingibabaw ang emosyon mo kaysa sa pagiging doctor mo. Alam kong may paraan para magamot siya pero, mas gugustuhin mo pa talaga na magparaya ako!" Umiling siya. "Hindi mo ako maloloko. Kung paano mo siya ikuwento ay naghuhumiyaw na you care for her so bakit hindi ikaw ang manatili sa tabi niya. Bakit kailangang si Adonis?"

May panlulumo ang mga mata niyang nakatitig pa rin sa akin kahit pa nga nagulat siya sa mga sinabi ko.

"Kung puwede lang sana. Kung sana ako ang mahal niya then yes, I will stay by her side. Pero hindi ako eh, hindi magiging ako kailanman kahit anong subok ko." Nahimigan ko siya ng pait sa kanyang boses.

"I'm not like you na kaya mong paibigan ang isang mighty Adonis." tumawa ito pero halatang pilit. Alam kong pinapagaan niya lamang ang atmospera ng paligid.

"Alam kong mahal ninyo ang isa't-isa ni Adonis. Ang nais ko lang ipakiusap sana, kung puwede mong bigyan ng panahon si Crystal. Ginagawa namin ang lahat para mapakawalan na niya ng tuluyan si Adonis..."

Tumahimik ako. Hindi ko na alm kung ano ang magiging reaksiyon.

"Kaya lang..."

Muli, pabitin siyang nagsalita at inaarok ng bawat tingin niya ang reaksiyon ko.

"You are..."

Siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa doon si Adonis. Hangos na hangos ito.

Pareho kaming nakatingin ni Joseph kay Adonis. Na ngayon ay matamang nakatitig sa akin habang palapit.

Tumayo si Joseph. Bago nagpaalam ay ibinigay niya sa akin ang papel na kanina pa niya hawak.

"Mag-usap kayo. Decide what ever you think is right," bulong nito bago tuluyang lumayo sa akin.

Ngayon, dalawa na lang kami ni Adonis ang nasa kuwarto. Malakas ang pintig ng puso ko habang pakiramdam ko lumiliit ang kuwarto kung nasaan kami. Sumisikip at hindi ko matanto kung bakit ganoon ang nararamdaman ko.

"I'm sorry, baby," sambit niya

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon