Chapter 32

269 16 8
                                    

Nagmukmok ako maghapon sa kuwarto. Mugto na ang mga mata ko at mahapdi na rin. Alam kong kanina pa umalis ang lalaking hindi ko man lamang nalaman ang pangalan. Basta pinsan siya ni Adonis. Pinsan niyang hindi boto sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung ano na ang paniniwalaan ko. Yesterday, I was very happy, may kapalit pala lahat ng iyon. Napupuno tuloy ng agam-agam ang ang utak ko. Mga tanong na ayaw ko sanang i-entertain pero pilit na nagsusumiksik sa isip ko.

Alam ko sa sarili ko kung sino si Adonis. Kilalang-kilala ko na siya at alam kong totoo siya sa akin. Walang halong kaplastikan ang ipinapakita niyang ugali at pagmamahal.

Ang problema ay ang pamilyang nakapalibot sa kanya. Kung sino ba sila? Kung anong magiging papel nila sa buhay naming dalawa ni Adonis.

Si Crystal pa lang at ang nalaman ko ay problema na, ano pa kaya ang pamilya ni Adonis. Kung makikilala ko sila, paano ko sila haharapin, paano nila ako itururing.

Naimagine ko tuloy, baka sabuyan ako ng kape ng kanyang Tita, ang asawa ng kanyang Papa. O baka ipatawag ako ng ama niya at suhulan ng pera para layuan si Adonis.

Ipinilig ko ang aking ulo. Wahhh! Nababaliw na yata ako. Nakakabuwang ang bawat tanong sa isip ko. Baka bigla ko na lamang hanapin si Crispin at Basilio.

"Baby?" Mula sa pagkakatalukbong ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang yabag na papalapit. Boses iyon ni Adonis. Hindi ko tuloy mapigilang mapaluha ulit. Impit akong umiyak, kahit pigilan ko alam kong naririnig niya ang mahihina kong hikbi.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama. Naupo siya sa aking tabi. Hinimas ang ulo ko mula sa kumot na nakatalukbong sa akin.

"I'm so sorry, baby. Hindi na mauulit ito. Nasaktan ka ba?" Malumanay niyang tanong. Kinagat ko ang aking labi para hindi na muling mapahikbi. Pero wala eh, kumawala pa rin. Ang hirap tuloy huminga, tapos nagugutom pa ako.

Nakakahiya dahil kasabay ng paghikbi ko ang malakas na pagkalam ng tiyan ko. Mas malakas pa nga yata dahil narinig ko ang mahinang pagtawa ni Adonis.

"Halika na, may dala akong street food na paborito mo. Kain muna tayo bago ko ipaliwanag ang lahat," aya niya at hinintay na alisin ko ang kumot sa akin.

Ikukuwento daw niya ang lahat? Kaya ko bang tanggapin kung ano ang malalaman ko? Tatayo na sana siya noong hawakan ko ang kamay niya para pigilan. Nakatalukbong pa rin ako ng kumot.

"Adonis..." gusto kong sabihin tungkol sa lalaking pinsan niya. Pero tila may pumipigil sa akin. Napakagat muli ako sa aking labi.

"Baby?"

Tumahimik ako saglit.

"May balot ba?" tanong ko na lamang na ikinatawa niya. Inalis niya ang talukbong na kumot sa ulo ko.

Napalis ang ngiti niya sa labi nang makita ang itsura ko. Lalo na nang makita niya ang mga mata kong mugtong-mugto.

Malungkot niya akong hinila para yakapin ng mahigpit.

"I'm sorry baby, I'm sorry. Hindi dapat kita iniwan ng matagal. May masakit ba ha?" Sunod-sunod niyang saad. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

Nakapagdesiyon na ako. Hindi ako magpapatinag. Kakapitan ko si Adonis na parang linta hanggang sa alam kong mahal niya ako. Kakapit ako sa pagmamahal na meron kami. Gaya ng sabi niya. Siya at ako lang.

"I love you, Adonis. My baby," ika ko.

"I love you more, baby. My Diozza," saad niyang inilayo ang mukha ko sa dibdib niya. Tinitigan ang singkit kong mata saka niya ako hinalikan sa labi. Dampi lamang iyon pero matagal. Gusto kong tumugon pero agad niyang inilayo ang labi niya sa labi ko. Napanguso tuloy ako dahil nabitin.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon