Chapter 31

254 15 2
                                    

Naghintay ako sa sala. Hindi ako mapakali na parang may uod sa puwet, tatayo ako pagtapos ay muling uupo. Pabalik-balik din ang mata ko sa cellphone kasi baka magtext siya.

Nang tumunog muli ang doorbell. Alumpihit akong buksan ang pinto dahil baka iba na naman ang bumungad sa akin. Kaya naman sinilip ko muna kung sino ang nasa labas. Napakunot noo ako nang mapagmasdan ang isang makisig, matangkad at higit sa lahat guwapong nilalang na nakatayo sa harap ng pinto. Mukha nga lamang istrikto dahil salubong ang kilay nito habang paulit-ulit na pinipindot ang doorbell ng bahay.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki nang makita niya ang magandang dilag na nagngangalang Diozza.

"Hi, sinong hanap nila?" Nakangiti kong bati at tanong. Napatingin ako sa likod ko nang hindi niya ako pansinin bagkus ang tingin ay lumagpas sa akin na para bang may hinahanap.

"Hanap mo ba si Adonis? May pinuntahan..."

"Who are you?" Parang galit na tanong niya sa akin. Aba, at sinusungitan ang beauty ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ako unang nagtanong, Manong," diniinan ko ang huling kataga na sinabi ko. At ang hinayupak na guwapong manong bigla na lang pumasok sa loob na walang pasabi. Hindi inalintana ang nakaharang na pader, este katawan kong seksi. "Sandali nga!" Hinawakan ko siya sa kamay dahil baka magnanakaw ito o masamang tao. Hindi lahat ng guwapo mabait,minsan may pagkabuwang din.
Baka bigla niyang maisipang tikman ako. Mahirap na. Kaya pipigilan ko na siya habang malapit pa kami sa pinto.

"Take off your hands on me!" Matalim ang titig niya sa kamay ko kaya napabitiw ako agad. Pinameywangan ko siya at tinaasan ng kilay para maitago ang kaba ko sa inasal niya.

"Manong, mag-isa ako rito ngayon at babae pa. Kung may makakita sa atin na tayo lang dalawa dito, baka kung anong isipin nila, pati ang fafa kong si Adonis baka isipin niyang pinagtataksilan ko siya. Kaya puwede ba, umalis ka na," mataray kong saad. Hinarap niya ako with his poker face.

"Miss, ang kapal.naman yata ng mukha mo. Una sa lahat, pinsan ko si Adonis kaya hindi mag-iisip iyon ng masama. Pangalawa, don't worry, walang mag-iisip na may namamagitan sa atin..."

Aba-aba! Ang loko, anong ibig niyang sabihin? Hindi ako bagay sa kanya! Di hamak na mas lamang sa paligo si Adonis ko.

"Pangato..." ngumiti ito ng nakakakilabot. "Hindi kita type!"

Aba! Namumuro na ito sa akin ah.

Sinundan ko siya nang maupo ito. Naupo ako sa kabisera ng inupuan niya. Nakataas ang kilay ko at nakanguso.

"Saan siya nagpunta?"

Hindi ko siya sinagot. Nagkunwari akong hindi siya narinig.

"You do like his mom," kapagdakay sabi nito kaya naman napabaling ako sa kanya. Lalong nagtaka sa sinabi nita at the same time na-curious ako.

"Bakit mataba rin siya?" Sarkastiko kong tanong na nakapagpailing sa kanya. Bumuntong hininga pa ng malalim.

"Hindi ka maayos kausap!" Seryosong sabi niya. Like what? Ako pa talaga ang hindi maayos kausap. Kasasabi niya lang na para akong mama ni Adonis. Ano'ng masama sa tanong ko? Wala naman ah. "What I mean is, nakikita niya sa iyo ang mama niya, Diozza!"

Diozza? Tinawag niya ako sa pangalan ko. So kilala niya ako, tapos nagtanong-tanong pa kung sino ako kanina? May sira talaga sa tuktok ang nilalang na ito!

Humalakhak ako in super duper sexy and sosyal way. May patakip pa ako ng kamay sa bibig para sosyal na sosyal ang datingan. Siya naman ang kumunot ang noo.

"Ow, kaya pala mahal na mahal ako ni Adonis my loves ano?" Maarte kong saad at muling humalakhak.

Tumawa rin ito ng nakakaloko kaya in a split of second itinigil ko ang tawa ko at sumeryoso. Tinaasan ko na siya ng dalawang kilay. Gusto kong magmaldita pero naunahan niya ako sa pagsasalita.

"Hindi ka niya mahal. Nakikitungo lamang siya sa iyo dahil para kang ang mama niya. The way you care for him. The way you treat him, pero sa puso niya si Crystal pa rin!"

Bigla na lang unti-unting nawawala ang confidence ko sa sarili dahil sa sinabi niya. Ano daw? Ibig sabihin kilala nito si Crystal? Ano ba ang araw na ito? Bakit napakaraming sumisira.

"Para mas maliwanagan ka. Hindi totoong hindi alam ni Crystal na mayaman si Adonis. Siya pa nga mismo ang nag-adjust sa katigasan ng ulo ng fiance niya." Nanginig ang kamay ko. Fiance? "Siya ang nakisama sa lahat ng kagaguhan ni Adonis."

Napalunok ako at kinabahan sa mga pinagsasabi ng lalaking kaharap ko. Nanunuyo ang aking lalamunan kaya panay ang lunok ko ng laway.

"Nakipaghiwalay si Crystal para bigyan ng leksiyon si Adonis at para na rin marealize nito ang halaga niya. Kung sana, hindi ka lamang pumasok sa picture, siguro matutuloy ang kasal nila at hindi ngayon nakikipaglaban si Crystal sa depression!"

Ayaw maproseso sa utak ko ang sinabi niya. Pero hindi naipagkaila sa akin ang malungkot niyang tinig habang binabanggit si Crystal.

"Gumawa si Crystal ng paraan para tanggapin ni Adonis ang tatay niya at kayamanan nito. Nakipagrelasyon pa siya sa Bryan na iyon para paselosin si Adonis. Kung bakit pumagitna ka pa sa dapat magiging maaayos na relasyon!" May halong galit at hinanakit ang tono nito. Madilim ang mukhang nakatingin sa akin.

Pilit kong pinigilan ang luha ko na nagbabadya ng lumabas. Bakit pinamumukha niyang kasalanan ko ang lahat. Nagmahal lang naman ako. At nararamdaman kong minahal din ako ng lubos ni Adonis. Wala akong kasalanan. Nagmamahalan kami ni Adonis.

Iyon ang gusto kong isiksik sa utak ko. Iyon ang gusto kong paniwalaan pero there is a part of me na nagdududa na.

Sa nasaksihan ko kanina kay Crystal. Sa pag-iwan sa akin ni Adonis to cater Crystal again.

Anong dapat kong isipin?

Tumayo ang lalaki at nanatili naman akong nakatungo.

"Aalis na ako. Naiparating ko na ang kailangan kong sabihin. It's up to you to make a rightful decision. Sana lamang isipin mo kung ano ang nakakabuti sa lahat!" He said as he walks to the door.

Nakuyom ko ang aking kamao at padarag na tunayo. With tears on my face nagsalita ako. Dahilan ng pagkakatigil niya.

"Wise decision? Then I will choose my happiness. Kung saan ako sasaya. Kung ang gusto mong tumbukin ay ang magparaya ako. Hindi ko iyon gagawin. Bakit ako magpaparaya? Bakit ko ibibigay ang taong dahilan ng kasiyahan ko. Bakit ko iisipin ang iba kaysa sa sarili ko?" sigaw ko. Humarap ito sa akin na madilim na ang mukha, pero nagulat sa umiiyak kong itsura. "Nagmamahalan kami ni Adonis, walang puwedeng bumuwag sa amin. Hindi si Crystal, at hinding-hindi ikaw!" Sigaw ko at tumakbo sa kuwarto. Doon ay para akong kandilang nauupos.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon